Dai 10-shou

2.7K 173 21
                                    

Dedicated to: jastitchkei14
Read her awesome works. 😊
***

Kasalukuyan akong nakadungaw sa bintana habang pinapanood ang mga taong dumadaan at ang mga sundalong nakatayo sa kanilang istasyon na parang mga istatwang gawa sa bato. Minsan iniisip ko kung paano naipapatuloy ng lahat ang kanilang buhay sa gitna ng hirap ng pagkaipit sa giyera.

"Oi," sigaw ng isang sundalo sa hindi kalayuan. Napatingin ako sa kinaroroonan niya. Nakatayo ang isang matandang lalaki sa harap niya. May hawak itong tungkod habang tinitignan ang sundalo sa mata. ''Nihon teikoku o uyamau! (Show respect to the Japanese Empire!)" Nanatili ang matanda sa kanyang kinatatayuan.

Tila bumilis ang oras gaya ng pag-ihip ng hangin. Malakas ang pagkakatampal ng sundalo na ikinabagsak ng matanda. Nagkuyom ang aking palad nang akma niyang tatadyakan ang matanda. Siguro kung pwede lang akong tumalon mula sa ikalawang palapag, gagawin ko. Masakit sa puso kapag makitang matanda o bata ang sinasaktan.

''Tomaru (Stop).'' Galing ito sa pamilyar na tinig.

Yumuko ang sundalo sa kanya kahit na may bahid ng inis sa mukha niya.

Lumapit si Seiji sa kanila at lumingon sa sundalong nasa likuran niya. Mabilis na gumalaw ang sundalo at itinayo ang matanda. ''Kono hito wa miru koto wa dekimasen. (This person is blind.)" Lumapit si Seiji sa matanda at pumitik sa harap niyo. Nanatiling nakadilat ang matanda na parang walang nangyari. "Nanika kōdō o okosu mae ni jōkyō o yomu koto o manabu. (Learn to read the situation before doing any actions)" Humarap siya sa sundalong nanakit. "Wakarimasu ka? "

"H-hai," sagot ng sundalong namumula na sa hiya o galit. Nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin ng masama kay Seiji.

Mayamaya ay tumigil ang sasakyan sa harap nila. Bumaba ang mula dito kanilang pinuno at may kung anong sinabi kay Seiji bago naglakad papunta sa bahay sa harap ng kampo. Parang biglang may kung ano at napalingon si Seiji sa direksyon ko. Napansin kong medyo namumula ang kanyang balat dahil siguro sa pagkababad sa araw. Unti-unting gumuhit ang mga linya sa kanyang noo kaya mabilis kong isinara ang bintana. Mamaya baka kung anong sasabihin niya.


Katatapos ko lang mananghalian nang atakihin ako ng bagot. Nakita ko yong libro na laging binabasa ni Seiji. Napakunot-noo ako dahil bago lang sa akin 'yong mga guhit nakikita ko. Ganito ba magsulat ang mga Hapon?

Mabilis kong binalik ang libro sa mesa nang bumukas ang pinto at pumasok si Seiji. Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya sa ilang beses niyang pagtulong sa akin. Lumingon ako sa kanya na abala sa paglabas ng mga gamit sa aparador niya. Akma sana akong magsasalita pero naunahan niya ako.

"Labas," utos niya.

Napaisip ako sa sinabi niya. "Bakit?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin ng masama. Kung nakakamatay ang mga mata niya ay matagal na akong nilalamayan ngayon. "Magbibihis ako."

Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. "D-dapat si-sinabi mo agad." Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakaramdam ng hiya.

Mabilis akong lumabas ng silid at pabalibag na sinara ang pinto. Napaupo ako sa bintana habang pinapakalma ang sarili ko.

Hindi ko rin maintindihan si Seiji. Minsan parang anghel sa bait pero biglang magiging bagyo sa sungit.

"Rita-san!" tawag sa akin sa labas. Dumungaw ako sa bintana at napanganga kung paano bitbitin ni Yusuke ang mga pinagpatong-patong na kahon. "K-konnichiwa." Yumuko siya na naging dahilan para magbagsakan 'yong mga dala niya. Napakamot siya sa ulo habang tinatawanan ang pagkakamali niya. "Yusuke" sambit niya. "Honto ni baka. (You're really stupid.)"

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now