Dai 9-shou

2.5K 159 13
                                    

Dedicated to : Little_Misteryosa
***

Pakiramdam ko ay ginigiba ng takot ang mga pader na pumoprotekta sa akin. Hindi ko marinig ang iyakan ng mga babaeng pilit na kinukuha ang kanilang mga puri. Tanging ang pagtibok ng puso ko lang ang pumapasok sa mga tainga ko.

Nararamdaman ko ang paglakbay ng halik niya mula sa aking leeg hanggang sa aking dibdib. "Saa," wika niya at ngumisi. Medyo umangat siya para alisin ang telang sa kanyang baiwang na nagsisilbing sinturon. "Hajimeyou. (Let's begin)"

Naging hudyat ito sa akin para itulak siya. Napabagsak siya sa sahig dahil sa sakit. Nangingining man ang mga tuhod ko ay pinilit kong makalabas ng bahay.

"Teishi!" sigaw ng sundalong nasipa ko kanina. Hinablot niya ang buhok ko at marahas na hinarap sa kanya. Sinalubong ako ng mga singkit na mata na puno ng galit. "Anata ga eru no wa muzukashī ensō shite imasu ka? (Are you playing hard to get?)" Napalitan ng mapaglarong ngiti ang mukha niya. "Kyōmi fukai. (Interesting)" Mahigpit niyang hinawakan ang aking braso. "Watashi wa sore ga suki desu. (I like that.)"

Mahigpit siyang yumakap sa akin at sinandal sa bintana. Nagpupumiglas ako at nanlaban ngunit walang nangyari, napaharap lang ako sa bintana.

"Oi, " wika niya sa kanyang mapagbantang tinig. "Watashi wa anata o korosu koto ga dekiru. (I can kill you.) " Tinapat niya ang kanyang kamay sa kanyang leeg. " Betsu no ten ato ten ni nari masu." Sa tingin ko ay tumigil ang oras sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko man maintindihan ang sinabi niya ngunit alam ng puso ko ang gusto niyang ipabatid.

Nanlamig ang katawan ko dahil sa ihip ng hangin mula sa labas o dahil sa naghihintay kong kamatayan. Samantalang siya ay nagbabaga sa pagsusuri sa katawan ko gamit ang kanyang labi at mga kamay

Naging manhid ang katawan ko at parang nakalimutan na nito kung paano kumilos maliban sa aking mga tainga na saksi sa mga nangyayari sa loob ng bahay. Narinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay. Naisip ko ang pangyayari kanina. Marahil may mga babae ulit siyang dinakip para gawing parausan.

"Anata ga sore o tameshite. "

Natigilan ang sundalo sa kanyang ginagawa at lumayo sa akin. Mas bumilis ang tibok ng puso ko pero wala na ang takot na nakabalot dito. Humarap ako sa pinanggalingan ng tinig. Gulong-gulo ang isip ko sa panahong iyon pero nang nagtama ang mga mata namin, naramdaman ko na ligtas na ako. Linibot niya ang tingin sa akin at unti-unting naipinta sa mukha niya ang mga linya sa noo niya pati ang magkasalubong niyang mga kilay niya. Nakaramdam ako ng hiya sa kalagayan ko ngayon. Punit ang blusa ko hanggang sa dibdib at nagsitayuan ang aking buhok.

Lumapit siya sa akin ng hindi inaalis ang tingin habang hinuhubad ang kanyang pang-itaas na uniporme. Ipinatong niya ito sa balikat. Nagkalapit ang mga mukha namin habang inaayos niya ang mga butones ng damit. Hindi ko maipaliwanang kung bakit ko siya niyakap at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Alam kong ipinagdarasal ko ang tulong kanina at sinagot Niya ito.

Yumuko siya ng kaunti hanggang sa nararamdaman ko ang paghinga niya sa aking batok. "Layo," bulong niya. "Nababasa 'yong damit ko." Lumayo ako mula sa pagkakasandal sa kanya.

"Anata wa ato de watashi no keiyaku o. (I'll deal with you later)," malamig na tugon ni Seiji sa sundalo. "Tara na," utos niya sa akin.

Tatalikod na sana siya nang may babaeng tumatakbo at lumuhod sa harap niya. Wala siyang suot na damit at nanghihina na. "Tulong," pakiusap niya. Lumingon ako kay Seiji na walang anumang emosyon sa mukha. Lumapit ang isang sundalo sa babae at hinila siya sa buhok papasok ng isang silid.

Watashi no Ai (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon