Chapter 15: The Three Faction

11.9K 1.2K 548
                                    

Hey guys, I know you are excited for the updates. Pero baka bumagal ang mga update ko in the next days, holiday season, least priority ko ang pagsusulat dahil nagiging busy na rin for Christmas and New Year. Happy Holidays!

 Happy Holidays!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MILAN

AFTER three days vacation, nakauwi na rin kami ngayon sa Bulacan. Grabe 'yong bakasyon namin sa Pagudpud. I can say that it was one of the most beautiful beach that I'd seen here in Philippines. 'Yong zipline ang isa sa mga naging highlight ng vacation ko na iyon.

"Milan, ipasok mo na 'yong mga gamit sa likod ng kotse." Sabi ni Kuya Brooklyn habang tinutulungan niya sila Mom at Dad sa pagdadala ng kanilang mga gamit.

"Milan, buong tao ba sa village ang balak mong bigyan ng souvenir?" Reklamo ni Kuya London noong makita ang ilang plastic na pinamili ko sa Vigan at sa Pagudpud. (Yes, napabili din ako ng mga keychain sa may beach pero tama si Kuya, medyo pricey nga)

"Kuya 'wag ka nga!" Kinuha ko ang mga plastic sa kanya. "Ikaw nga bumili ng T-shirt para sa mga boss mo. Sipsip."

"Tanga, para ma-promote ako. Diskarte tawag doon. Tangina, mag-i-isang taon na akong nagtatrabaho, minimum pa rin ako." Reklamo niya habang siya ang nagbubuhat ng mga bag at maleta.

"Alam mo, ang hilig mo mang-trashtalk sa akin. Gusto mo isumbong kita kay Dad?" Banta ko.

"Magsumbong ka. Hatid pa kita." Akmang ihahampas ko sa kanya ang isang plastic ngunit nakapasok na si Kuya sa loob. Buwisit, hindi pa tinamaan.

Habang naglalakad ako ay biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Shannah. Sakto, I need to meet them para maiabot ko na rin 'yong T-shirt, keychain, and ref magnet na binili ko para sa kanila.

"Hello-"

"Bakla! Kailan mo ba balak mag-online, ha?" Pagkapasok ko sa bahay ay inilapag ko ang mga plastic sa ibabaw ng center table.

"Baka mamayang gabi. Kakauwi ko lang galing sa Ilocos." Kuwento ko sa kanya. "By the way, may time ba kayo nila Trace? Magkita-kita naman tauo ngayon para maiabot ko 'yong pasalubong ko sa inyo."

Excited na nga rin ako mag-online dahil ilang araw din akong nawala. Paniguradong naiwanan na ako nila Trace ng level dahil sa pagku-quest nila.

"Kailangan mong mag-online agad, ha! Pero sige magkita-kita tayo dahil matsi-tsismis ako sa 'yo."

"Tungkol saan?"

"Kung paano mo nakuha ang atensiyon ng ibang players dahil sa kagagahan mo. Sige na, magcha-chat ako sa GC kung saan tayo magkikita-kita."

"Okay." I ended the call.

Napatingin ako kay Kuya na nakatingin sa akin. "What?"

"Galang-gala, ah. Kakauwi lang may lakad ka na naman agad? Border ka rito?" Humalukipkip ito at sumandal sa gilid ng pintuan.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon