Dai 25-shou

1.9K 132 80
                                    

Mula sa akin ay ibinaling ni Seiji ang tingin niya  kay Eloy. Kumunot ang noo niya at mas lalong naningkit ang kanyang mga mata. Binaba naman ni Eloy ang hawak niyang matulis na bato.

"K-Kasama namin siyang tumakas," sambit ko.  Mukhang nakilala niya si Eloy dahil siya ang huli kong nakasama nang mawala ako sa kampo. 
 
Sinalubong niya ang mga mata ko na parang may gustong iparating pero   tumalikod na siya at naglakad. "S-Seiji, s-sandali." Tumigil siya pero hindi niya ako hinarap. "Maraming salamat."

"Nagkataon lang na andoon kayo," malamig niyang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. "Huwag kayong mag-isip ng iba."

Hahabulin ko sana siya para magpaliwanag. Hindi ko maintindihan ang isip ko dahil hindi ito matahimik hangga't hindi ako nagpapaliwanag sa kanya.

"Se-seiji-" Hindi ko siya nahabol ng may masayahing tinig ang sumigaw sa likuran ko.

"Rita-chan!" Tumakbo si Yusuke palapit sa akin. "We look for you." Kumumpas siya sa ere. "Araw. Gabi. Taicho worried." Napansin kong saglit na tumigil si Seiji sa paglalakad ngunit mabilis ring nagpatuloy.

"Rita," tawag sa akin ni Luzviminda habang inaalalayan si Eloy  na umupo sa ilalim ng puno. Dumadaloy ang dugo mula sa kanyang balikat.

Lumapit siya kina Eloy para suriin sana ang sugat niya. Mabilis na tinabing ni Eloy ang kamay ni Yusuke. "Hindi ko kailangan ng tulong mula sa kalahi ng mga  mamamatay tao."

Napairap at umiling na lang si Luzviminda sa inasal ni Eloy. "Bata, nakita mo rin kung paano namaslang ng ilang inosenteng tao ang mga taong itinuturing mong idolo dahil sa maling paratang. Muntik nang maging biktima  nito si Ate Rita mo," wika niya. Tinapunan siya ni Eloy ng masamang tingin. "Ang ibig ko lang sabihin ay hindi makakapareho ang mga tao kahit iisa man ang lahing dumadaloy sa kanilang dugo."  Tumango siya kay Yusuke para sabihing ipagpatuloy nito ang pagsusurin kay Eloy. "Bigyan mo sila ng pagkakataon. Hindi ka ba nagtitiwala kay Rita? Isa siya sa makakapagsabing naging maayos ang pagtrato nila sa kanya. "

"N-ngunit hindi ninyo mapipigilan ng mag-isip ng ganito dahil sa nakita ko kanina." 

"G-gomenasai," singit ni Yusuke. "Anata no tame ni muzukashī hazu desu. (It must be hard for you.)"  Kita ang  sinseridad na paghingi ng tawag sa kanyang mukha. Tumingin muna sa akin si Eloy bago niya  inilapit ang kanyang balikat kay Yusuke para suriin ito.

Gaya ng dati, mabilis at mabisa ang paraan ni  Yusuke sa panggagamot.  Dumating ang isang sundalo para sabihin na pinapasunod kami  ni Seiji sa kampo.

Dalawang oras ang paglalakbay bago kami nakarating sa kampo. Walang nagbago.   Ang pagkukumpulan ng mga kababaihan tuwing hapon, ang mga kalalakihang abala sa kanilang mga trabaho, at ang mga batang masayang sumalubong sa amin.

"Ate  Rita!" Yumakap sa akin sina Pasing at Totoy. "Akala namin kung ano na ang nangyari sa iyo."

"Totoo nga ang sabi ni Kapitan." Nabaling ang atensyon namin  kay Totoy.

Tumungin sa akin si Luzviminda at ngumisi na parang isang  soro. Lumupagi siya sa harap ng mga bata. "Mga bata, ako si Ate Luz. Kaibigan ako ni Ate Rita ninyo. Oo nga pala, anong sinabi ni  kapitan?"

"Sinabi po niyang hahanapin at iuuwi  niya si Ate Rita,"  sagot ni Pasing.

"At tinupad po niya ang pangako niya. Alam po ninyo hindi po siya tumigil," dagdag ni Totoy.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ng bata pero sumagi  rin sa isip ko na baka nabibingi lang ako dahil sa malalakas na putok ng baril kanina.

"Balita ko mabait at matipuno  daw ang  kapitan dito?" Tila ginagatungan pa ni Luzviminda ang kabang nararamdaman ko.

Nagliwanag naman ang mga  mata ng dalawa bata.  Nakapamewang pa si Totoy  at tila nagmamalaki dahil sa kanyang postura. "Opo. Siya po ang pinakamabait at matipunong kapitan."

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now