Dai 23-shou

1.9K 122 22
                                    

To a good friend, WymasCarreon

****

Nagsimula ang umaga sa isang munting kaguluhang nagaganap sa kampo. Napabalikwas ako sa kama at tumanaw sa bintana para matunghayan ang mga pangyayari.

"Ryan!" sigaw ni Errol. Mamumungay pa ang mga mata ni George nang lumabas siya ng kubong may dalawang palapag na nagsisilbing himpilan. Sa hindi kalayuan naman ay may mga kubong nakatayo para tirhan ng mga mamamayan. Ibinigay sa amin  ang pinakamalapit na kubo sa himpilan para daw mabantayan ang bawat kilos namin.

"Ryan! Medic duties! Someone's wounded."  Pakandirit na naglalakad ang isang binata habang akay-akay siya ng mga kasama.

"Get him inside," sambit niya  habang nililis ang manggas ng  kanyang damit. "Errol, ask about the details."  Lumingon siya sa  kinaroroonan ko. "And I guess I need a hand."  Sinenyasan niya ako na lumabas  ng bahay at sumunod sa kanya.

Panay ang sigaw ng lalaki habang namimilipit sa sakit. Inilabas ni George ang mga gagamitin mula sa kanyang kustal. Kapansin-pansin ang maliit na  lalagyan na may karayom sa dulo.

Nanlaki ang mga mata ng binata  nang makita niya  ang karayom. Tinapik-tapik naman siya ni George sa balikat para mabawasan ang kanyang takot. "Listen Mateo,  buddy," wika niya. "This is morphine. I'm going to give you some to ease the  pain." Pinagmasdan niya ang lalim ng sugat. "I need to stitch you up." Pagkasabi niya ay dumugo lalo ang sugat niya. Huminga ng malalim  si Mateo at tumango. Tinurok naman ni George ang gamot sa kanyang balikat.

"And you, my lady." Bumaling siya sa akin. "I need you to hand me some  things."

Binuksan niya ang isang parisukat na lalagyan na gawa sa tela. Isa-sa niya sa aking itinuro ang mga pangalan ng  mga aparato na kanyang gagamitin. Tinawag niyang Needle Holder ang isang bagay na mukhang gunting ngunit walang talim sa dulo. Forcep naman ang tinawag niya sa panipit.   Nang makasuot na siya ng guwantes, inutusan niya akong buksan ang pakete na naglalaman ng sinulid na may nakakabit na karayom sa dulo.

"Deep breaths buddy." Sinimulan na ni George ang pagtatahi ng sugat.

Namumuo ang pawis sa noo ni Mateo kaya kinuha ko ang isang piraso ng benda at pinunasan  ang noo niya.

"Hm." Napalingon ako kay George na namumula na sa init. Halos natatakpan ng buhok na basa sa pawis ang kanyang noo. Lumapit ako sa kanya at gaya ng ginawa ko kay Mateo, pinunasan ko rin ang pawis niya. "T-thanks."

Naging mabilis ang pagtahi niya sa sugat dahil nakisama naman si Mateo na naging matiisin.  Hindi rin nagtagal ay dumating ang kanyang mga kasamahan para sunduin siya.

"Doctor?" tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang kanyang gamit. Napahalakhak naman siya st umiling.

"Nope,  I hope I am.  I'm a medic." Linagay naman niya sa kumukulong tubig ang kanyang mga aparato. "It's a miracle that I am not yet killed by the Japs. Oh, wait a minute." May hinalughog siya sa kanyang kustal at ipinakita sa akin ang puting tela na may pulang cross. "See this? This is an armband for medics. Japs treat us medic with favoritism-- always on the top of their lists. That's why we  always have danger on our tails."

"Why did you chose to become a medic?" tanong ko.

Nagkunot ang kanyang noo. "Oh, well." Nagkibit balikat siya. "I don't really know.  It's a war and I thought while I am fighting for my country I thought it would be nice if I can save someone's life."

Nakikita ko sa kanya ang mga adhikain ni Yusuke.  Ilang beses niya sa aking nasabi na ayaw niya ng digmaan at kung papipiliin siya, nais niyang bumalik sa kanyang bansa at tumulong   na lang doon.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now