Dai 15-shou

2.3K 151 9
                                    

"Pst. " Lumingon ako sa likuran at napangiti ako nang makita ang aleng naglalako ng kakanin.   "Iha,  hindi kayo nakapagdiwang ng pasko, " wika niya at iniabot sa akin ang dala niyang buslo.   "Hindi rin kayo dumaan sa bahay kahit ilang beses ko na kayong tinatawag. Kaya kahit 'yan na lang para may pansalubong kayo sa bagong taon." Napangiti ako nang masilip ang laman ng buslo. 

Noong bisperas ng pasko,  tinanong ko si Seiji  kung bakit hindi sila nagdidiwang ng pasko.  Sinabi niya na hindi  maaring hayaan ang kulturang pangkanluran katulad ng pagdiwang ng pasko na makaimpluwensya sa kanila.   

"Sige iha," sabi ng ale.  "Mauna na ako't marami pang dapat ihanda sa bahay. "

Mayamaya ay dumating rin si Seiji na may dalang dalawang kahon na gawa sa kahoy.  "Tapos ka na bang maglaba?" Lumukot ang mukha ko nang maalala ang dalawang bunton ng damit na iniwan niya sa harap ng pinto ng aking silid.

Naalala ko ang alok kong kahit ako na lang ang maglaba ng uniporme nila.  Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Pinilit kong ngumiti para mailigaw ang tanong niya.  "Ito, may ibinigay si aleng naglalako ng mga kakanin." Inalis ko ang  nakatakip na dahon ng saging at kumuha ng isang piraso ng suman.  "Masarap," puna ko pagkatapos ng isang kagat. 

Blangko ang muka ni Seiji habang nakatingin sa akin.  "G-gusto m-mo?" tanong ko pero iniwas lang niya tingin sa akin at akmang maglalakad palayo.  "Teka."  Lumapit ako sa kanya at itinapat ang suman sa bibig niya.  "Tikman mo.  Sigurdo akong masarap ito." Tumingin siya sa akin at sa suman. May  pandidiri sa mga mata niya.  "H'wag kang maselan diyan."  Mas inilapit ko pa ang suman sa bibig niya. 

Binaba niya ang  dala niyang mga kahon at kinuha ang suman sa kamay ko.   "Ang selan mo, " puna ko sa kanya habang pinapanood siyang inaalis ang parte na nakagatan ko. 

"Nagkalat ang sakit ngayon, " tugon niya.  "Mahirap na. "

Habang nagkakasagutan kami ni Seiji ay tila tumayo ang mga balahibo ko.  Parang may nagmamasid sa amin at may namumuong masamang balak sa kanyang isip. 

"Rita!" tawag sa akin ni Yusuke sa likuran ko. 

Para akong nabuhusan ng tubig sa nakita ko.   Nakangiting kumakaway si Yusuke habang may mga dalang makukukay na papel.

"I-ikaw?" bulong ko. Naghahalo ang kaba at takot sa loob ko. 

Ngunit hindi siya ang dahilan,  ito ay dahil sa lalaking  lalaking nakatayo sa likuran ni Yusuke.  May dalang manipis na kawayan sa  kanyang balikat. Sa dulo nito ay may dalawang banga na may lamang tubig.  Bahagya niyang inangat ang sumbrero niyang gawa sa banig  bago tumango sa akin tsaka nagpatuloy na sa paglalakad.  

Si Gani.  Ngayon ko lang naalala na may dalawang linggo ang nakalipas simula nang nag-usap kami. 

"Rita-san, " usal ni Yusuke. "Daijoubo?" Umiling  ako biglang pagtugon sa paanyaya niya.  

Tumango ako biglang pagsagot.  "Sa-saglit lang,  may gagawin lang ako sa bayan. "



Madalas akong napapalingon sa likuran ko habang naglalakad ako papunta sa bukirin, sa lugar kung saan kami magtatagpo.  Namumuo ang  pag-aalala sa puso ko na may makakakita sa akin at ipagbigay-alam ito sa mga sundalong Hapon,  kay Seiji.  Natatakot akong mabasag ang tiwalang ipinagkaloob nila sa akin. 

Huminga muna ako ng malalim at pinahid ang malamig na pawis sa aking noo.  Mabilis akong pumasok sa kubo at doon ay nadatnan ko sila. 

"Psh." Ngumisi si Gani ng nakakainsulto.  "Maganda ang iyong paraan sa pang-aakit.  Malaki ang maitutulong mo sa  samahan. " Binigyan niya ng kakaibang diin ang mga salitang pang-aakit at maitutulong. 

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now