Dai 6-shou

3.2K 189 11
                                    

Tila lumalapit sa akin ang mga apat na sulok ng kwarto at iniipit ako ng mga dingding. Nakikita ko ang lahat ng mga taong napaslang tuwing pumipikit ako. Paulit-ulit ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig. "Hindi ka karapatdapat na mabuhay. "

Nagsimula ang pangyayari ito limang araw ang nakakaraan nang pagtangkaan ko ang buhay ni Seiji. Alam kong mali na sa ibang tao ko ibinuhos ang sama ng loob ko at ito ang pinagmulan ng nararamdaman ko ngayon. Nahahati sa dalawa ang konsenya ko. Ang kalahati nito ay nagsasabing hindi ko dapat ilagay sa kamay ko ang batas ng buhay na tanging ang Diyos lamang ang may karapatang manghusga. Ang isang bahagi naman ay ang pagsisi na hindi ko magawang iligtas o maipaghiganti man lang ang mga taong nakita kong nawalan ng buhay. Napakasama kong tao.

"Rita-san?" Binasag ng isang tinig ang aking pagtatanto. "Anata wa nayama nanika wa ari masu ka? ( Is there something bothering you?)" Puno ng sensiridad ang tinig niya. "You not eat?" Tinutukoy niya ang mga pagkaing dinala niya na hindi ko pa ginagalaw. Wala akong gana sa mga nakaraang araw. "Rita-san. Eat. No sick. Stronger. " Naglakad si Yusuke palapit sa akin. Lumuhod siya sa sahig upang matitigan ako sa mata. "Anata no kazoku no kono yō ni hyōji suru ni wa kanashī sa re masu. (Your family will be sad to see you like this.)"

Magsasalita pa sana siya nang may sumilip sa pinto. "Kondo-san, Koto o hokori takai wan paku o sagashi desu. (That arrogant brat is looking for you.)" Mabilis na tumayo si Yusuke at yumuko bilang pagpapaalam. Nagmamadali siyang lumabas ng silid pero saglit siyang sumilip sa pintuan. ''Kiotsuke te, Rita-san. (Take care of yourself. )"

Nagbalik ang katahimikan sa silid pagsara ni Yusuke ng pinto. Unti-unting nabuhay ang mga anino ng mga panaginip ko. Gumapang ang takot sa aking balat.

''Wala kang nagawa," paulit-ulit na nagmumutawi sa kanilang nga bibig habang lumalapit sila akin. Napatakbo at umupo ako sa tabi ng kama para magtago mula sa kanila.  Marahas na dumadaan ang mga daliri ko sa aking buhok habang tinatantya ang mga nagyayari.

Ramdam ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa aking noo, ang mabilis na pagtibok ng aking puso, at ang utak kong halos mabiyak sa pag-iisip kung ano ang tama at mali.

''Tama na," pagsusumamo ko ngunit hindi nila ako pinansin. Nahagip ng mga mata ko ang bagay sa ilalim ng unan. Mabilis ko iyong kinuha at itinapat sa aking pulsuhan. Ito ang hinihingi nilang kabayaran sa mga bagay na dapat ginawa ko noon. Napasinghap ako dahil sa hapdi nang lumapat ang talim sa aking kanang pulsuhan. Sinunod ko ang kaliwang kamay ko na mas mahapdi kumpara sa nauna. Pinanood ko ang pagdaloy ng pulang likido mula sa aking mga sugat. Nanlambot ang aking katawan hanggang sa natumba ako mula sa pagkakaupo. Pabilis ng pabilis aking aking paghinga, sinasabayan nito ang tibok ng aking puso. Pabigat ng pabigat ang talukap ng aking mga mata. Binigay na ng aking katawan ang katiting na lakas nito sa isang malalim ng paghinga bago nagdilim ang paligid.

''Rita. ''



Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa isang himig na nanggagaling sa plauta. Pinaghalong pag-ibig, pananabik at sakit ang dulot nito. Wari kinausap nito ang hangin na dalhin sa akin ang ilan sa mga alaala noong kasama ko pa ang aking pamilya. Pinaghalong saya at sakit ang naramdaman ko. Saya dahil makakasama ko ang pamilya ko sa kabilang buhay at sakit naman dahil hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanila.

Patuloy pa rin ang pagtugtog ng awitin. Minulat ko ang aking mga mata, umaasang musika itong galing sa mga anghel. Natigilan ako nang makita si Seiji na nakaupo sa bintana habang hinihipan ang isang plautang gawa sa kawayan. Nakatingin sa siya sa pinaghalong kahel at asul na kalangitan.

"Rita-san," sambit ng isang tinig. "Okiteru? (Are you awake? )" Nahinto sa pagtugtog si Seiji at tumingin sa direksyon ko. Hindi ko napansin na nakahiga ako sa kama niya. Agad kong iniwasan ang titig niya.

"Anata wa yori yoi kanji te iru? (Are you feeling better? )," wika ni Yusuke pagkalapag niya ng kahon na gawa sa kahoy. "You. Fine?" tanong niya habang nakatingin sa kamay ko. Nakaramdam ako ng sakit nang iniangat ko ang pulsuhan kong balot sa benda. "No. No move. " Magsasalita pa sana siya nang may tumawag sa kanya sa labas. "Modotte kimasu."

"Isang linggo kang walang malay. " Lumapit sa akin si Seiji nang wala na ang presenya ni Yusuke. "Alam mo bang sinisisi ni Yusuke ang sarili niya dahil sa kanya ang punyal na ginamit mo sa paglalaslas? Sinabihan pa nga ako na sana hindi ko na lang binigay sa'yo ang punyal."

Siguro ay kailangan kong humingi ng tawad kay Yusuke.

"Sa pulsuhan talaga? " puna ni Seiji na may halong pang-iinsulto. Nakaramdam ako ng inis nang masilayang nakataas ang isang sulok ng labi niya. "Gusto ko lang namang sabihin na maliit ang tsansa na magiging matagumpay ang ginawa mo. Hindi mo natamaan ng maayos yong ugat kaya magpasalamat ka dyan sa utak mo kaya nabuhay ka pa."

Nabuhay? Para sa anong dahilan? Handa na akong mawala pero bakit...

"Gusto mong maging matagumpay yong susunod na pagtatangka mo? Dito mo sugatan. " Tinuro niya ang parte ng leeg niya na nasa baba lang ng tainga. "Malaking ugat ang nandito at tiyak na patay ka na. Walang mahihirapan sa pagtahi ng sugat mo at paglinis ng dugong nagkalat sa sahig. "

Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. Bakit parang kung nagsalita siya alam ang nararamdaman ko? "Bakit hindi mo na lang ako tinuluyan kung ganito rin naman ang sasabihin mo? Mas nakatulong ka pa kung pinatay mo pa ako kaysa insultuhin mo ako ng ganyan." Sinusubukan kong pigilan ang mga nagbabadyang luha. "A-akala mo ba ma-madali ang lahat? Hindi mo alam kung gaano kahirap na makitang  kamatayan lang ang sagot sa lahat. " Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng mga luhang traydor.

Nagkibit balikat siya na parang wala siyang pakialam kung anong nangyayari. "Kung gagawin mo ulit yang balak mo, walang akong pakialam. Katawan at buhay mo naman 'yan." Nagtungo siya sa kanyang aparador at kinuha ang isang kahon na gawa sa kahoy na may inukit na bulaklak sa gilid. Binuksan niya ito at linagay ang kanyang plauta tsaka niya binalik sa pinagkuhanan niya. "Kaunting payo lang bago mo ulit subukang magpatiwakal. Isipin mo ang mga ngiti ng mga magulang at kapatid mo bago mo gawin 'yang binabalak mo. "


"Nay bakit ba naman kasi ang dami-daming sahog ng pinakbet? " reklamo ko kay nanay habang binabalatan ang kalabasa.

Natawa na lang siya sa reklamo ko. "Anak, ang buhay ay katulad ng pinakbet," sambit ni nanay habang hinihiwa ang mga sahog sa ulam. Napatigil ako sa pagbabalat para pakinggan ang sasabihin niya.

"May tamis, alat, pait, asim pero kung wala ang isa hindi na magiging maganda ang lasa", dagdag niya. "Tandaan mo, parte ng buhay ang lungkot, at saya at ito ang nagpapaganda sa buhay. Hindi mo mabibigyan ng importansya ang saya kung hindi mo naranasan ang lungkot. Hindi ka rin titibay kung puro saya lang."

"E, ano pong mas mahalaga? Saya o lungkot? ", tanong ko.

" Ang importante ay dapat magpatuloy ang buhay kahit anong mangyari. At magpatuloy ka na rin sa pagbabalat mo dyan. Darating na ang tatay at mga kapatid mo. "

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Anong magiging reaksyon nila nanay kung nalaman nilang sinubukan kong wakasan ang aking buhay?

***

A/N:
Thanks for reading guys!

-Selah

Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now