Chapter 29: Meeting the Dragon

12.5K 1.2K 1.3K
                                    

Shoutout to miss @crstllmrndll (twitter) for this awesome fanart! Ganito ko talaga nai-imagine si Milan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shoutout to miss @crstllmrndll (twitter) for this awesome fanart! Ganito ko talaga nai-imagine si Milan. 🤘

KUMATOK ako sa pinto ng Guest Room kahit inaantok pa ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KUMATOK ako sa pinto ng Guest Room kahit inaantok pa ako. Ngayon ang araw ng Tournament nila sa Pampanga kung kaya't dapat maaga silang maghanda. "Oli, gumising na kayo. Gagayak pa kayo papunta sa Pampanga!" Sigaw ko. Take note, alas-otso na nang umaga pero hindi pa rin sila gising.

"Five minutes na lang!" Sa tingin ko ay si Gavin ang sumigaw pero duda ako sa five minutes na 'yan. Hindi katiwa-tiwala.

Paano ba naman kasi, anong oras na silang natapos nila Kuya na mag-billiards at magkuwentuhan. Nanghihingi kasi ng tips sina Kuya London patungkol sa mga quest sa Hunter Online and maayos naman na nagpapaliwanag ang mga kasama ko sa Battle Cry.

Pumunta na ako sa kusina at nadatnan ko si Mom na naghahanda ng almusal. Kasalukuyan siyang nagluluto ng Meatloaf, Corned beef, at Hotdog. Si Kuya Brooklyn naman ay ginagawang sinangag ang natirang kanin kagabi pero nagluto pa rin siya ng white rice.

"Mom, ang dami naman niyan." Sabi ko

"Hayaan mo na. May tournament 'yong mga kaibigan mo, kailangan busog sila bago lumaban para maayos silang nakakapag-isip." She explained at hinayaan ko na lang siya.

Kung si Dad ay naaliw kay Oli, si Mom naman ay naaliw kay Renshi dahil sa pagiging half japanese nito. Nakinig din siya sa mga kuwento ni Renshi about his struggles sa pagiging Pro player.

Umupo ako sa isang stool at uminom ng kape. "Gising na ba sila?" Tanong ni Kuya Brooklyn.

"Hindi pa bumabangon." Sagot ko.

"London, ikaw nga ang gumising sa mga bisita natin." Utos ni Kuya Brooklyn.

"Tangina ng mga ito. Iyak 'to kapag ginising ko." Nakangising sabi ni Kuya at umakyat sa kuwarto niya para kuhanin 'yong malaking portable speaker niya.

"Kuya, baliw ka. Magagalit 'yan," natatawa kong sabi pero sumunod ako sa kanya papunta sa guest room para tingnan ang trip na gagawin ni Kuya London.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon