Dai 17-shou

2.2K 142 28
                                    

JamaicaBalijado , for your sweet message and kind heart.

***

Masaya kaming nakaupo sa ilalim ng puno ng bayabas habang pinaglalaruan ang pulang sinulid na binigay kay Yusuke. Pantay-pantay niya itong hinati upang ang lahat ay magkaroon ng pagkakataong masubukan ang itinuro niya.

"Kuya Yutuke," tawag ng batang babae sa kanya. Iniabot nito ang bungkos ng tali. "Hindi ko po talaga masundan."

Buntong-hininga lang ang naitugon ni Yusuke. Ilang beses rin niya itinuro paano ibuhol para makagawa ng pulseras.

Lalong nakadagdag sa pagkausisa ng mga bata ang kwentong kalakip nito. Ayon sa kanyang kwento, may nakataling pulang sinulid o akai ito sa hinliliit ng mga taong itinadhana ng mga diyos.

"Huwa!" Manghang-mangha ang batang babae nang iabot sa kanya ni Yusuke ang nabuong pulseras. "Ibibigay ko ito kay Kapitan Saito."

Narinig ito ng batang lalaki na katabi niya. "Pasing, akin na iyan!" Mabilis niyang kinuha ang pulseras. "Sa akin naman ang taling ginamit dyan. Ibibigay ko ito kay Ate Rita." Binigyan niya ako ng nahihiyang tingin.

Akmang iiyak si Pasing pero nagliwanag ang mukha niya habang nakatingin sa 'di kalayuan. "Kapitan Saito!" Tumakbo siya sa direksyong iyon at sinalubong si Seiji ng yakap. "Si Itoy po kinuha po niya 'yong pulseras ko." Ikinuwento ni Pasing kung paano siya pinagnakawan ni Itoy. Nagkibit-balikat na lang si Seiji at binigyan ng makahulugang tingin si Yusuke na parang nagsasabing, 'Ikaw ang nagsimula ng gulong ito kaya dapat ayusin mo.'

"Hai..hai," pabulong na sagot ni Yusuke. Kinuha niya ang pulseras kay Itoy at muling inulit ang mga hakbang sa paggawa ng pulseras. Pagkalipas ng labing-limang minuto, nakabuo siya ng dalawang pulseras mula sa taling ginamit niya sa unang gawa niya. "Itoy-kun, Pasing-chan." Nakangiti niyang inabot ito sa mga bata. "Sore wa tatakau koto wa yoi koto de wa arimasen. (It is not good to fight.)"

Lumapit si Pasing kay Seiji. Linahad naman niya ang kanyang kamay upang maisuot ni Pasing ang pulseras sa kanyang kamay.

"Naniniwala ako sa kwento ni Kuya Yusuke, ate. Kaya kapag malaki na ako, papakasalan kita," nahihiyang deklara ni Itoy pagkasuot niya ng pulseras sa akin. "Pangako po iyan." Tumakbo siya palayo na pulang-pula ang mukha.

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Muling gumunita sa aking isipan ang kwento ng pulang tali habang sinusulyapan ang pulang tali sa kamay ni Seiji.



Naputol ang masayang paglalaro nang dumating ang isang pangkat ng sundalo. Ang iba sa kanila ay akay-akay ang mga kasamahan na malubhang sugatan. Sa pagkakatanda ko ay sila ang nautusan para manmanan ang paligid. Ayon kasi sa mga Pilipinong nasa panig ng mga Hapon, naging marahas ang galaw ng mga gerilya sa mga kalapit-bayan noong mga nakaraang araw. Naging madalas ang paglusob nila sa mga kampo at bayang pinamamahalaan ng mga Hapon.

Mabilis silang sinalubong ng ibang mga sundalo sa pangunguna ni Seiji. Inakay nila ang kanilang mga kasamahan papasok sa loob ng bahay na nagsisilbing kampo.

Lumapit ang isang sundalo sa kanya. Nakatayo sila sa may kalayuan kaya hindi ko marinig ang usapan nila ngunit kita kung paano dumilim ang mukha ni Seiji. Mayamaya ay ihinarap sa kanya ang binatilyo nasa edad labing-dalawa. May dala siyang kutsal na gawa sa hinabing balat ng kawayan.

"Rita-san?" Tawag sa akin si Yusuke. "Tetsudatte kure masen ka? (Can you help me?)" Tumango ako bilang pagsagot.



Mabilis at maayos ang paggagamot ni Yusuke sa mga sugatan. Kung sa karaniwang araw ay palangiti at payapa ang kanyang mukha, sa oras naman na kailangan ang kanyang kaalaman sa panggagamot ay nagiging seryoso at mapanuri ang kanyang mga mata.

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now