Dai 7-shou

2.8K 183 9
                                    

To the girl who loves oranges: Mortjiellibeelina 🍊🍊🍊
Check out her awesome works.  :)
***

"

"Finish," deklara ni Yusuke pagkatapos niyang itali ang benda sa kanang pulsuhan ko.  "No big move.  Hands," dagdag niya. Yumuko siya bilang pagpapaalam bago lumabas ng silid. 

Limang araw na ang lumipas nang magising ako.  Medyo masakit yong pulsuhan ko kapag naigagalaw pero mas maayos na kumpara noong mga nakaraang araw. 

Ilang araw na rin akong nakakulong sa silid na ito?  Siguro magdadalawang buwan. Hindi ko naman alam kasi walang  relos dito sa silid. Tanging ang pagdadala lang ni Yusuke ng pagkain ang pinagbabasehan ko. 

"Damn you crazy Japs!"  Isang malakas na sigaw galing sa labas ang pumukaw sa atensyon ko. 

Agad akong napatakbo sa bintana at sumilip sa siwang para makita ang nangyayari. Nanlaki ang mga mata ko sa sundalong Amerikano na pinalilibutan tatlong sundalong Hapon at isa na roon si Seiji.   Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa kalagayan niya.  Para siyang damit sa sampayan dahil tanging mga hinlalaki niya ang nakatali habang bahagyang nasasagi ng mga daliri niya sa paa ang lupa. 

"Where are your comrades? " tanong ni Seiji sa maotoridad na tono.

"Psh."  Binigyan siya ng nakakainsultong ngiti ng Amerikano tsaka dinuraan sa mukha.  Mabilis gumalaw ang isang sundalo at sinikmuraan siya na nagpaubo sa kanya ng dugo.

"I won't tell you!" sigaw ng Amerikano.  "I swear I'm gonna slit your throats and I'll present the head of your boss to my general."

Tumango si Seiji sa isang sundalo.  Mabilis siyang umakyat sa hagdan na malapit sa sundalo habang dala-dala ang isang maliit na timba.  Ang isa naman hinawakan sa ulo at panga ang Amerikano para tumingala.  Nagpupumiglas ang siya ngunit nabigo siyang makawala. 

"Mōshiwake arimasen wareware wa sake o mo tsuteinai. (Sorry we don't have liquor)," pang-aasar ng sundalong nakahawak sa timba.  Mukhang nakakatawa ang sinabi niya dahil pulang-pula na ang mukha ng isa pang sundalo sa kakatawa samantalang nanatiling bato naman ang mukha ni Seiji.

"Junbi (Ready),"  panimula ng sundalong nakahawak sa Amerikano. 

Binuhos ng sundalong nasa hagdan ang timba sa tapat ng bibig ng Amerikano.  Mga limang timba rin ang sunod-sunod ipainom sa kanya hanggang sa nanlobo ang tyan niya. 

"Where are your comrades?" tanong ulit ni Seiji sa Amerikano.

Kahit mahinang-mahina,  matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Seiji. "Fuc-" Sinuntok siya ng sundalong nasa likuran niya.  Mistulang bukal ang bibig niya dahil sa dami ng sinuka niyang tubig. 

Tila nasisiyahan pa ang mga Hapon sa kanilang nakikita.  "Woah," sambit ng isa sa kanila na parang namamangha sa nangyayari.  "Amerika no taki (American waterfall.)"

"Yamero (Stop)," pigil ni Seiji.  Humarap sa kanya ang dalawa niyang kasamahan na nagkasalubong ang kilay, nakapinta ang pagka-inis sa kanilang mga mukha.  "Kare no kotae o matsu. (Wait for his answer.) "

Sinagot nila si Seiji ng mga nangiinsultong na sipol.     Nagkibit balikat lang siya at itinuon ang pansin sa bihag.  "Answer me. Where are your comrades? " Nanatiling tahimik ang Amerikano. 

Naging hudyat siguro ito  sa dalawang sundalo para paulanan ang bihag ng suntok.  Ilang beses siyang dumuwal para ilabas ang tubig na ipinainom sa kanya.

"Jibun na (Enough)," utos ni Seiji. 

Binigyan siya ng masamang tingin ng mga sundalo bago sila umalis.  "Hokorashī wan paku. (Arrogant brat)," bulong ng isa sa kanila nang tumapat sila sa bintana. 

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now