Chapter 38: Start of Tournament

11.4K 1.1K 504
                                    

Twitter: Hunter Online Summer Cup

Just include that to your tweets and babasahin ko 'yong reactions ninyo para sa magaganap na Summer Cup. 👌

"BAKLA! Ang tagal nating hindi nagkita!" Sabi ni Shannah noong nagkita kaming dalawa sa Seven Eleven malapit sa BulSu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BAKLA! Ang tagal nating hindi nagkita!" Sabi ni Shannah noong nagkita kaming dalawa sa Seven Eleven malapit sa BulSu. Maaga kaming nagkita para magpa-enroll this sem, ang haba pa naman ng pila tuwing enrollment.

"Kumusta ang paglalaro mo?" Tanong ko sa kanya.

"Level 15 na ako, kaunti na lang ay magiging magandang negosyante na ako sa Hunter Online," She flipped her hair while smirking. "Pero hindi iyon ang chika!"

"Ano?"

"May Publishing Company na interested na i-publish 'yong Wattpad story ko!" Umupo kaming dalawa sa vacant seat habang hinihintay ang Kulokoy Boys. Tuwang-tuwa ako para kay Shannah, she's an online writer for three years already (sabi niya) and ang laking opportunity nito para sa kanya.

"Congrats! I am so proud of you!" Tuwang-tuwa kong sabi.

She smiled. "'Di ba? I am proud of myself too! May pera talaga sa pagbababad sa internet!"

Sabi niya ay next week ay kikitain niya ang isang editor noong publishing company and she's looking forward for it.

"Pero hoy," hinampas ni Shannah ang braso ko at nakuha niya ang atensiyon ko. "Ano na score ninyo ni bebe #6 ko?" Tanong niya.

"Sino? Si Dion?"

"Oo! Magbabagsak ako ng tatlong major subject kapag hindi naging kayo! Bakla ka, umaasa na ako." Natawa naman ako sa sinabi ni Shannah pero sinabunutan niya lang ako. "Loka ka, huwag kang tumawa, seryoso ako."

"Baliw ka, magkaibigan lang kami ni Dion. Ang issue ninyong lahat." Naiiling kong sabi habang tinitingnan ang email sa amin ni Sir Greg sa match schedule.

"Ang landi ninyo tuwing magla-live kayo, malamang ma-issue kami." Sagot niya sa akin. "Ang dami kong binugaw sa 'yo last sem, may pinoy cutie, may koreano, may japanese, sa player ka lang pala babagsak." Inisa-isa niya pa iyon sa daliri niya.

Napailing na lang ako. "Hindi magiging kami."

I already set my boundaries sa Battle Cry boys. At isa pa, bakit ako magkaka-feelings sa kanila? Ang sarap kaya nila ka-barkada lahat. Nakakasira lang sa team ang makipagrelasyon sa kapwa player.

Ilang minuto lang ay dumating na ang Kulokoy Boys. "Kumusta naman ang tropa naming Pro player! Napakayabang!" Nakipag-apir sa akin si Trace at ganoon din sila Clyde.

"Napakaingay mo, hindi naman ako lalaro sa Summer Cup." Sabi ko sa kanya. Isinukbit ko na ang bag ko at naglakad na kami papasok sa school. Paniguradong ang haba na ng pila sa Federizo Hall dahil sa tagal nila.

"Ayon awit. Bangko, sarap sa feeling." Natatawang sabi ni Tomy at nag-apir silang dalawa ni Trace. Mga epal talaga kahit kailan.

"Okay lang 'yan, ilang beses na kami nakanood ng competition, malakas na ang Battle Cry. Maganda line up ninyo." Sabi ni Clyde at ngumiti sa akin.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon