Dai 32-shou

2.3K 129 33
                                    


Katatapos ko lang isampay ang huling piraso ng kumot na nilabhan ko nang lumapit ang isang sundalo sa akin.  “Rita-san.” Mukhang nakahinga siya ng maluwag nang nakita ako.

Yusuke-kun ga mitsukarimasen,” tanong niya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. “Tetsudatte moraemasuka.”

Kumunot naman ang noo ko. Isa kasi siya sa mga sundalong walang tiwala sa mga Pilipino. Noon, kay Yusuke o kay Seiji siya lumalapit kapag may kailangan siya. Ilang beses rin niya akong tinignan ng masama at sinabihan ng masasamang salita. Hindi naman siya naglakas loob na gawin iyon kung nasa malapit si Seiji o si Yusuke.  “Naze desuka?”

Napasampal siya sa noo at mukhang dismayado. “Riyu o kikanai de.” May bahid ng pagkainis sa pananalita niya. “Watashi wo foro shite.” Sumenyas siya na sundan ko siya.

Malakas ang tibok ng puso ko nang nasa tarangkahan kami ng unang palapag ng  bahay na nagsilbi nilang kampo. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig ang malulutong na mura.

“Mga sakang!” pagpapatuloy ng lalaki sa pagsigaw. “Matapang lang kayo kasi marami kayo. Mga put-“ Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil sa sunod-sunod na pagsuntok.

“Oi, yamero,” paninita ng sundalo sa mga kasamahan niya.

Bumungad sa akin ang lalaking nakasabit ng patiwarik. Duguan ang katawan niya dahil sa natamo niyang mga sugat.  Lumapit naman ang isa at pinutol ang tali. Napatawa na lang ang mga sundalong Hapon nang bumagsak ang lalaki sa lupa.

“Mga punyeta kayo!” Hindi na lang ito pinansin ng mga sundalo at isa-isang nagsialisan.

Tumigil naman ang isa sa kanila.”Oi, meinu no josei,” tawag niya sa akin. Madalas nila itong ibinubulong sa akin kapag nasa hindi kalayuan sina Seiji at Yusuke.  Itinapon niya  ang isang sisidlan na gawa sa balat ng hayop. May pulang krus na naka-imprenta sa harap nito. Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa mga gamit ni Yusuke. “Kare no kizu o shibaru.”

Itinuon ko na alng ang aking pansin sa lalaking sugatan. “Umupo ka muna para magamot natin ang sugat mo.” Napaatras ako dahil sa biglaan niya pagtawa.

“Hindi ko naisip na buhay   ka pa pala.” Napuno ako ng takot nang maalala ko kung kanino ang boses na iyon. Nahirapan siyang umupo at humarap sa akin. Nakagapos ang kanyang mga kamay at ganoon din ang  kanyang mga paa.  Dumalaloy  ang dugo mula sa sugat sa kanyang noo. “Mabuti at nakaya mo silang pagsilbihang lahat.”  Puno ng malisya  siyang tumingin sa akin bago siya ngumisi. “Mukhang hindi mo yata natutunan na ang kayaman ng bayan ay dapat mapunta sa anak ng bayan.“

“T-tumigil ka na Gani,” sigaw ko. Parang nasilaban ang  mga tainga ko sa sinabi niya.

Napahalakhak lang siya sa inasta ko. “Mukhang asintado yata.” Sumeryoso ang mukha niya. “Payong kababayan lang, Rita. Natatalo na ang mga Hapon. Sa  tingin ko dapat ka nang lumipat ng panig. Subukan mo kayang sa mga Amerikano naman sumakay.”

Hindi iyan totoo. Gusto kong isigaw  ‘yan sa kanya.  Humigpit ang hawak ko sa sisidlan. Gusto ko itong ibato sa kanya at hayaan na lang siyang maubusan ng dugo hanggang sa mamatay siya.

Dinaanan niya ako ng tingin mula sa taas pababa. “Pwede rin namang sa akin. Magali-“

Umalingawngaw ang putok ng  baril at muntik na itong tumama sa paanan ni Gani. Napatingin ako sa pintuan. Nakatayo roon si Seiji at nasa tabi naman niya si  Yusuke na  nanlaki ang mga mata dahil sa ginawa ng kanyang kapitan. Halos pasukan naman ng kulisap ang mga bibig ng dalawang sundalong nasa likuran nila.

Aniki,” mahinang wika ni Yusuke habang nakatinginkay Seiji.  Biglaan niyang kinapa ang lalagyan ng kanyang baril. “W-Watashi no j-ju?”

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now