Dai 20-shou

2.1K 136 25
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng mangga.  Naghahalong itim at asul ang kalangitan na pinalamutian ng mga bituin.

"Here you go." Inabot sa akin ni George ang tasang esmalte.  "It's quite cold. This will warm you up." Sumayaw sa hangin ang samyo ng bagong lutong kape. "I never thought I'd see you again."  Halos pabulong na sambit niya. "I was really worried when the Japs mistook you as a guerilla  collaborator. Too bad, the troop was caught in between the  Japs and the group who are against American leadership. Unfortunately, some kids were caught by the Japs."   Huminga siya ng malalim. Kita ang pagsisi sa mukha niya. "They're probably gone right now."

Nanatili akong tahimik dahil sa takot  na mabigyan ng ibang kahulugan ang sasabihin ko.  Hindi  lihim s kampo na malapit ako sa hukbo ng mga Hapon at alam din ng lahat na isa ako sa dahilan ng bigong pagsugod na naganap. Maraming nagsabi na naging padalos-dalos si George sa pagpapasya na naging sanhi ng pag-alis ng ilang miyembro kagaya ni Gani ngunit sa huli, marami pa ring naniwala sa kanyang kakayahan.

Dumaan ang dalawang batang may dalang garapon na naglalaman ng mga alitaptap. Masigla silang bumati kay George na magiliw naman niyang tinugunan.  Mababakas ang paggunita sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang mga paslit na tuloy pa rin sa paglalaro.

"I miss the small  good ole  town I grew up, Lynchburg." Basag niya sa katahimikan habang nakatingin sa malayo. "When then the war broke out,  the country needs us, strong young men who can fight."

Binalingan ko siya ng tingin. Payapa ang mukha niyang nakatingin sa kalangitan. "Momma was  scared when she saw me in my uniform.  It reminded her of Uncle Alexander who died during the Great War. She told me that I can work on rifle company but no, I wanted to sign up because all the lads in town are lining up. Everyone was doing it so I felt like I needed to. I remember two boys in my town killed themselves because they were denied to serve."

Tumingin siya sa akin at dismayadong ngumiti. "Everyone is suffering on this war, not only here but also way back home.  Teenagers work in the factories, children plant vegetables  on school to help with food resources, wives  left alone with the kids, mothers losing their sons…" Huminga siya ng malalim. Puno ang kanyang puso ng sakit at pananabik sa kanyang bayan. "It's horrible."

"But still…it happened." Nais kong kurutin ang sarili ko sa sinabi ko.

"Everyone needs to protect something, Rita," sagot niya. "You,  Filipinos are protecting your country. We, Americans are protecting our allied territories. The Nips one the other hand,  are fighting for  their honor and beliefs."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Ang kapwa Pilipino ay lumalaban sa para sa bayan. Ang mga Amerikano ay lumalaban dahil naging base nila ang Pilipinas. Kung hindi nasakop ng Amerika ang Pilipinas, maliligtas kaya ang bansa mula sa kamay ng digmaan?

"Hey lover boy!" tawag sa kanya ng sundalong Amerikano na kasama sa mga nagligtas sa amin. Kung  tama ang pagkakaalala ko ay Errol ang tawag sa kanya. "The kids finished the map. I want you to check it out before someone will rat us out." Makahulugan siyang tumingin sa akin. "No offense, beautiful lady."

Nagpaalam si George at sumama  kay Errol. Nakasunod sa kanila ang dalawang binatilyo na halos nasa edad dose at trese anyos.



Napagpasyahan kong malakad-lakad muna sa kampo dala ang tasa ng kape bilang panangga sa  lamig. Saglit akong napatigil dahil sa naririnig kong pag-ungol at paghingal. Marahil ay may nasaktan at nangangailangan ng tulong kaya pilit kong hinanap kung saan ito nanggagaling. 

"C'mon fellas!" sigaw ng isang Amerikanong sundalo. "We don't have all the time."  Halata ang pagkainis sa kanyang tono. "Move your asses!"

Lumabas ang dalawang humahagikhik na sundalo mula sa kakahuyan. Nakasuot ng pantalong pansundalo habang nakasabit naman sa kanilang balikat ang kanilang damit pang-itaas.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now