Dai 1-shou

7.3K 249 37
                                    

Dedicated to: WymasCarreon
Thank you very much for helping me out. 😊
Check out her awesome works.

***

Septiyembre ng taong 1943.

"Bilisan mo," puna ni nanay na abala sa pag-aayos ng mga gamit. Mabilis niyang inilagay ang ilan sa aming mga damit at mga importanteng dokumento sa maliit na kustal. Saglit siyang tumingin sa bunso namin na nakikipaglaro sa alaga niyang aso. Nagkasalubong ang mga mata namin ni nanay at alam kong pareho kami ng nararamdaman. Masyadong pang bata ang aming bunso para maintindihan ang giyera.

"Martin, tama na iyan. Kailangan nating magmadali," sita ni nanay. Tumigil naman siya agad.

"Tapos na ba kayo?" tanong sa amin ni tatay. Namumuo ang malamig na pawis sa kanyang noo. Hindi man sinasabi ni tatay pero alam kong may takot rin sa puso niya.

Nasa likuran naman niya si Kuya Ador na hinahanda ang ilang piraso ng nilagang kamote at tubig na baon namin sa aming paglalakbay. "Tay, wala pa po si Kuya Lito."

Huminga ng malalim si tatay na parang napakalaking pagpapasya ang kanyang gagawin. "Hindi na natin mahihintay si Lito. Maya-maya ay maabutan nila tayo dito. Kailangan nating magmadali."

Plano nila tatay na magpunta sa liblib na bayan kung saan nakatira si Lola. Hindi ito malapit sa bayan at kailangang umakyat ng matatarik na mga bundok para marating ito. Siguradong matatagalan pa bago ito mapuntahan ng mga Hapon.

Naging lugar ng digmaan ang bansa. Naunang binombahan ang kampo ng mga Amerikano sa Pearl Harbor na nasa isla ng Hawaii na nasa ilalim din ng pamumuno ng Estados Unidos. Disyembre 8, 1941 nang bombahan ng mga Hapon ang mga kampo ng militar sa bansa. Nadamay lang ang Pilipinas dahil sa mga kampo ng Amerikano. Nakadaong naman ang mga Hapon sa Golpo ng Lingayen noong Ika-22 ng Disyembre at nasakop nila ang Maynila noong Enero 3, 1942. Nagkaroon ng hinanakit ang mga sundalong Amerikano at Pilipino nang umalis si Heneral McArthur noong ika-11 ng Marso 1942. Naging sunod-sunod ang pagsuko ng mga sundalo sa Bataan noong ika-9 ng Abril, Corregidor noong ika-6 ng Mayo at ang huling pangkat sa Mindanao noong ika-12 rin ng Mayo dahil sa pagkukulang sa pagkain at kagamitang pandigma, labis na pagod, at karamdaman gaya ng disinterya at malaria. Ngayon, nasa ilalim na ng mga Hapon ang buong bansa.

Natahimik kaming lahat nang makarinig kami ng pagkatok. Agad na kinuha nina tatay at Kuya Ador ang mga gulok na nakasukbit sa dingding.

Sinenyasan naman kami ni tatay na magtago bago nila buksan ang pinto. Agad akong nagpunta sa malaking espasyo sa pasilyo na ipinasadya ni tatay para sa kanyang mga libro. Nagkubli ako sa likod ng mg istante kung saan nakasalansan ang mga makakapal na libro.

Samantalang sina nanay at Martin ay nagpunta sa silid tulugan. Namamanhid ang buong katawan ko sa takot at kaba. Sinusubukan kong huminga na hindi nakakagawa ng kahit kaunting tunog.

"Konbanwa!" sigaw ng sundalong Hapon na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Walang ibang tao rito," sambit ni tatay. "Huliin ninyo na kami." Nanlaki ang mga mata ko sa mga huling sinabi niya.

"Honto? (Really?)," dagdag ng sundalo. May bahid ng pagdududa sa tinig niya.

Nakarinig ako ng mga malalakas na kalabog hanggang sa umalingawngaw ang limang putok ng baril. Isa-isang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Meiwaku (Nuisance)," sambit ng sundalo na naiinis.

Napapikit ako nang marinig ko ang mga yabag palapit sa pinagtataguan ko. Saglit itong tumigil ngunit mas lalo kong ikinatakot nang papunta ito sa silid kung saan nagtatago sina nanay at Martin. Paulit-ulit akong bumulong ng dasal at wala nang pakialam kung naririndi na ang Diyos sa pakikinig sa akin.

"Parang awa ninyo." Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang marinig ko ang tinig ni nanay. Gusto kong lumabas at tulungan sila -- para iligtas sila, pero ipinako ako ng takot mula sa aking kinatatayuan. Wari hinugot lahat nito ang lakas na natitira sa aking sistema. "Martin!" sigaw ni nanay bago muling nagpakawala ng putok ang sundalo.

Rinig ko ang pagsigaw ni nanay hanggang madala siya sa kabilang kwarto at doon ginanap ang kahalayan. 'Di nagtagal ay umalingawngaw ulit ang isang putok ng baril.

Itinakip ko ang aking kamay sa bibig ko upang maitago ang mga sunod-sunod na hikbi.

Tanging ang natitira na lang sa akin ay ang pag-asang napakinggan ng Diyos ang aking hiling na itago niya ako mula sa masasamang tao. Kahit gawin niya akong kulisap o bulaklak basta ako ay mananatiling buhay.

Nagpatuloy ang isa lang sundalo sa paglalakad sa pasilyo. Natigilan siya sa harap ng istante habang isa-isa tinitignan ang mga libro. Tila gumuho ang mundo ko nang magkasalubong ang mga mata namin ng sundalong Hapon sa siwang kung saan niya kinuha ang libro.

Hindi ba umabot sa Panginoon ang aking dasal? Siguro ay masyadong marami ang nagdadasal para sa kanilang kaligtasan kaya hindi Niya napakinggan ang aking hiling.

Mabilis niyang itinumba ang istanteng namamagitan sa amin. Mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Mistukari mashi ta (Found you.)" Ngumisi siya ng nanloloko. Tinitigan niya saglit ang aking bago niya ito linibot sa katawan ko. Puno ang pagnanasa ang kanyang mga mata. "Kirei. (Beautiful) "

Kailangan kong kumawala bago mahuli ang lahat. Inipon ko ang aking natitirang lakas para itulak siya.

Akala ko makakaligtas na ako ngunit naging mabilis ang pangyayari. Bigla akong nakaramdam ng hapdi sa aking kanang pisngi. Hinila ng sundalo ang buhok ko at kinaladkad papuntang sala. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagsipol mula sa mga kasamahan niyang sundalo.

"Saisho (First)," sambit ng unang nakakita sa kanya. Tumango-tango naman ang mga kasamahan nito.

Marahas niya akong itinulak sa sahig at pumaibabaw sa akin. Nagsimula niyang halikan ang aking leeg habang naglalakabay kanyang kamay sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Umingay ang kanyang mga kasamahan na parang natutuwa pa sila sa ginagawa ng kasamahan.

Nais kong kunin ang patalim na nakasabit sa baiwang ng sundalong nakatayo malapit sa amin. Nais kong wakasan ang buhay ng taong pumatay sa pamilya ko ngunit nanaig ang kahinaan sa aking katawan. Ganito ba ang pakiramdam kapag nararamdaman na ng isang tao ang paglapit ni Kamatayan?

Alam ko na ang aking kahihinatnan. Papatayin ako o pagsasamantalahan muna bago patayin. Kahit ano pa man ang mangyayari, kamatayan pa rin ang naghihintay sa akin sa huli. Sadyang napakalupit ng tadhana.

"Chotto matte."

Tila tumigil ang oras pero kabaliktaran nito ang pag-alab ng pag-asa sa aking puso.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now