Dai 22-shou

2K 127 59
                                    

Tumugtog ang isang pamilyar na awitin sa aking isip. Hindi ko namalayan na  nakakanta ko na ang himig nito. Mabilis ko itong hininto at inisip ang posibleng dahilan.

Ganitong oras niya ito tinutugtog. Sa ilalim ng puno habang  pinapanood ang paglubog ng araw.  Minsan naman nakaupo siya sa may bintana.

Sandali. Ano ba itong iniisip ko?

"Are you doing alright?"

Lumingon ako sa direksyon ni George. Nakasandal siya sa puno ng mangga habang nakaarko ang mga labi. Wala ako sa sariling tumango. Tumawa  lang siya habang umiling. Pumuwesto siya sa tabi  ko at tumingin sa  pinaghalong asul at kahel na langit.

"You're thinking of something else," sambit niya. Lumingon siya sa akin. "Or someone else."  Nagkasalubong ang mga mata namin.

Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa imahe sa aking larawan. Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya.

"That's cute." Tumawa siya ngunit may kakaiba itong pinapahiwatag. "You're getting all red."

"I-I am not." Iniwas ko ang mukha ko.

Ilang minuto rin kaming nanatiling tahimik bago siya tumayo at lumuhod sa harap ko. "Look, I won't go around the bush. I'll hit the target like a man." Hinawakan niya ang kamay ko. "You already knew about the rescue operations we planned for you. Now that you are here...on my side." Huminga siya ng malalim. "I want you to know that I won't do anything without any reason at all. I might sound corny but the first time I laid my eyes on you…" Tinuro niya ang kanyang dibdib. "You stole this." Napansin ko ang pumumula ng kanyang mga tainga at pisngi.  "I-I know it may be dangerous out  here but.." Hinakawan niya ang aking kanay. "Can you stay with me?" Kumunot ang kanyang noo at nangungusap ang kanyang mga mata. "P-please?" 

Marahan ang pag-ihip ng hangin. Malakas ang pag-awit ng mga kuliglig ngunit hindi nito naitatago ang kaguluhan sa puso ko.

"I don't know," wika niya. "It's getting crazy. You  have all the time. You don't need to-"

Tumayo ako at bumitaw sa hawak niya.

"Luzviminda  is still sick. I need to see her."

Narinig ko lang siyang dimasyadong bumulong. "Right. Way to go George."

Mabilis akong  pumasok sa loob ng kubo. Medyo napalakas pa yata ang pagsara ko sa pinto kasi medyo naalog ang mga dingding.

"Gawa lang sa pawid at kawayan ang bahay." Humarap ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakangiti si Luzviminda habang  nililinis ang mga talbos ng kamote. "Mahihirapan tayong magpatayo ng isa pa kung magigiba ito. Iba ang tingin ng mga tao sa akin dito kaya  hindi tayo makakaasa ng tulong mula sa kanila."

"Pa-pasenya na." Humalakhak siya pagkasabi ko. "Anong problema?"

"Kapag pinipigilan ang pag-agos ng isang ilog…" Patuloy siya sa kanyang gawain habang  nagsasalita. "Maiipon ang tubig,  lalakas ang agos hanggang sa mawasak nito ang nakaharang."

"Ano ang nais mong ipahiwatig?"

"Marami na akong nakilalang tao Rita." Sumalok siya ng tubig sa banga gamit ang bao ng niyog at ibinuhos sa kaserola. "Alam ko ang itsura ng nga taong naguguluhan, umiibig, at nangungulila." Itinigil niya ang kanyang ginagawa at nagbibirong ngumiti sa akin. "At lahat ng iyon, nakikita ko sa iyo."

"M-mali ang i-inaakala mo." Gusto kong  tahiin ang bibig ko dahil hindi makapagbigkas ng maayos.

"Kung iyan ang sabi mo." Tumawa pa siya bago kumanta ng awitin tungkol sa pag-ibig.


Watashi no Ai (My Love)Where stories live. Discover now