Dai 3-shou

4.1K 222 12
                                    

Medyo mataas na ang araw nang makarating kami sa kampo. Agad kaming sinalubong ng iba pang sundalong Hapon na nagbigay galang sa kanilang pinuno.

"Okaerinasai! (Welcome back!)"  sigaw ng isang sundalo na tumatakbo palapit sa kinaroroonan namin. Hinahabol niya ang kanyang paghinga habang nakayuko. "O-o-okaerinasai."

"Yusuke!" sigaw ng isa sa mga sundalo. "Osoi yo. (You're late.) "

Ilang beses siyang yumuko habang sinasambit ang katagang, "Sumimasen. (I'm sorry.)" Kahit nakasuot siya ng uniporme, kita pa rin ang pagkabata sa kanyang payat na katawan. Namilog ang kanyang singkit na mga mata nang makita niya ako.

"Kanojo wa Seiji no joseidesu. (She is Seiji's woman)," sagot ng pinuno nila.

Linipat-lipat niya ang tingin sa akin at sa sundalo na nasa tabi ko. "Seiji-san?" May pagkagulat sa kanyang tono. Tumango naman ang pinuno nila na hindi naalis ang malapad na ngisi sa kanyang labi.

"Watashi no heya ni kanojo o mo tsu te kuru. (Bring her to my room.)" Lahat ng sundalo sa paligid namin ay tumingin sa akin. Ilang segundo rin ang nakalipas bago nakagalaw ang sundalong tinawag nila sa ngalang Yusuke.

Tumigil kami sa harap ng isang malaking bahay na gawa sa bato. Maganda ang pagkakagawa nito at tiyak na pag-aari ito ng mayamang pamilya dahil sa mga nakaukit na disenyo sa poste at sa pinto.

"Ikimashou? (Let's go?)" wika niya. Ikinumpas niya ang kanyang kamay. Sinundan ko siya paakyat ng hagdan. Binuksan niya ang pinto ng isang silid. Wala itong masyadong laman maliban sa maliit na mesa, silya, munting aparador, at kama.

Nauna siyang pumasok at humarap sa akin. Unti-unting kumunot ng kanyang noo at naningkit ang kanyang mga mata. Mistulang bumalik ako sa oras na muntik akong pagsamantalahan, ang oras kung saan namatay ang aking pamilya. Nakaramdam ako ng takot. Nanlaki ang mga mata ni Yusuke habang nakatitig sa akin.

"Gomenasai. (Sorry)," sambit niya. Puno ng sinseridad at simpatya ang kanyang tinig. Linahad niya ang kanyang mga kamay na ipinapakitang wala siyang hawak na kung ano. " Watashi wa anata ni warui nani mo shimasen. (I won't do anything bad to you.)" Itinuro niya ang kanyang leeg pagkatapos itinuro naman niya ako. "Anata wa kizu ga ari masu. (You have wound.)"

Nakaramdam ako ng kaunting sakit pagkalapat ng daliri ko sa aking leeg. Naalala ko ang pagbabanta sa akin ng isang sundalo kanina. Marahil ay sa kanya ko nakuha ito.

"Anata no shigoto ni modori masu. (You can go back to work.)." Galing ang tinig sa aking likuran. Yumuko muna sa akin si Yusuke tsaka mabilis na lumabas ng silid.

"Upo," utos niya sa akin at inilapag ang dala niyang maliit na kahon sa mesa. Nanitili akong nakatayo sa harap niya habang pinapanood siya ilabas ang maliliit na botelya mula sa kahon na isa-isa niyang sinusuri. Dinukot niya ang puting panyo mula sa kanyang bulsa at sinalinan ito ng laman ng isang maliit botelya. "Bingi ka ba?" Nahagip ng aking mga mata ang punyal na nakasabit sa tagiliran niya. Mabilis akong umupo sa silya.

Bumalik ang takot sa akin habang lumapit sa leeg ang kamay niyang may hawak na panyo. Ang pagsasamantala sa akin, ang pagpagmamakaawa ni nanay habang ginagasaha siya, at ang mga putok ng baril sa tumapos sa kanilang buhay. Isa-isa bumalik ang mga alaalang iyon.

"Parang awa ninyo, itigil ninyo iyan. " Hindi ko namalayan na mahigpit akong nakahawak sa kanyang pulsuhan. Inangat ko ang mga mata ko sa kanyang mukha na walang nakapintang emosyon.

Marahas niyang inalis ang kamay ko sa kanyang pulsuhan. Ibinato niya sa mukha ko ang hawak niyang panyo. "Mas mabuti siguro kung ikaw na lang ang manggamot sa sarili mo." Naglakad siya palabas ng pinto ngunit bago pa man niya ito sinara, muli siyang sumilip. "At huwag kang lalabas ng silid na ito kung gusto mo pang mabuhay. " Pagkatapos ay malakas niyang binagsak ang pinto.

Umupo muna ako sa kama at sinubukang isa-isahin ang mga nangyari. Ginamit ni tatay ang kanyang katayuan sa lipunan bilang balat-kayo. Inisip niya na hindi pagdududahan ng mga Hapon ang isang maykaya na maging ispiya ng mga gerilyang binubuo ng mga sundalong Pilipino at Amerikano, at mga sibilyan. Nagbago ang lahat nang ipinagkanulo siya ng isa sa mga pangkat na umaayon sa pamamahala ng mga Hapon. Sa gabing iyon, nagpasya si tatay na aming lilisanin ang bayan at tutuloy pansamantala sa kabundukan kasama ang mga gerilya bago kami pupunta kina Lola. Doon na kami inabutan ng mga Hapon at pinaslang ang aking pamilya.

Wala na sila. O di kaya ay humihinga pa sila at tinulungan ng mga gerilya pag-alis namin. Malaki pa rin ang tsansyang buhay pa sila.


Lumikha ng langitngit ang pinto na agad kumuha ng aking atensyon. Napangisi ako nang ilinuwal nito si Martin. Kasunod niya sina nanay, tatay, at kuya Ador.

"Buhay pa kayo." Walang mapagsidlan ang aking tuwa. Tumayo ako upang yakapin sila ngunit may tanong sa aking isip. "B-bakit kayo andito? Pa-paano kayo napunta dito? "

Unti-unti pumatak ang mga dugo mula sa kanilang nga sugat. May galit at lungkot ang kanilang mga mata. "Sana buhay pa kami kung lumabas ka at tinulungan mo kami," sambit ni nanay. Puno ng pagninisi ang kanyang tinig.

"Makasarili ka ate," dagdag ni Martin.

Bumigat ang aking pakiramdam dahil sa sinabi nila. "H-hindi totoo yan. "

"Kung hindi ito totoo, sana hindi ka natakot at ipinagtanggol mo kami," sagot ni tatay. "Makasarili kang anak at kapatid. "

Umagos ang luha mula sa aking mga mata. Hindi ako makahinga ng maayos sa sunod-sunod na paghikbi. "H-hindi totoo yan!" sigaw ko. Nais kong mawala ang kanilang katagang paulit-ulit nilang sinasambit.

Idinilat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang kahel at dilaw liwanag mula sa lampara. Sa tabi nito ay ang sundalong nakaupo sa silya habang nagbabasa ng libro. "Mabuti naman at gising ka na", sambit niya. Binaba niya ang hawak niyang aklat at pumanhik palabas ng silid.

"T-teka lang", sambit ko. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Bumalik siyang may dalang baso ng tubig at inabot niya ito sa akin. "Salamat. " Uminom ako ng kaunti. Naging maayos na rin ang aking paghinga.

"Kung kalmado ka na, bumalik ka na sa pagtulog. Huwag kang mag-alala dahil wala akong balak na pagsamantalahan ka. Hindi ako basta-basta pumapatol," wika niya. Binalik niya ang atensyon niya sa kanyang aklat. "At ayoko rin sa maiingay kapag nagbabasa ako. "

Napako ang tingin ko sa baril at punyal na nakapatong sa mesa na nagdulot ng takot sa aking sistema. Bumalik ako sa ako sa pagkakahiga.

Habang nakatitig ako sa kisame ay maraming katanungan ang pumasok sa aking isip. Marahil kasalan ko talaga kung bakit namatay sina nanay at Martin. Ano kayang nangyari kung lumabas ako sa aking pinagtataguan? Siguro ay buhay pa sila.

***

justselah's Note:

Hey guys!

Please try reading these amazing stories.

Alunsina by Mortjiellibeelina

Ang Mutya ng Salamin WymasCarreon

Thank you very much for reading! Have fun

-justselah

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now