Chapter 78: Crossing the Line

16.1K 1.8K 4.6K
                                    

"MILAN, can I court you?" Pag-ulit pa ni Paolo sa kaniyang tanong kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MILAN, can I court you?" Pag-ulit pa ni Paolo sa kaniyang tanong kanina . We are standing in mini forest at nasa amin ang atensiyon ng lahat ng tao rito. Take note, tambayan ito ng mga estudyante sa University namin kapag vacant hour or uwian kung kaya naman ang daming tao na nandito.

I hate the feeling that Pao put me in a difficult situation. I mean cinorner niya ako! Parang ang dating sa akin ay I should say yes because I don't have any choice or if I say no ay mapapahiya si Paolo sa harap ng maraming estudyante including our his friends at ang buong Local student council.

"Uhm..." Nagpa-panic akong kuhanin ang bulaklak at chocolate na hawak ni Paolo. "Thank you for this." sabi ko at iniwasan ang kaniyang tanong. Ako ang nahihiya para kay Gov. kung hindi ko ito tatanggapin. Nagtilian ang mga babae na nandito sa mini forest at may sumisigaw pang Sana ol.

Nasaan ang sana ol dito? All I can picture is a man pressuring me that I should accept his feelings for me. Hindi ako ganoon kakilala ni Gov at feeling ko ay puro good sides ko lang ang nakikita niya. His feelings just depends on the image that I portrayed para magmukha akong approachable sa ibang tao. Hindi niya pa nga ako nakikitang magalit, umiyak, mag-breakdown, or tumawa ng malakas, kahit nga pagdighay ko ay hindi niya pa naririnig, eh.

"Paolo, thank you for this... I didn't expect this, at all." Mahina kong bulong habang magkatapat kami, panigurado akong maraming gustong tsumismis na nandito at pilit makikinig sa pinag-uusapan namin, eh.

Nahirapan akong tingnan si Paolo ng mata sa mata dahil asang-asan siya sa magiging sagot ko. He is just asking if he can court me pero ayoko kasing um-oo at bigyan siya ng hope na mare-reciprocate ko ang feelings niya for me. He created this show and I just wanna be true to myself and I don't want to hurt him more kung bibigyan ko siya ng chance.

"Gov, mabait ka namang tao and you are good conversationalist. Pero kasi..." Nag-isip pa ako ng idadahilan pero parang wala namang reason para magsinungaling pa. I sighed. "No. Sorry." Sinabi ko iyon na kaming dalawa lang ang nakaririnig.

Paolo seems disappointed with my answer. "But can you accept the flowers and chocolates?" mahina niya ring sabi. "I don't want to be rejected painfully in front of everyone."

"Sure." I smiled. "Dami pa diyan Gov."

Biglang sumingit na si Shannah at humarang sa aming dalawa ni Paolo. "Milan, gaga ka, nag-text sa akin ang Coach mo na may practice ka pala ngayong araw. Kailangan ka raw sa Boothcamp." Pinanlakihan niya ako ng mata na parang sinasabi na Girl, um-escape ka na bago pa kayo makagawa ng mas malaking eksena.

Nagmamadali akong umalis sa Mini forest at naghintay ng Bus sa tapat ng Puregold papunta sa SM North. Mabuti na lang at nandoon si Shannah! Paniguradong napansin niyang nagiging uncomfy na ako sa usapan namin ni Paolo kung kaya't pumasok na siya sa eksena.

Umupo ako sa bandang bintana at parang doon lang ako nakahinga ng maluwag. I managed to reject him without embarrassing Paolo. "Naging harsh ba ako kay Paolo?" mahina kong tanong sa aking sarili. Baka nasaktan ko si Paolo ngayon pero mabuti naman at mature siya enough na matanggap na may possibility na ma-reject ko siya.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon