Dai 30-shou

1.8K 109 14
                                    

Hindi maalis ang tingin ng mga bata sa tau-tauhang papel na ginawa ni Yusuke na ginagamit niya kapag nagkukwento siya sa mga bata.  Wangis ito ng isang lalaki at isang babae na nakasuot ng damit ng mga Hapon. Nasa ibabaw sila ng linya ng mga ibon na nagsilbing tulay para makatagpo silang dalawa.
Sa huli ay nakita  rin ang magkasitahang  sina Orihime at Hikobosi ngunit isang beses lamang sa ikapitong araw ng ikapitong buwan. 

"Karera wa toshi ni kai dake au koto ga deki masu."

  Umalingawngaw ang palakpak mula sa mga maliliit na kamay. Nahinto ito dahil sa pag-angat ng isang kamay.

  "Nagmamahalan po ba sila kahit isang  beses sa isang taon lang sila nagkikita? " tanong ni Pasing.

Napangiti na lang si Yusuke dahil masyadong mabilis ang pagsasalita ni Pasing.  “Yukuri hanashite kudasai? (Can you speak slowly?)”

Tumayo naman si Carmen. "Nagmamahalan pa rin sila."  Pumamewang siya.

“Paano mo naman alam?” Mukhang hindi magpapatalo si Pasing.

Mas dumiretso ang tindig ni Carmen. “Sabi sa akin ni lola na kahit wala na daw si lolo ay nagmamahalan pa rin sila. Hindi raw nasusukat sa distansya ang pag-ibig.  Mahalaga raw ang nandito.” Itinuro niya ang kanyang puso.

Nagkunot ang mukha ni Pasing sa narinig.  Bata pa ang puso para maintindihan ang sinabi ni Carmen.

“Kapitan!”

Nabaling ang pansin ng lahat sa kanilang hinahangaang kapitan. Nagsitayuan ang mga batang lalaki at sinalubong siya.  “Manghuhuli po tayo ng alitaptap!” hayag ni Itoy. Initaas naman ng iba ang dala nilang mga garapon. Tumango naman si Seiji bilang pagtugon.

“Bakit ninyo kami iiwan?” sigaw ni Pasing. “Isama ninyo kami nila  Ate Rita.”

Nagkasalubong ang mga mata ni Seiji na agad  ninyang iniwasan… gaya ng dati. Ngumiti si Seiji at tumingkayad para magkasintangkad sila ni Itoy at ng ibang mga bata. “Gomen ne minna. Isogashi desu.”

Kita ang dismaya ng mga bata nang  umalis ang kanilang idolo. “Kung ganoon, tayo na lang po,” sambit ni Itoy at inabot ang kamay ko.

Gaya ng mga bata, mabigat din ang pakiramdam ko. Hanggang ngayon ay umiiwas pa rin siya.



Sunod-sunod ang pagtilaok ng mga manok na nagsibalik na sa pugad. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa pinaghalong asul at kahel na kalangitan.  Malamig ang ihip ng hangin na sinasabayan naman ng pagsayaw ng mga maninipis na tangkay ng mga panamin na palay.  Ang mga bata naman ay malayang nagtatakbuhan sa paligid ng palayan habang hinahabol ang kanilang inaasam na mga alitaptap.  Nakakainggit ang mga ngiti sa kanilang labi.

“Huwag kayong masyadong lumayo!” sigaw ko.

Sumagot naman si Itoy na ipagtatanggol niya ang mga kalaro dahil tinuruan siya ni Seiji ng karate.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Parang malalim na ang paghanga ng batang iyon kay Seiji.

“Psst.”

Napalingon ako sa harapan. Nasa tapat na ako ng mahahabang talahib.  Balita ko ay pinabayaan daw ang bukid na ito dahil sa isang sumpa raw ng engkantada.  Kahit anong halaman daw ang itinatanim ditto  ay hindi tumutubo. 

Ramdam ko ang namumuong  butil ng malamig na pawis sa noo ko. Kahit anong mangyari ay hindi pwedeng ako ang magpakita ng takot. Baka kasi  mas matakot ang mga bata  at mapahamak pa sila sa takot.

“Psst.”

Napahawak ako sa rosaryong kwintas ko habang bumubulong ng dasal.  Napasigaw ako nang may malamig na kamay na humigit sa akin sa talahiban.  Nakatakip rin ang isang kamay sa bibig ko.

Watashi no Ai (My Love)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ