Dai 29-shou

1.8K 129 34
                                    

Kung noong isang araw ay akala kong naging malinaw ang lahat, ngayon mukhang nagkakamali ako. Panay ang pag-iwas sa akin ni Seiji. Kung  lalapit ako, aalis naman siya. Sasabihin niyang marami pa siyang dapat ayusin sa kampo at wala siyang oras na makipag-usap sa akin.

Kumatok muna ako sa nakabukas na pinto ng  opisina niya. "Seiji," tawag ko sa kanya.

Malungkot akong tinignan ni Yusuke na kausap niya.  Tumango naman  si Seiji sa kanya.

Hinintay ko kung bibigyan ba niya ako ng pahintulot na pumasok pero wala. Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan.

"Ganbantte ne," wika ni Yusuke  at tinulak ng kaunti papasok ng opisina.  Tinapik niya ang balikat ko bago siya umalis.

"Seiji, pwede ba tayong mag-usap?" Tinignan niya lang ako na mabilis rin niya pinutol. "Kung hindi  man ako nakakaabala. "

"Isogashi desu," sambit niya na hindi man lang binabaling sa akin ang kanyang tingin. 

Hindi ko alam kung bakit ko kinuha ang mga papel na hawak niya. Para akong binuhusan ng malamig ba tubig ng nakita kong blangko ang mga ito.

Umiiwas siya.

"Seiji." Napako ang tingin niya sa mesa niya.  "May problema ba?" Hindi ko siya magtignan ng diretso ngayon. May nagsasabi sa akin na mas lalo lang akong masasaktan kung gagawin ko iyon.

Nanaig ang katahimikan sa  buong silid. Tanging ang pagtibok lang ng puso ko ang nagpapaalalang tumatakbo pa rin ang oras.

"Mali ang lahat ng ito."

Napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa bintana habang tumatama ang liwanag ng kahel na araw sa kanyang likuran.

"Mali ang lahat ng nangyari,"  sambit niya. May bahid ng sisi at lungkot sa kanyang tinig. "K-kung ano man ang mga nangyari noong nakaraan, dala lang ito ng… " Huminga siya ng malalim. "Ng  magulo kong isip."

Pero mas masakit ang huli niyang sinabi. "Sana kalimutan na natin ang lahat."

Sinasabi ng mga matatanda na kung nasaktan ang isang tao sa  una nitong  pag-ibig, ito na ang  pinakamasakit sa lahat. Hindi ko maintindihan ang lahat ng ito noong bata pa ako ngunit ngayon, masasabi kong totoo nga ang lahat.

"Pero-"

"P-pakiusap," halos pabulong ang pagsabi niya. "Marami pa akong gagawin."



Mabigat ang pagsara ko sa pinto ng kanyang opisina.  Kung pwede akong lamunin ng lupa ngayon, matutuwa ako. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Para akong niloko, sinaktan, at pinamukhang isa akong mangmang. Pero hindi ba't naging malinaw ang lahat noong araw na iyon? Hindi ba't nasagot na ng halik na iyon ang mga tanong ko?

"Mukhang buhat mo na ang lahat ng  problema sa mundo." Tumingin ako sa  nagsalita. Kumaway sa akin ang isang matanda na nakaupo sa tumba-tumba.

"M-Mang Leonicio?" Ngumiti lang siya sa akin biglang pagsagot. Sinenyasan niya akong lumapit sa  kanya.

"Tila nangingilid  ang iyong mga luha," wika niya. Kumunot ang kanyang noo at  sumalamin ang pag-aalala sa kanyang mga mata.  "Anak, anong problema?"

Anak? Matagal ko nang hindi naririnig ang salitang iyon. Naalala kong ganito kami tawangin nila nanay at tatay kung gusto nila kaming kausapin ng masinsinan. Daig ng ulan ang mga mata ko ngayon. Hindi magkamayaw ang pagdaloy ng mga luha.

Marahan na lang siyang napatawa at  tinanong ulit kung anong problema.  Umupo ako sa sahig at binuhos ang lahat ng luhang meron ako. Dumampi ang kanyang kalyadong palad sa aking ulo. Walang nagsalita sa amin at nanatili lang kami sa ganoong posisyon.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now