Dai 36-shou

1.3K 114 19
                                    

Dalawang araw ang nakalipas nang hinuli sina Seiji at nang malaman ko ang karanasan ni Inday.  Marami na ring nagbago nang si Kanai ang tumayong pinuno ng hukbo.  Naging abusado ang mga sundalo pero may iba  naman na maganda pa rin ang pakikitungo sa mga Pilipino. Karamihan sa kanila ay pabor sa pamamahala ni Seiji. 

Sinubukan kong iwasan si Luz sa araw na ito. Ayaw kong mag-isip ng masama sa kanya.  Sa mga gawain ko na lang sa kampo ibinaling ang atensyon ko.   Malupit si Kanai pero iginagalang niya ang paglilingkod namin sa kanila.  Hindi siya nananakit.  May  sinasabi lang siyang masasamang salita sa wikang Hapon kapag nakikita niya ako. 

"No! "

Nakarinig  kami ni Inday ng malakas kalansing.  Napatakbo kami ni Inday. Natanaw namin ang nagkalat nga mga mangkok, plato,  kanin at inihaw na isda sa lupa. Marahas na itinulak ni Kanai ang batang lalaki.   Sasampalin niya sana ang bata nang may sumigaw  mula sa unang palapag ng bahay. 

"Ii kagen ni shiro! (That's enough!)" Si Hide.  Nanghihina ang kanyang katawan pero may  tapang pa rin sa kanyang tinig.  Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang kanyang kayabangan. 

Napangisi si Kanai sa narinig.  "Damare! (Shut up!)" Agad siyang pumasok sa unang palapag.  Mayamaya ay nakarinig kami ng pagsuntok at pagdaing. 

Hinintay namin ni Inday  na ang mga sundalong pabor kay Seiji ang nakipagsalitan para magbantay.  Nagpasalamat kami dahil pumayag sila na dalhan namin  sina Seiji ng pagkain. 

Kalunos-lunos ang kalagayan nila. Nakatali si Hide. Nakalambitin siya habang bahagyang sumasayad sa  sahig ang paa niya.  Si Yusuke naman ay maraming pasa.  Nakaupo  siya sa sulok habang yakap ang kanyang mga binti. 

"Seiji? " Nakaupo siya sa harapan ni  Yusuke.   May pasa rin siya sa mukha at ibang parte ng katawan.  May sugat din siya sa labi.  Kakaiba lang siya dahil may pagka-arogante pa rin ang kanyang pag-upo sa kabila ng dinadanas nila. 

Lumingon sila sa amin.  Mabilis na gumapang si Yusuke palapit sa amin.  Inilahad niya ang kanyang kamay para humingi ng dala naming pagkain. 

"O-onigiri? " Napangiti siya nang makita ang bolang kanin sa kanyang kamay.  Pumunta siya sa kinaroroonan ni Seiji  para ang ibigay ang pagkain.  Sumunod ay itinapat niya ang bolang kanin sa bibig   ni Hide. 

"Rita-san! " sigaw ng sundalong nagbabantay sa labas. Pinakiusapan naman siya kung pwede niya kaming balaan kung pupunta si Kanai rito pero huli na ang lahat.

"Omoshiroi. (Interesting.)" Nakakatayo si Kanai at may kakaibang ngiti sa kanyang labi.  "Oi,  Saitou!" Sinubukan niyang kunin ang pansin ko Seiji pero nanatili lang itong nakaupo.  "Hokorashii.  (Arrogant.)"

"Taicho!" Nabaling ang atensyon niya sa kadarating na sundalo.  May dala itong papel.  Saglit siyang tumigil at tumingin kay Seiji.  Hindi niya alam kung ibibigay ba niya ito sa dati nilang kapitan.  Mukhang nainis si Kanai sa ginawa ng batang sundalo.  Hinablot niya ang papel at hinampas ang ulo ng sundalo.   Napansin ko ang pagkuyom ng palad ni Seiji.  Hindi niya gustong may nasasaktan sa kanyang pangkat. 

"Eigo? (English?)" Namula ang  mga tainga ni Kanai.  "Watasi ha eigo go wo hanasu kotogadeki nai. (I can't speak English.)" Napahagikhik si Hide sa inasal niya na sanhi nawala ang dugo sa katawan ni Kanai. Namumutla siya.  Itinuro niya ang ibang mga sundalo pero yumuko lang ang mga ito at humingi ng pasensya. Hindi rin sila nakakaintindi ng Ingles. "Kondo!"

"Sumimasen." Saglit na tumingin si Yusuke sa kanya.   "Watashi wa eigo shika hanasemasen. (I can only speak a little bit of English.)"

Labag man sa kalooban niya pero lumapit siya kay Seiji.  "Oi,  Saitou!" Inilahad niya ang papel mula sa siwang ng kulungan.  

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now