Dai 27-shou

1.9K 137 42
                                    

"Taicho!" Malapad ang ngiti ni Souichi nang natanaw kami mula sa kanilang bakuran. "Taicho-san!" Mabilis siyang tumakbo para salubungin kami.

"Abunai!" sigaw ng tatay niya na abala sa pag-gawa ng bilao gamit ang maninipis na piraso ng mga kawayan.

"Souichi." Tinapik-tapik naman ni Seiji ang ulo ng bata. "Genki desu ka?"

"Genki desu." Tumango ang bata bilang pagtugon. "Kendama." Inabot niya kay Seiji ang isang laruang hugis martilyo na may nakataling bola sa gitnang bahagi nito. "Kendama no hikikata shiteru?

"Eh." Yumuko si Seiji habang pinagmamasdan ang laruan.

"Kendama wa umai no?" tanong ni Souichi na may tono ng pagmamayabang. "Marunong ako."

Inabot lang niya kay Seiji ang laruan. Sa isang sandali, halos hindi ko pa rin maisip kung paano niya pinalipat-lipat ang bola sa magbilang bahagi ng hugis martilyo at sa hawakan nito. Sa huling bahagi naman ay binalanse niya ang bola sa espasyo sa taas ng magkabilang pisngi ng kendama.

"Sugoi!" Umiling lang si Souichi na parang nahihiya. Nangangamatis ang mga tainga niya. "Watakushi ni oshiete kudasai."

"Halika." Umupo sila ni Seiji sa ilalim ng punong bayabas. Dahan-dahan niyang inulit ang ginawa niya kanina.

Napapangiti na lang ako habang pinapanood silang maglaro. Ilang beses ring nahulog ni Souichi 'yong bola pero pilit pa rin niyang sinusundan ang mga tinuturo ni Seiji. Si Seiji naman ay parang bata. Sa sandali ito, hindi siya isang kapitan o kawal ng bansang Hapon ngunit isang pangkaraniwang kuya na nakikipaglaro sa nakababata niyang kapatid.

"Ilang beses ko nang sinabihan ang batang iyan na huwag abalahin ang kapitan." Humarap ako sa pinaggalingan ng tinig. Kaedaran niya ang nakakantanda kong kapatid na si Kuya Ador. Kahawig niya si Souichi maliban sa kanyang mga mata na nakuha niya mula sa kanyang ina na isang Hapones.

"Magandang araw po," bati ko sa kanya.

Nginitian niya ako bilang pagtugon. "Maraming salamat sa pagdalaw."

"Naku, wala po iyon. Kami nga po ang nakakaabala sa inyo," sagot ko.

Napatawa siya. "Mabuti naman at hindi ka katulad ng iba na sa anak ko ibinabaling ang pagkamuhi nila sa mga Hapon." Nagkibit-balikat siya. " Hindi ko naman sila masisi."

"Ngunit hindi naman po lahat magkakapareho." Ilang beses ko na rin itong napatunayan. "Marami na rin po akong nakaharap na mga taong magkakaiba ang lahi."

Tumango lang siya. "Naalala ko ang asawa ko sa sinabi mo." Tumayo siya at nagsalin ng tsaa sa maliit na tasa na katulad ng nasa kampo. Inabot niya ito sa akin. "Sana nasa mabuting kalagayan si Sachiko."

"Tiyak na nasa payapang lugar na siya ngayon," sagot ko.

"Sana nga. Pero alam mo, minsan iniisip ko paano kaya kung nandito pa siya..." Hindi ko na naririnig ang sinasabi niya. Nahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakasuot ng salakot na nakatayo sa hindi kalayuan. Inangat niya ang labi ng kanyang sumbrero at naglakad palayo.

"George?"

"May problema ba?" Tsaka ko lang napansin na nabaling ang atensyon nila sa akin. Napatigil ang dalawang lalaki sa paglalaro ng kendama. Nakakunot-noo si Seiji na nakatingin sa akin.

"W-wala. Parang may nakita kasi ako," sambit ko. "Akala ko..."

Napatawa naman si Souichi. "Baka ang mga hugis-taong ginawa ni tatay na panakot." Itinuro niya ang mga hugis taong gawa sa tuyong damo. May telang nakabalot sa mga ito na nagmimistula nilang mga damit. Hindi ko alam pero tumawa na lang ako para hindi na sila mag-alala.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now