Dai 5-shou

3.3K 198 6
                                    

To the future rockstar and a great buddy: Lamperouge
Cheers! 🍸🍷
***

"Hustisya," bulong ni Martin sa tabi ko.

Nasa kamay ko ang isang baril at nakatutok ito kay Seiji. Nakatalikod siya na tila walang malay sa balak kong gawin. Nasa harapan naman niya ang dalawang bihag na diretsong nakatingin sa akin. Walang tinig ang lumalabas sa kanilang bibig pero alam kong pareho sila ng binubulong ni Martin.

Mas humigpit ang hawak ko sa baril. Gusto kong kalbitin ang gatilyo ngunit may anong pumipigil sa akin.

"Oy." Naputol ang pag-iisip ko ng posibleng interpretasyon ng panaginip ko. Limang araw na itong bumabagabag sa akin. Lumingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng tinig. "Uulitin ko, huwag kang lalabas ng silid na ito kung gusto mo pang mabuhay," sambit ni Seiji habang inaayos ang kanyang uniporme.

"At ano naman ang gagawin mo? Papatayin mo rin ako gaya ng ginawa ng pinuno niyo sa mga bihag?" Diniinan ko ang pagbibigkas ng mga salitang binitiwan ko. Alam kong nakarating sa kanya ang galit ko dahil napatigil siya sa pagbubutones ng kanyang damit.

Huminga siya ng malalim bago humarap sa akin. Walang emosyon ang mga mata niyang sumalubong sa akin. "Tandaan mo, may dalawang patakaran na dapat mong sundin. Una, huwag kang lalabas ng silid na ito kapag gusto mo pang mabuhay. Pangalawa, huwag kang mangialam sa mga bagay na wala kang alam." Padabog niyang sinara ang pinto.

Tatlong araw ko na siyang minamanmanan hanggang sa nakabisado ko ang pangaraw-araw niyang gawain. Lalabas siya ng silid ng alas singko y media ng umaga at uuwi naman ng ala sais ng gabi. Lilinisin niya ang kanyang baril at punyal at aayusin ang kanya uniporme pagkadating niya. Matutulog na siya ng alas nwebe ng gabi.

Pinipilit kong pakalmahin ang galit sa puso ko kapag nakikita ko siya. Kung Pilipino siya at kasapi ng hukbong Hapon, bakit wala siyang ginagawa kapag pumapatay ang mga kasamahan niya? Bakit wala siyang ginawa noong pinatay nila ang buong pamilya ko?

Saglit akong natigilan sa aking iniisip nang may kumatok sa pinto. Linuwal nito ang nakangiting si Yusuke na may hawak- hawak na bandeha. "Ohayo gozaimasu," sambit niya. Saglit siyang tumigil na tila malalim ang iniisip. "Go-good morning," wika niya sa kanyang kakaibang tuldik. "Eigo o hanashimasu ka?" Tinignan ko lang siya. "Ingrish?" Tumango ako bilang pagsagot. "Food. You eat," sabi niya pagkalapag niya ng isang mangkok ng kanin at dalawang piraso ng galunggong sa mesa.

Pilit kong isinantabi ang bagay na bumabagabag sa akin at sinundan siya ng tingin. Nakaramdam akong tuwa nang makita ang punyal na hindi maayos ang pagkakalagay sa saha. Lumapit ako sa mesa at dinampot ang mangkok ng gulay. Kunwari ay inamoy ko ito. Binaling ko ang tingin ko kay Yusuke at kunwari ay humanga sa pagkakaluto nito. Napangiti naman siya bilang tugon. "Oishi so? (Delicious right?)"

''Daga!'' sigaw ko at itinuro ang ilalim ng kama. Nagtatalon ako na naging sanhi ng pagkataranta niya. Kahit saan ako tumuturo na sinusundan naman niya. Paulit-ulit siyang sumisilip sa kama, yuyuko at tatayo. Habang abala siya ay agad kong hinugot ang punyal mula sa saha na nakasabit sa kanyang tagiliran.

''It's fine," sabi gamit ang aking limitadong Ingles. Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa sinabi ko. "No need for help. Everything is fine.'' Winagayway ko ang kamay ko sa ere.

Tumango siya at mukhang naintindihan ang nais kong sabihin. "You need herpu? You, me call. " Tinuro niya ang kanyang sarili. Yumuko siya bilang paalam bago umalis sa silid. Gusto ng utak ko na gamitin ang punyal sa kanya ngunit may tinig na pumigil sa akin.

Tinago ko na lang ang punyal sa ilalim ng aking unan.

Ano kaya ang pakiramdam kapag gagamitin ko sa kanya ang sandata na mas pinili niyang paglingkuran kaysa sa kanyang saring bayan?

Hinintay kong matapos siya sa kanyang gawain at humiga sa banig na linatag niya. Tiniyak kong malalim ang kanyang tulog. Linabas ko ang punyal at dahan-dahan na lumapit sa kanya. Mas mabait ako kumpara sa kanila dahil mawawakasan ang buhay niya na hindi siya nahihirapan. Inangat ko ang aking kamay at isasaksak ang punyal sa kanyang dibdib. Para ito sa aking pamilya at sa mga Pilipino pinaslang ng iyong kamay.

Naging mabilis ang pangyayari. Binasag ng isang kalabog ang katahimikan. Nasa ibabaw ko siya habang nakalapat ang talim ng punyal sa kanyang palad. Dumaloy ang dugo mula sa kanyang kamay at dumapo ang ilang patak sa aking pisngi. ''Kung balak mo akong paslangin sa kahit anong rason, dapat mas galingan mo pa sa pagplano. ''

Palapit ng palapit ang mga malalakas na yabag. Bumilis ang tibok ng puso habang inaalala ang kahihinatnan ko. Anong pwedeng gawin sa akin ng mga sundalo kapag nalaman nilang pibagtangkahan ko ang buhay ng kasamahan nila?

Saglit na may kumatok sa pinto.  "Seiji-nii!" Biglang bumukas ang pinto at linuwal nito si Yusuke. "Kanshō shite mōshiwakearimasen. (I'm sorry to interfere) "

Nanlaki ang mga niya  nang mapansin ang patalim at mga patak ng dugo. ''Daijoubo desu ka? (Are you okay?)" Inilipat niya ang tingin sa akin pagkatapos ay kay Seiji. "Nani ga okotta? (What happened?)"

Umalis si Seiji sa pagkakaibabaw sa akin. "Machigaete iru. (You got it wrong.)" Tumayo siya sa tapat ni Yusuke habang winagayway ang punyal sa harap niya. "Kore wa anata no tankendesu ka? (Is this your dagger?) "

Biglang namula ang mukha ni Yusuke at lumuhod sa sahig.  Saglit siyang tumingala at lumuhod na nakalapat ang noo sa sahig.  Kita ang kaba at takot nang makita ang punyal niyang hawak ni Seiji. "Hai," sambit ni Yusuke. "Watashi wa kesa, daiken o ushinatta. (I lost it this morning.) "

"Watashi wa sore o hōkoku suru hitsuyō ga aru. (I need to report it.) " Tila naging bato si Yusuke sa narinig. Nawalan ng kulay ang mukha niya at namumuo ang pawis sa noo niya. "Shikashi watashi wa shimasen. (But I won't.) "

Nanatili siyang nakaluhod. "Yū katau gozai masu. (Thank you very much.) "

"Betsuni (Nothing.)," sambit ni Seiji. "Tatsuiteru (Stand.) " Mabilis na tumayo si Yusuke ngunit nanatili pa rin siyang nakayuko.

Humarap naman si Seiji sa akin. Kinuha niya ang aking nanginginig na kamay at iniabot ang punyal. "Kung gagawin mo ito sa susunod, ayusin mo. Kung paghihiganti ang gusto, gamitin mo yang utak mo," bulong niya. Binaling niya ang atensyon kay Yusuke. "Yusuke, ikimashou. " Sumunod sa kanya si Yusuke palabas ng silid. "Watashi wa yūgata no junkai ni sanka shimasu. (I'll join you in the night patrol. )"

Kakaiba ang naramdaman ko sa oras na ito. Bakit niya ako binigyan ng punyal at tila nagagalak pa siya na malaman na gusto ko siyang patayin?

Watashi no Ai (My Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon