Dai 31-shou

1.9K 130 19
                                    

Nabulabog ang katahimikan ng bukang-liwayway  dahil sa  agresibong pagtawag kay Seiji. Napaupo ako sa kama.  Mula sa kwarto ay tanaw ko si Eloy na nakahiga sa mahabang bangko malapit sa may kusina. 

“Si…na…sa…lakay tayo,” mahinang wika  ni Eloy habang nakapikit ang kanyang mga mata.  “Sinasalakay tayo.” Bumalikwas siya sa kama at naglakad-lakad. “ Kai…langan nating umalis.”

Agad namang bumangon si Luz  para hilain si Eloy muntik nang suyang bumangga sa pinto. “Hindi tayo sinasalakay.” Binatukan niya ang binata. “Idilat mo ‘yang mga mata mo.”

Lumabas kaming tatlo para  makiusisa. May kumpulan ng mga taong tutungo sana sa bukid  pero pinili nilang tignan muna ang pangyayari.

“Ano pong nangyari?” tanong ko sa isang binata.

Umiling siya. “Mukhang mas nagiging marahas na sila ngayon.” Tumango siya sa direksyon ng  grupo ng mga sundalong Hapon na nag-uusap ng masinsinan.  Nasa harap nila ang isang bangkay.  Hindi kaya…

“Taichou.” Sumaludo sila pagdating ni Seiji.  Inutos niya na ilayo muna ang mga batang nanonood sa bangkay na sinunod naman ng mga sundalo.

Tinitigan ko ang bangkay. Maliit siya at halatang may edad na. Kapansin-pansin rin nakataling puting tela sa braso niya.

“Ti-Tiyo Leonicio!” sigaw ng isang binatilyo na mukhang aalis pa lang papunta ng bukid.  Pamilyar ang mukha niya.

“Ang batang iyan ang dating gumagawa ng mapa para sa mga Amerikano. Nang nakulong siya, kinumbinsi ni Mang Leonicio si kapitan na siya na ang magbabantay,” saad ng binata. “Nakakwentuhan ko ‘yang bata noong nakaraang araw.  Kawawa. Ngayong nakahanap na siya ng taong ituturing na ama, ngayon pa nawala.”

Nanlamig ang kamay ko sa narinig ko. Imposible.  Noong nakaraang  araw ay nakita ko si Mang Leonicio sa sapa, nagpaalam pa siya na mawawala siya ng tatlong araw dahil may aayusin siya sa kabilang baryo.

Malabong may kinalaman si Seiji rito. Alam niya kung ano ang dugong dumaloy sa kanya. Binaling ko ang tingin ko sa kanya pero hindi inaasahang  nagkasalubong  ang mga mata namin.

“Taichou,” tawag sa kanya ni Yusuke na nanunuri ng bangkay. “Kare no kuchi no naka ni kami ga arimasu. (There is a piece of paper inside his mouth)”

Kinuha agad ito niya Seiji para basahin.  Kumunot ang kanyang noo at minasahe niya ang kanyang sentido.  “Watashi ni shigatsu te. (Follow me).” Pumasok  siya sa kanyang opisina na sinundan ng iba pang mga opisyal.




Buong araw ay nahahalata ang  pagkabahala  ng mga sundalo na mas dumagdag sa kabigatang nararadaman ng lahat dahil sa pagkawala ni Mang Leonicio. Pinagpasyahan ng lahat na iburol na agad ang matanda dahil sa karumal-dumal nitong kalagayan. Tadtad ng sugad ang kanyang katawan.

Hindi ko naman  nakitang lumabas ng opisina si Seiji. Hindi rin nagalaw ang pagkain na hinatid sa kanya. 

Pumasok ako sa kanilang tinitirhan para ihatid ang mga nalabhang damit.  Nadatnan ko naman si Indang na nakatayo sa harap ng opisina  ni Seiji. "I understand."

“Hindi pa rin ba siya kumakain?” tanong ko. Medyo nagulat pa siya nang nakita ako. 

Nagkibit-balikat   siya. “Hindi siya kumain ng almusal at tanghalian. Mukhang malaki ang epekto sa kanya ng nangyari." Puminta ang lungkot sa mukha pero napalitan ito ng kakaibang kinang sa mga mata niya.   Inilapag niya ang kanyang dala sa lamisita at kinuha ang mga damit na hawak ko.  "Ako na ang maghahatid ng mga ito.  Ikaw na lang ang kumausap kay kapitan." Tumango siya sa akin  biglang paalam. 

Watashi no Ai (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon