Seiji no Tegami

2.3K 145 81
                                    

Rita,

Wala akong tiwala na matatandaan mong ikinuwento ko sa iyo ang kwento ng araw at ng buwan. Nasa iyo na kung aaralin mo ang wikang Hapon para maintindihan ang sulat na ito. Kung hindi, nauunawaan ko naman.

Isa ito sa paboritong kwento ng aking fukuru na galing sa aking oyaji.

Mukashi mukashi (A long long time ago), gumawa ang Lumikha ng liwanag para magbigay gabay sa mga tao. Nagtakda siya ng dalawang mga tagapangala ng liwanag na ginawa niyw. Hinati niya ang araw at tinawag niya itong hiru (daytime) at yoru (nighttime).

Si Taiyo, ang lalaking tagapangalaga ng liwanag tuwing hiru. Masayahin siyang tao at naging malapit siyang kaibigan ng mga tao.

Si Tsuki naman ang babaeng inatasan na magbigay liwanag tuwing yoru (nighttime). Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga taong nagpapahinga. Siya rin ang naging gabay ng mga magsasaka sa pag-ani at ng mga mangingisda sa pagpunta sa laot.

Isang araw ay maagang sinimulan ni Taiyo ang kanyang tungkulin. Hindi sinasadyang nakita niya si Tsuki. Buong araw ay nasa isip niya si Tsuki. Lingid sa isip niya ay pareho rin ang nararamdaman ni Tsuki.

Isang araw, pinilit nilang magsama ng mas matagal kaysa sa dati. Masaya silang dahil nagkasama sa maikling sandali pero nagbunga naman ito ng Nisshoko. Natakot ang mga tao dahil nagdilim ang mundo.

Nakita ito ng Lumikha. Una ay gusto niyang parusahan sina Taiyo at Tsuki ngunit naramdaman din niya kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Napagpasyahan niyang bigyan ng pagkakataong magkita ang magkasintahan. Dalawang beses kada isang taon. Dahil dito nagkaroon ng geshi kung saan mas mahaba ang hiru at ang toji kung saan mas mahaba naman ang yoru.

Sana ay hindi mo makalimutan ang kwentong ito.

Minsan ay naiisip kong kagaya natin si Taiyo at Tsuki ngunit hindi tayo pinagbigyan. Maaring sa oras na ito ay hindi na pareho ang langit na ating pinagmamasdan. Itinali tayo sa magkaibang tadhana na kahit subukan pa nating lumipad ay hindi natin magagawa. Kagaya na lang tayo ng isang orizuru.

Hinihiling ko na huwag mo na akong hintayin pa. Hindi ko gustong ikulong mo ang iyong sarili sa kung ano man ang mangyayari sa hinaharap. Nakita ko kung paano inilubog ni oyaji ang kanyang sarili sa kumunoy ng kalungkutan nang nawala si fukuru. Hindi ko gustong mangyari iyon sa iyo. Itsumo siawase de i te hosii. (Please, always stay happy)

Ang panahon na nagkasama tayo ay maihahalintulad sa bulaklak ng sakura. Maikling panahon lang ito namukadkad ngunit ito ang pinakamagandang bulaklak sa lahat. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Hindi ko masabi sa iyo. Sa totoo lang ay bagay sa iyo ang kanzashi na ibinigay ko sa iyo. Hind ito magara katulad ng ibang mga palamuti sa buhok pero sana ay pahalagahan mo ito. Isa itong munting alaala ni Fukuru. Sa tingin ko ay mas mapapangalagaan mo ito sa oras na ipagkakait na ito sa akin ng tadhana.

Mata au nara te o hanasanai. (If we will meet again, I will not let go of your hand.)

-Saitou Seiji

***


Note:

I was about to release this noong Feb 14 but something came up. There were a lot of inhibitions on this.

Btw, I want to thank Aryana for these wonderful works.

To Aryana, thank you so much for these beautiful crafts. Salamat sa support ninyo ni Alyana.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



I will not forget our friends  who joined us in this journey lalo na kay Wymas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I will not forget our friends who joined us in this journey lalo na kay Wymas.

Thank you. I guess, officially closed na ang kwentong ito. Again, thank you for being with me in this journey. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo. I am thankful din kay God kasi Siya ang gumawa ng paraan para matapos ko ang story.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now