Chapter 179: Boss Dungeon Planning

3.4K 318 79
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

This story is in slow update mode. Encouraging you to read other writers creation.

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

GANITONG mga araw talaga nakapagsisi na nag-workout pa ako (extreme workout to be exact) dahil halos hindi ko maigalaw ang upper part ng katawan ko sa sobrang sakit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

GANITONG mga araw talaga nakapagsisi na nag-workout pa ako (extreme workout to be exact) dahil halos hindi ko maigalaw ang upper part ng katawan ko sa sobrang sakit. Buti na lang talaga at in-insist ni Thaddeus na boxing session lang muna kahapon kahit nagpupumilit akong mag-kick hoxing kami.

Kung hindi iyon ginawa ni Thad ay baka hindi na ako makatayo mula sa kama at tinrangkaso na ako dahil aa muscle pain.

We are having an egg and spam breakfast in Dining area. It's gonna be a busy day with some of our members dahil 'yong iba ay may appointment sa DFA para makakuha ng passport. Ang iba naman ay may interviews/photoshoot sa manila.

"Milan, paabot naman ng kanin." Sabi ni Larkin sa akin at matalim ko siyang tiningnan. "Grabeng titig naman 'yan, umagang-umaga. Huwag mong ina-almusal ang bad vibes." He chuckled.

"Alam mo, nawala nga si Liu ay ikaw naman ang pumalit. Kita mo naman na ultimo pagsubo ko ng kanin ay hirap na hirap ako sa sakit ng braso ko." Reklamo ko sa kaniya. I tried na iabot kay Larkin ang bowl ng kanin pero grabe! Ang sakit talaga. Mabuti na lang at mabait si Tristan at siya ang nag-abot ng kanin kay Larkin.

"Hindi sasakit ang katawan ko kasi nagja-jogging ako. May workout ako." Larkin imitated my voice.

"Epal mo." Reklamo ko sa kaniya.

Sa totoo lang, I didn't expected that I will have a cool friendship with Larkin, Callie, and Sandro kasi ang taas nang tingin ko sa kanila noong rookie ako sa professional league. They are like my mentors back then na tinulungan ako mag-improve sa laro ko. But now, as the time goes by ay ang gaan lang ng friendship namin. Nagagawa na namin magbiruan at maglokohan pero tinutulungan nila ako pagdating sa game.

"Guys, later around 10AM ay pag-uusapan na natin kung sino-sino ang mga members na sasama sa pag-clear ng boss dungeon. 'Yong mga wala dito sa boothcamp ay focus kayo sa activities ninyo today." Choji announced.

"Yes, Captain." We answered.

Masasabi ko talagang reliable captain si Choji dahil kagabi, nagising ako para kumuha ng tubig ay nakita ko pa siya sa dining area mag-isa. Nanonood ng game sa tablet niya tapos nagno-notes sa laptop niya tungkol sa laro ng ibang players. And that's 2AM in the morning! Grabeng dedication 'yon. He really took pride on being the Captain.

Dumating sina Coach Harris at Coach Russel sa dining area. "Kids, bilisan ninyo kumain. Hindi tayo puwedeng ma-late sa DFA maaga ang appointment ninyo." Paalala ni Coach Russel. "Huwag ninyo ring iwanan ang important documents ninyo at school ID ninyo."

"Kinakabahan ako." Sabi ni Noah. "Paano kung i-offload ako ng mga immigration officer doon? Usong-uso pa naman 'yon sa Tiktok!"

"Bobo ka." Sabat ni Callie sa kaniya. "Talagang i-o-offload ka nila. Kukuha ka pa lang ng passport sa DFA hindi ka pa lilipad ng ibang bansa."

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now