Dai 37-shou

1.6K 133 37
                                    

Nagising ako sa paulit-ulit na sigaw sa labas.  Halos maalog na rin ang pader dahil sa malakas na pagkatok.  Madalim pa ang paligid. Sinindihan ko ang gaserang nakapatong sa hapag-kainan. 

"Rita!" sigaw ni Inday sa labas. "Rita,  parang awa mo na.  Lumabas  ka na."

Nanginiglid ang kanyang luha nang binuksan ko ang pinto. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. 

"U-umalis na tayo." Malamig ang mga kamay niya.  May dala rin siya  maliit na bayong. "Hindi na ligtas dito."

Mula sa likuran niya ay tanaw ko ang  nagsisimulang pagsilip ng araw.  Ang aming mga kapit-bahay ay nagsisiktakbuhan.   May paisa-isa ring pagputok ng baril sa 'di kalayuan.  Naiintindihan ko na ngayon.  Sinasalakay ang aming bayan.  Mabilis akong kumuha ng kaunting tubig,  damit,  at pagkain.  

"Tara na, " wika niya. 

Nakatakbo na siya ng ilang dipa nang tumigil ako.  "Sina Seiji." Nanlaki ang mga mata niya. Sunod-sunod ang kanyang pagtango. 

Halos tangayin kami ng hangin papunta sa piitan.   Nadatnan namin si Seiji na nakaupo.  May sariwang sugat ang kanyang labi.  Nasa tabi naman niya si Yusuke na inaayos ang kanyang sinturong lalagyan ng armas.  Si Hide naman ay nakaupo sa gilid at umiinom ng tubig. 

"Saicho." Sumaludo sa kanya ang batang sundalong kadarating lang.  "Kanai-san ga arimasen."

Napatigil si Hide sa pag-inom ng tubig.  Nanginginig ang kamay niya.  "Okubyou sya! (Coward!)"

"Sawada." Tumayo si Seiji. "Minkan hito wo anzen na basyo ni goei si masu. (Escort the civilians to a safe place.)"  Inabot niya ang ang baril na ibinigay sa kanya ni Hide.  May kasunod pa ang utos na sinabi niya kay Sawada.  Mukhang mahirap ito dahil sa emosyong nakapinta sa muka niya. 

Tumango naman si Sawada at sumaludo.  "Hai"

"Rita?! " Nabaling ang pansin nila sa amin ni Inday. Nagkunot ang noo ni Seiji at  sumalamin ang pag-aalala sa kanyang mata.   "Dapat ay sumama na kayo sa paglikas, " wika niya. 

Bumilis ang tibok ng puso ko.  "G-gusto namin kayong tulungan."

Napabuntong-hininga na lang si Seiji.  "Hindi  na kailangan.  Dapat ay unahin ninyong makapunta sa ligtas na lugar. "

"Anong bang nangyayari? "

"Sinalakay tayo ng mga gerilya," sagot niya.  "Ilang beses silang nagpadala ng  sulat. Hindi ko inaasahang gagawin nila ito sa kabila ng pagpapatakas kay Gani."

Si Gani ang naging kapalit ng pansamantalang kapayapaan ng bayan.  Ilang beses rin na nasabi ni Seiji na isa sila sa pinakamaliit na pangkat dahil sa maliit na bayan lang sila namamalagi.   Hindi nila kayang itaya ang bayan sa isang labanan. 

"Lumikas  na kayo." Madiin ang pagkakasabi niya. 

Namalayan ko na hinila ni Inday ang braso ko.  Nagbabadya ang kanyang mga luha habang nakatingin kay Hide.  "Rita. " Napatingin ang tatlong sundalo sa kanya. Napansin kong naging nag-aalalang nakamasid si Hide sa kanyang gagawin.  "Pwe-pwedeng pakisabi kay Hide na..."   Ako naman ang tumingin sa kanya.  "Hindi ko kasi kaya."

"Hide-san."

Mukhang palakang gulat naman si Hide.  "W-What? She good? Problem?  No? " Mukhang pati ang kanyang kakayahang makipag-usap sa Ingles ay nawala dahil sa kaba. 

"She is pregnant."  Lumiwanag ang mukha ni Hide at sumilay ang isang matamis na ngiti.  Agad niyang ikinulong si Inday sa isang mahigpit na yakap.  Nakakatawang isipin na ganito rin si Hide sa kabila ng seryoso at arogante niyang panlabas.  Nakakalungkot lang at hindi pabor ang tadhana sa sayang nararamdaman nila ngayon.  Mukhang bumalik sila sa reyalidad dahil unti-unti naglaho ang kanilang ngiti. 

Watashi no Ai (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon