Dedicated to these wonderful people:
hanzelwrites ScionMarion for the reviews,
ladyatlas for sharing her knowledge in writing,
LordsNnelo for helping me on Filipino vocabulary.
***
Galing ako ng ospital para sana dalawin si Lola Puring pero iba na ang nakahiga sa kama niya. Mabuti at namukhaan ako ng bantay ng pasyente na nakapwesto sa tabi ni lola kaya sa kanya ko nalaman na nakauwi na siya kahapon kasama ang kanyang apo. Medyo natawa pa nga siya nang maalala niya na sinabi ng matanda na kung mamatay siya ay mas gugustuhin niya na sa sarili niyang bahay kaysa sa ospital.
"Kora!"
Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa nang sumigaw 'yong isang sundalong Hapon sa likuran ko. "Sono on'nanoko! (That girl!)"
Hinila ng isang lola ang manggas ng blusa ko para kunin ang atensyon ko. "Apo, tawag ka ng sundalo." Tumango siya na para hikayatin ako. "Mas mapapahamak ka kung hindi ka susunod."
Humarap ako sa direksyon ng sundalo at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko kung sinong nakatayo sa tabi niya. Walang nakapintang emosyon sa mukha niya pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Nagbabaga ito ng pagka-inis. Naalala kong hindi ako nakapagpaalam sa kanya dahil maaga siyang umalis ng kampo.
"Pasensya na po, " sambit ko bago yumuko at tumakbo pabalik ng kampo.
"Oi! " sigaw ng sundalo. "Koko de wa oroka josei kuru! (Come here stupid woman.)"
"Kanojo no dearu to shimasu (Let her be)," wika ni Seiji.
Nakatingin ako sa rosaryong habang iniisip 'yong lalaking nakita ko noong isang araw. Kaparehong-kapareho niya ang suot ko. Sa pagkakaalam ko, kami lang ang may ganoon dahil si nanay mismo ang gumawa. Ang mga buto ng Appaki naman ay binigay ng kaibigan ni nanay bago sila bumalik sa kanilang lugar sa Mountain Province. Malayo ang lugar na iyon mula sa bayan namin.
"Baka tubuan na 'yan ng ugat sa kakatitig mo. "
Mabilis kong itinago ang rosaryo sa ilalim ng blusa ko. Hindi ko alam. Kung bakit gustong-gusto niyang pinag-iinitan ang rosaryo ko. Humarap ako sa direksyon niya at napakunot-noo nang makita ang dala niyang walis at mga basahan. Isinandal niya ang walis sa dingding. Nagulat ako dahil bigla niyang binato ang basahan sa mukha ko.
"Masakit, " puna ko habang pinipisil ang ilong ko. Malakas ang pagkakahagis niya.
"Lampa," bulong niya. "Linisin mo ang kwartong ito." Lumapit siya sa bintana at pinadaan ang kanyang hintuturo sa gilid nito. Napailing siya nang makita ang alikabok sa daliri. Humarap siya sa akin. "Malinis dapat parang noong unang dating mo dito. " Pagkasabi niya ay umalis na siya agad.
Hindi naman ganoon kahirap linisin itong kwarto dahil kaunti lang naman ang mga gamit. Napunansan ko na rin ang sulok ng mga bintana at ang sahig. Hindi ko lang alam kung bakit ganoon kahigpit si Seiji.
"Tapos ka na? " tanong ni Seiji na nakasilip sa pinto. Tumango ako bilang pagsagot. Pumasok siya at linibot ang tingin sa silid. Napangiti ako nang tumango siya bilang senyales na kuntento siya sa kalikad ng trabaho ko.
Kinuha niya ang lahat ng laman ng kanyang aparador ay isinilid sa isang kutsal. Bigla akong nakaramdam ng kaba habang pinapanood siyang ayusin ang kanyang mga gamit.
BINABASA MO ANG
Watashi no Ai (My Love)
Historical FictionFamine, war, and death. These were the things Rita saw during the Japanese occupation in the Philippines. The country was under the shade of Imperial Japan. Loyalty, patriotism, honor and duty above all. These were the values that Imperial Japan...