Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia

12.5K 1.5K 1.4K
                                    

THIS tournament is pretty comfortable dahil walang live audiences ngayon dito sa studio (kahit papaano ay nabawasan ang pressure)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THIS tournament is pretty comfortable dahil walang live audiences ngayon dito sa studio (kahit papaano ay nabawasan ang pressure). Kami lang mga players mula sa iba't ibang team ang nandito ngayon kung kaya't malaya kaming nakapag-iikot sa buong set.

Since this tournament is sponsored by one of the biggest beverage company here in the Philippines, hindi ka mauubusan ng iinumin dito sa set sa dami ng mga cola drinks na nakahanda nila sa amin.

Isa pang awkward at nakahihiyang ginagawa namin dito sa studio ay ini-interview kami ni Jeko (Interviewer and marketing staff ng Lemon Cola) sa kung ano ang ginagawa namin after ng practice at siyempre ay kailangan naming i-promote 'yong product nila.

"After intense practice talaga ay naging bonding na namin ng buong Orient Crown ang kumain. We usually gather sa living room ng Boothcamp tapos ay nagpapaluto kami ng merianda kay Manang Lorna... which is one of our kasambahay slash Cook sa Boothcamp," mahaba kong litana at napatingin ako kay Sandro na nasa isang gilid habang natatawang nakatingin sa akin. Paniguradong tutuksuhin ako nito mamaya pagkatapos ng interview.

"Ayon doon kami kumakain sa sala habang pinag-uusapan ang mga tactics at gameplay ng isa't isa. Siyempre, ang best combo sa pagkain at kuwentuhan itong Lemon Cola para ma-freshen up and ma-cooldown ang emotion namin," humarap ako sa camera at ngumiti. "So guys, if you are having merienda... partner-an ninyo siya ng Lemon Cola!"

"Kahit ang Captain ng Orient Crown at ang reyna ng Hunter Online ay nire-recommend ang Lemon Cola. Lemon Cola, kasama ninyo sa bawat laro!" Natapos ang interview ni Jeko sa akin at doon na ako napatakip ng aking mukha sa hiya.

I mean, okay lang naman na i-promote ang Lemon Cola since iniinom naman talaga namin siya sa Boothcamp. Pero ang awkward pa rin dahil first time kong mag-promote ng isang product and paniguradong ilalabas nila iyon sa kung saan-saang social media platforms.

Lumapit sa akin si Sandro habang natatawa. "Partner-an ninyo siya ng Lemon Cola!" he imitated my voice and my pose.

Inis kong hinampas ang braso ni Sandro. "Alam mo, Father Chicken, ang epal mo."

"Long time no see," Sandro gave me a bro hug. "Sabi ko naman sa 'yo makakabalik kayo sa Professional League ni Dion, eh. Ready ka na ba matalo mamaya?"

"Walang iyakan kapag natalo namin kayo." ganti ko sa kaniya. Dito sa professional league, si Sandro ang isa sa mga pinaka naging ka-close ko kahit galing siya sa ibang team. Tumulong din siya sa charity event na isinagawa ko for Nueva Ecija at isa siya sa mga players na may malalaking nalikom.

"Wala sila Dion ngayon?" tanong niya habang tinitingnan ang mga members ng Orient Crown na nagkukuwentuhan malapit sa waiting area namin.

"Busy sila sa playoffs pero kapag maaga daw natapos ang schedule nila ay manonood sila ng laban ngayon." paliwanag ko sa kaniya.

Tiningnan ni Sandro ang jersey na suot ko. We are both wearing number 1 jersey of our own team. "Nakaka-proud ka lang tingnan. From being the only girl in the Professional league tapos dati lang ay tinutulungan ka pa namin. Heto ka ngayon, you are proving yourself that hindi ka pumasok sa Professional league para magpaganda lang."

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now