Chapter 3: Welcome to the Game!

15.5K 1.3K 556
                                    

SUMMER vacation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SUMMER vacation.

Ano ang unang bagay na pumapasok sa isip mo kapag narinig mo 'yan? Beach 'di ba? Pero heto ako ngayon sa bahay at bagot na bagot na nag-i-scroll sa facebook ko ng mga memes. Supposed to be dapat ay nasa Pagudpud kami para magbakasyon pero kailangan muna naming i-postpone dahil na rin may report na tinatapos si Mommy at deadline niya raw sa end of the month samantalang si Daddy naman ay busy sa pag-manage sa Gasoline station namin.

Gustong-gusto ko pa naman i-try 'yong zipline nila sa Pagudpud at gusto ko rin makita 'yong mga windmills. But oh well, soon... sana ay matapos agad nila Mommy ang dapat nilang gawin.

Naipasa na rin namin nila Clyde 'yong Plant Holder na ginawa namin. Mabuti na nga lang at tumupad sa usapan ang tatlong kulokoy dahil advanced kaming nakapagpasa. Dahil bida-bida ang group namin ay mataas ang nakuha naming grades sa project. Hindi ko pa alam kung kailan maipo-post sa portal 'yong grades namin pero sana ay matataas ang mga ito.

Nasa sala ako at nanonood ng Prison Break, masama akong napatingin kay Kuya London noong itinutok niya ng solo sa kanya ang Electric fan. "Kuya! I-ikot mo 'yong electricfan! Ang init-init ng panahon, oh!" Malakas kong reklamo.

"Doon ka na lang sa kuwarto mo para may aircon, may ginagawa ako, eh." Work from home kasi si Kuya London at dito sa sala nagtatrabaho.

"Walang TV sa kuwarto!" Reklamo ko. "Hindi mo i-ikot 'yong electricfan? Tatawag ako kay Daddy. Isa..."

"Five minutes lang!" Since nag-iisa akong babae sa bahay at bunso pa, laging sila Kuya Brooklyn at Kuya London ang napapagalitan sa tuwing nagsusumbog ako kay Daddy.

I mean, para naman kasing bata minsan itong si Kuya London at lahat na lang ay pinagtatalunan namin. Sa paghuhugas ng pinggan, remote, pagkain sa ref, tsinelas, electricfan, kung sino ang magwawalis. Name it... lahat 'yan ay napag-awayan na naming dalawa.

"Nag-aaway na naman kayong dalawa?" Dumatig si Kuya Brooklyn at may hawak na isang box ng pizza na ipinatong niya sa center table.

"Ito kasing si Milan, parang bata." Binuksan ni Kuya London ang Pizza at kumain.

"Wow! Galing talaga sa 'yo na selfish sa electricfan!" Paano ba naman kasi, kabilin-bilinan ni Mommy na huwag kaming magkukulong sa kuwarto ngayong summer at bukas ang aircon dahil ang taas daw ng bills namin kung kaya't heto kaming tatlo... nasa sala kung saan may pumapasok na hangin.

Kumain na rin ako ng pizza na binili ni Kuya Brooklyn at nag-focus sa panonood sa Netflix.

Habang nakatambay kaming tatlo sa sala ay biglang tumunog ang phone ko at napatingin sa direksyon ko ang dalawa kong kapatid ko. "May ka-chat ka?" Seryosong tanong ni Kuya Brooklyn.

I rolled my eyes at binuksan ang messenger ko kung sino ang nag-message. "Chat po ito sa GC," itinapat ko pa sa mukha nilang dalawa ang screen ng phone ko. "Nag-chat lang si Trace." Kilala naman ng mga kuya ko ang tatlong kulokoy na iyon at magkakasundo pa nga sila pagdating sa gaming.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon