Dai 2-shou

4.4K 242 36
                                    

"Chotto matte. (Wait a minute.) "  Umalingawngaw sa buong silid ang isang mababang tinig.  

Natigilan ang sundalo sa ginagawa niya sa akin.  Mabilis siyang umalis sa pagkakaibabaw  sa akin at tumayo.  "Tatsu iteru!  (Stand!)" sigaw niya at hinila ako patayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang dumami pa ang mga sundalong Hapon sa bahay.  Namatay ang katiting na pag-asa sa  puso ko. 

"Kanojo no Seiji o tanoshin de mi mashou. (Let her have fun with Seiji.)" Ngumisi ng nanloloko ang matangkad na sundalo na sa tingin ko ay kaedaran ni Tatay. Base kung paano yumuko ang mga sundalo sa paligid niya,  nabigyan ako ng ideya na siya ang pinuno ng pangkat.  Sa tabi naman niya ay nakatayo ang sundalong hindi nalalayo ang edad sa akin.  Matangkad siya,  singkit at kayumanggi kumpara sa mga kasama niya. Nagtama ang  mga mata namin ngunit agad rin niya itong iniwasan. 

Hinablot ng sundalong katabi ang buhok ko at kinaladkad ako papasok sa isang kwarto.  Maya-maya ay pumasok ang sundalong nakipagtitigan sa akin.  Marahan niyang sinara ang pinto kasabay ng sigawan ng mga kasamahan niya sa labas. Sigawan na puno ng malisya at kahalayan. 

Katumbas ng  hakbang niya paabante ay dalawang hakbang kong paatras. Mabilis ang tibok ng  puso ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.  Umaasang may katiting na awa na natitira sa loob niya. 

"Sigaw," utos niya sa kanyang malamig na tinig. 

Nawala ang  pag-asa na parang munting apoy na hinipan sa kandila. 

"Sisigaw ka ba?" marahas niyang tanong.   Lumapit siya sa akin hanggang sa napasandal ako sa pader.  "Sigaw."

Kung mamatay rin lang ako,  mas mabuting lumaban ako kahit alam ko kung anong mangyayari sa huli.  Naningkit ang mga mata niya nang diruraan ko ang mukha niya. Inis niya itong pinunasan gamit ang kanyang manggas habang tinititigan ako ng masama. Hinugot niya ang punyal na nakasabit sa kanyang tagiliran at linapat iyon sa leeg ko.  "Huwag mong hintayin na saktan pa kita bago ka sumunod sa utos ko."

Diniin niya ang  punyal sa leeg ko.  Naramdaman ko ang lamig na galing sa patalim kasunod nito ang hapdi at pagpatak ng dugo sa sahig.  Napasigaw ako sa sakit.   Sinubukan kong ilayo ang punyal sa akin pero agad niyang napigilan ang aking mga kamay.  Mahigpit niya itong hinawakan at ipinosisyon malapit sa aking ulo.  "Mas mabuti kung  sumunod ka na lang."

Kumalantong ang punyal sa sahig. Mahigpit niyang hinawakan ang aking balikat.  Napasigaw ko nang punitin niya ang mga manggas ng aking damit.  Nanlaki ang mga mata ko ng  lumikha siya ng tunog na umuungol.   Pagkatapos ay lumayo siya sa akin at nagtungo malapit sa kama.  Yinugyog niya ito hanggang sa makagawa ito ng langitngit. 

"E?  Hayai! (Fast!)" sigaw ng isa sa mga sundalo at nagsitawanan naman ang iba. Tawanan na puno pagnanasa.

Napangisi si Seiji sa narinig.  "Baka (Idiot)," bulong niya. 

Matagal rin niyang ginawa iyon. Pagkatapos ay umupo siya malapit sa pinto.  Nanatili naman akong nakatayo, binabantayan ang bawat galaw niya. 

"Seiji-kun?" tawag sa kanya mula sa labas. "Owatta? (Are you done?)"

Tumayo siya at tinitigan ako.  Unti-unting kumunot ang noo niya.  Lumapit siya sa akin at ginulo-gulo ang buhok ko.  Nilipat  niya ang tingin sa uniporme niyang malinis at walang lukot. Huminga siya ng malalim na parang naiinis sa kanyang susunod na gagawin. Inalis niya ang pagkakabotones ng kanyang damit at ang pagkakaayos ng kanyang sinturon. 

Hinila niya ako sa kamay at hinigpitan ang hawak sa aking pulsuhan. "Kung ano mangmangyari sa labas,  sumabay ka na lang." Lumapit kami sa pinto at kumatok siya ng tatlong beses.  "Wareware wa okonawa re masu. (We are done.)"

Pagkabukas ng pinto,  sinalubong kami ng mga kakaibang ngiti.  Lumapit 'yong sundalong nakakita sa akin sa pinagtataguan ko. Tinignan niya ako ng may pagnanasa.  "Watashi no dengen o ire masu. (My turn.)" Tumindig ang balahibo ko nang hawakan niya ako sa balikat at kinindatan. 

"Arai-san." Naramdaman ko ang papulupot ng isang braso sa aking balikat.  "Gomen (Sorry)."  Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa aking leeg.  "Watashi wa watashi no omocha o kyōyū kirai. (I hate sharing my toys.)" Mas linapit pa niya ako sa kanya.  Malapit na  nakasandal na ang ulo sa dibdib niya,  napapakinggan ang pagtibok ng puso niya. 

Kita ang inis sa paglukot ng  mukha ng lalaking  tinawag na Arai-san. Tinignan niya ng masama ang lalaking katabi ko.  Kabaliktaran naman nito ang tugon ng kanilang pinuno.  Nakangiti ito  habang umiiling.  "Kanojo wa anata no tsugi no. (She's yours then.)"  Humarap siya sa ibang mga sundalo.  "Anata wa kare o kii ta. (You heard him.)" Tumango ang mga sundalo bilang pagsagot. 

"Mahigpit ba?" tanong niya sa akin habang tinatali ang kamay ko.  Umiling naman ako bilang pagsagot. 

Hila-hila niya ako habang naglalakad kami.  Hindi ko alam kung saan kami tutungo pero marahil sa kanilang kampo.  Lumiliwanag na ang paligid dahil sa unti-unting pagsikat ng araw.  Ito ang unang araw na haharapin ko na wala na ang aking pamilya.  Paulit-ulit sa aking isip ang pagsigaw ni nanay, ang pagtatanggol sa amin ni tatay at ang mga putok ng baril na tumapos sa aking buhay. 

Wala na sila.  Pero wala na ba talaga sila?  Paano kung pagkaalis namin ay hindi pa pala sila patay?  Paano kung huminhinga pa sila? 

Naalala ko ang kalagayan ni tatay at kuya Ador.  Parehong sa dibdib sila tinamaan.  Sa ulo naman si Martin at sa dibdib rin si nanay. 

Nag-alab ang galit sa puso ko habang pinapanood ang mga likod ng mga sundalong tumapos sa buhay ng pamilya ko.  Kulang pang kabayaran ng ginawa nila ang buhay nila o ang habang buhay na paghihirap sa impyerno.

Tuluyan nang sumikat ang araw.  Ang sabi nila na habang may liwanag may pag-asa ngunit bakit hindi maramdaman ang pag-asa?  Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil buhay pa ako o hilingin na sana pinatay na lang nila ako para makasama ko pa rin sila.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now