Dai 13-shou

2.5K 151 34
                                    

I just want to grab this opportunity to thank ALABNGAPOY000  for mentioning me and Mortjiellibeelina on his message board. 

***

"Mabuti naman at natutunan mo agad kung paano magpunas ng sipon, " puna ni Seiji habang ipinapasok ko ang mga kutsal sa loob ng sasakyan.  Nakaramdam ako ng hiya sa nangyari kagabi.  Sasagot sana ako pero may dumating na sasakyan na puno ng sundalo. Bumaba ang isa para kausapin si Seiji. 

"Ikimashou, " utos niya sa amin.  Agad kaming sumakay ng sasakyan ni  Yusuke. 

Tatlong oras ang biyahe bago kami nakarating sa isang maliit na bayan.  Karamihan sa mga bahay ay gawa sa kogon at kawayan ang mga kabahayan.  May ilang bahay na gawa sa magagandang klase ng kahoy katulad ng nara.  Malawak ang kabukiran at sariwa ang hangin kumpara sa mga ibang bayan na nadaanan namin. 

Kumaway ang isang grupo ng mga bata sa tabi ng daan.  Ihininto naman ni Seiji ang sasakyan.

"Konnichiwa Kapitan Saitou-san, " sabay-sabay nilang bati. 

"Konnichiwa," sagot ni Seiji. Parang nagpaulan ng milagro ang langit dahil sa pag-arko ang kanyang labi na minsan lang sa isang buwan nakikita. "Doko ni iku no desu ka? (Where are you going?)"

Nagtinginan ang mga bata na nakakunot-noo.  Isa sa kanila na bumulong ng, "Saan daw tayo pupunta." 

"Sa bukid po, " sabi ng pinakamatanda sa kanila. "Manghuhuli po kami ng mga tutubi. " Tumango lang si Seiji bilang pagsagot.

Medyo nag-alangan ang kasama nilang batang babae dahil sa usal niya,  "Hindi yata niya naiintindihan. " Siniko niya ang bata sa tabi niya.  Yumuko sila bilang pagpapaalam bago nagpatuloy sa paglalakad.

Bumaba  ng sasakyan si Yusuke at nagsimulang ilabas ang mga gamit. 

"Nandito na tayo, " wika ni Seiji kaya bumaba na rin ako.

Naunang pumasok si Yusuke sa isang hindi kalakihang bahay na may dalawang palapag.  Ang unang palapag ay gawa sa bato  at ang ikalawa naman ay gawa sa kahoy.  Sa tabi naman nito ay may  kahabaang bahay na may maraming pinto.  Sa  harap nito ay may nakawagayway na bandila ng bansang Hapon. 

"Huwag mong kalimutan ang trabaho mo, " puna niya na pumutol sa paghanga ko sa paligid.  Ihinagis niya sa akin ang kanyang  kutsal. Pagkasalo ko nito ay sunod niyang ihinagis ang gamit niya.  "Ituturo ni Yusuke kung saan ang mga silid."

Pagkadating ko sa ikalawang palapag,  una akong dinala ni Yusuke sa silid ni Seiji.  Kapareho nito ang silid niya sa ibang kampo.  Sunod akong dinala ni Yusuke sa aking silid.  Mayroon itong maliit na kama at mesa at sila.  Kapansin-pansin ang bintana sa gilid kung saan matatanaw ang bahay na may maraming pinto na sa tingin ko ay isang paaralan. 

Parang lumabas lahat ang hinanakit ng aking katawan sa mahabang bihaye nang maramdaman nito ang malambot na kama. 





Nagising ako sa pagputok ng baril.  Mabilis akong bumangon at dumapa  sa ilalim ng kama. Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang iniisip ang mga pwedeng mangyari. 

Mayamaya pumasok si Seiji sa silid at binigyan ako ng  nang-iinsultong tingin.  Nakaramdam ako ng inis sa inasta niya.  Hindi lang iyon,  siya ang naturingang pinuno pero bakit nandito lang siya?  "Ano bang nagyayari?" tanong ko sa kanya.  "Hindi ba't pinuno ka?  Bakit wala ka sa labanan? "

"Bumangon na dyan, " sambit niya  sa malamig na tinig.  "Bago  pa tuluyang  bumigay ang utak mo."

"Hindi pwede, " pagmamatigas ko.  "Paano kung may balang lumusot sa pader tapos tumama sa akin."

Watashi no Ai (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon