Dai 35-shou

1.3K 105 15
                                    

Ilang araw nang hindi tumitila ang ulan kaya naipon ang mga labada sa kampo.  Akala ko ay pagbibigyan ni haring araw angbhiling ko pero hindi.  Nakakainis  kasi mukhang nagsisimula na namang pumatak ang mga butil ng ulan.   Lumabas  ako para kunin ang mga sinampay. 

Sinunod ko  ang payo ni Eloy na iwasan muna si Luz.  Mabuti at may dahilan kung bakit napapadalas ako sa kampo. 

Ano kayang ginagawa ngayon ni Luz? 

"Rita, " tawag sa akin ni Inday.  "Tulungan na kita diyan."  Mabilis ang pagkuha ni Inday sa mga sinampay.  Sinamahan din niya akong ipasok iyon sa loob ng kampo. 

"Maraming salamat."

Umiling siya.  "Ano ka ba,  tayo-tayo rin lang naman ang nagtutulungan sa mga gawain." Nahiya  ako  dahil tumulong pa siya sa pagtupi ng mga damit. 

Napansin kong tila susong nilagyan ng asin itong kasama ko.  Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. 

"May problema ba? "

Umiling siya pero patakbo siyang lumabas at sumuka sa gilid ng bahay.  Ano bang meron sa mga kasama ko at nasusuka silang lahat?  Bigla akong  nakaramdam ng kaba.  Baka nga kolera. 

"Yusuke!" tawag ko kay Yusuke na napadaan.  Kasama niya si Hide. 

Lumapit naman sila sa amin at tinanong kung anong problema.   Napayuko naman si Inday dahil siguro sa hiya.  "There might be problem with the water."  Naguluhan yata si Yusuke sa sinabi ko.  "Mizu. (Water.)" Naintindihan naman niya agad ito. 

Tumango naman si Hide.  "It's been raining for a long time.  Boil the water before using it."

Tumango naman kami ni Inday at nagpasalamat.  Bago pa kami nakalayo,  nagsalita si Hide.  "Imelda."

Imelda?  Sino si Imelda?  Napatingin ako sa  paligid.  Wala namang ibang tao kundi kami lang.  Lumingon ako kay Inday para tanungin kung kakilala niya si Imelda.  Nang tumingin siya sa akin,   alam ko na kung sino. 

"Odaiji ni. (Get well.)"  Hindi naman sumagot si Inday at hinila lang ako palayo.  May kung ano siyang ibinulong na hindi ko maintindihan. 

Babalik na sana kami sa bahay para ituloy ang pagtupi ng mga damit nang makarinig kami ng ingay sa loob.  Bumaba ang sampung sundalo.  Hawak nila ang kanilang baril.  Napansin kong pinangungunahan sila ni Kanai. 

"What happened? " tanong ni Hide na nakatayo sa tabi ko. 

"I don't -"  Napansin kong  hinila  ako ni Inday palapit sa kanya.   Tatanungin ko  sana siya kung anong problema pero bumaling kay Yusuke ang pansin namin. 

"Taicho! " sigaw ni Yusuke.  Bumaba si Seiji ng hagdan na may tatlong sundalong nakapaligid sa kanya.  "H-hangyaku? (Treachery?)"

Mabilis na tumakbo ang dalawa sa kinaroroonan ni Seiji. Noong una ay inutusan ni Hide ang tatlong sundalo na pakawalan ang kanilang kapitan pero walang nangyari. 

Napansin kung tumingin sa amin si Kanai at ngumisi.  Napahawak ng mahigpit si Inday sa braso ko. "B-bakit?" Hindi siya umimik. 

Sinenyasan ni Kanai ang ibang sundalo.  Lumapit sila kina Yusuke at Hide para dakpin.

"Kisama! " sigaw ni Hide na nanlalaban.  Nasuntok pa niya ang isang batang sundalo.  Nakita iyon ni Seiji na napailing sa nangyari. 

"Hide," wika ni Seiji.  "Ojitsuke. (Calm down.)"

Kumalma si Hide pero   nasa mukha niya ang pagka-inis at galit.   Ipinasok ang tatlo sa unang palapag nag nagsisilbing kulungan para sa mga bihag. 

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now