Special Chapter: Seiji no Hanashi

713 36 18
                                    

Sumenyas ang kapitan  at tumigil ang kareta. Namumutla ang mamang nakasakay sa kalabaw. Ang kanyang mga bagahe ay bariles ng  mga prutas at inaning palay.  Kinuha ng matandang lalaki  ang kanyang panyo para punasan ang namumuo niyang pawis.

"Saan ka naman pupunta?"  Tanong ng taga-salin.

"Sa baryo po." Hindi maitatago ang takot sa matandang lalaki.

Tinanguan ako ng aming kapitan. Hudyat ito na dapat kong suriin ang mga dala ng matandang lalaki. Ilang beses na rin kasing may itinakas na mga sugatang rebelde sa ganitong paraan.

Napansin ko ang kakaibang bulto ng pawid sa gitna ng kareta. Sumulyap ako sa matandang lalaki. Puminta ang  pag-aalala sa kanyang mga mata. Sumampa ako sa kareta at iniangat ng kaunti ang pawid.

Sumalubong sa kin ang dalawang pares ng mga mata. Parang nasa harap na nila ang kamatayan. Nangingilid ang kanilang luha. Hihikbi sa ang bata pero tinakpan ng babae ang kanyang bibig.  Mabilis kong ibinaba ang bulto ng pawid.

"Karera wa ikeru yo (They can go)." Humarap ako sa kapitan at tumango sa ibang mga sundalo.  Habang papalayo, lumingon sa akin ang matandang lalaki at saglit na iniangat ang kanyang suot na sumbrero.

"Saitou-kun," tawag sa akin ng kapitan. Nakangiti ito at mukhang masaya sa dalang balita.  Nabangit niya noon na may sulat siyang natanggap na namatay ang kapitan ng maliit na pangkat sa isang labanan. Ngayon, kailangan niyang magtalaga ng bagong kapitan sa baryong iyon. "Betsu no chīmu o hikiiru koto ni tsuite dōomoimasuka? (What do you think of leading another squad?)"

Tumigil ang oras sa narinig ko. Isa itong malaking responsibilidad.  Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko.  "Dekiru yo. (You can do it.)" Si Hide. Isa sa mga naging kaibigan ko.

"Watashi o shinrai shite kurete arigatō. (Thank you so much for trusting me.)" Yumuko ako bilang tanda ng pasasalamat.

May sasabihin pa sana ang kapitan nang dumating ang isa sa mga sundalo. Natunton nila ang isa sa mga sumusuporta sa mga rebelde. Ayon sa kanilang nakalap na impormasyon, ang pamilyang iyon daw ay mga negosyante at sikretong nagdadala ng mga tulong sa mga rebelde. Ang isa rin sa kanilang mga anak ay sumama sa kilusan. May mga nauna nang sundalo para dakipin ang pamilyang iyon bago pa sila makatakas.

Dinala kami ng sundalo sa isang bahay na may kalakihan. Maganda ang disenyong nakaukit sa mga poste at pintuan. Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang isang panyayari hindi ko masikmura.  Nagkuyom ang aking palad habang pinagmamasdan ang isa sa aming  mga sundalong lumalapastangan sa isang babae.

"Seiji," bulong ni Hide na hindi ko namalayang nakatingin na sa akin. "Kō itta koto ga kiniiranai no wa wakatte imasuga, ochitsuite kudasai. (I know you dont like these things but keep calm.)"

Alam niyang hindi ako pabor sa mga ganitong pangyayari. Noong nakaraang araw ay isang labing isang taong babae naman ang pinagsamantalahan nila. Inilapit ko ito sa kapitan ngunit sinabi niyang wala siyang magagawa kundi punan ang pangangailangan ng kanyang mga sundalo. Ilang pangkat na rin sa ibang bansa ang nagkaroon ng problema dahil hindi nila mapunan ang pangangailangang ito. Ang sagot na nahanap nila ay ito.

"Chotto matte." Hindi ko namalayan na nakatingin sa akin ang kapitan.

Mabilis na umalis ang sundalo mula sa pagkakaibabaw niya sa babae at marahas niya itong hinila patayo.

"Kanojo o Seiji tanoshin de mi mashou."  Ngumit ng nanloloko ang aming kapitan. Nais niya akong maging katulad ng ibang sundalo.  Alam niya kung susunod ako ay susunod din ang iba sa akin: sina Hide at Yusuke.

"Seiji..." Paalala ni Hide. Isa ito sa  bagay na magpapakita ng aking katapatan sa aking kapitan.

Nakatingin ako sa babae ngunit ibinaling niya ang kanyang tingin sa sahig.

Hindi ko namalayan  na hinablot ng sundalo ang kanyak buhok at dinala sa silid.

Ilang udyok ang lumabas sa bibig ng aking mga kasamahan at itinulak naman ako ng kapitan papasok ng kwarto.

Nakatayo siya. Hawak ang kanyang punit na damit at pilit na isinasalba ang natitirang dangal. Nakatingin siya sa akin. Nananalamin ang takot at pagmamakaawa.

Humabakbang ako palapit sa kanya at humakbang rin siya ng dalawa paatras. Naiintindihan ko ang takot na nararamdaman niya. 

Napatigil ako sa paghakbang.

Hindi ko maintindihan ay ang sarili ko sa oras na ito.

Bakit nais ko siyang protektahan?

Bakit nais ko siyang mailabas sa  silid  na ito?

Dahil ba ito sa dugong dumadaloy sa akin?

Ang biglaang pagkibot ng aking hinliliit ang nagbalik sa aking huwisyo. Muli akong tumingin sa kanya.

Ano ang sagot dito?



*****

Sampung taong nakaraan.

Naka-upo ako sa hagdanan ng Shizuna Enterprise. Isa sa mga tindahan sa lungsod na ito.

"Ne, Seiji-niichan!" Tawag sa akin ni Uta na anak ng  kaibigan ng aking ama. Nanatili akong tahimik at tinignan lang siya. Ipinakita niya sa akin ang kanyang hinliliit. "May kwento sa akin si fukuru. Lahat daw ng tao ay may itinaking pulang tali sa kanilang hinliliit tapos sa dulo daw nito ay nag taong nakatakda para sa kanya."  Pinakinggan ko lang ang kanyang kwento.  Kumunot ang kanyang noo. "Siguro kung makikita mo ang taong para sa iyo ay matututunan  mo ring ngumiti."

Lumabas ang dalawang lalaki mula sa tindahan. Sunod-sunod ang pagyuko ng isa sa kanila. "Honto ni arigato gozaimasu."

"Daijōbu. Watashi mo anata ni totte kyōdai no yōna monodesu. (It's okay. Im also like a brother to you.)" Tinapik niya sa likod ang aking ama. " Demo, honkidesu ka? (But are you sure?)"

"Hai." Sagot niya. "Watashi wa yakusoku o hatashimasu. (I'll fulfill my promise.)" Tumingin siya  sa akin at inilahad ang kanyang kamay. "Seiji-kun. Ikemashou?"

Lalapit sana ako nang may dumating para bumili sa tindahan. Isang lalaki na halos kaedad ni  oyaji at isang batang babae na may suot na kwintas na gawa sa kakaibang buto. Pinapasok sila ni ojisan sa loob ng tindahan.

Nang makalapit  ako kay oyaji at tumakbo sa akin si Uta at may ibinulong.

"Sore wa hontōda to omoimasu. (I think it is real.)"

Kumunot ang noo ko.

"Unmei no akai ito."  Ngumiti siya na parang may nakakatuwang bagay na nakita.

****






Hi, guys!

I hope you enjoyed this chapter. I feel like I have to give you a sneak peek on Seiji's thoughts and background.

I hope you have a wonderful Christmas.  Don't forget to utter a prayer of gratitude.

Thank you so much. I wish you guys the best!

Watashi no Ai (My Love)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن