Chapter 63: Invitation

11.7K 1.4K 1.3K
                                    

HINDI ko inasahan ang nangyari at maging si Dion

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI ko inasahan ang nangyari at maging si Dion. Parehas namilog ang mata namin sa biglaang paglapat ng aming mga labi. Dali-dali akong umalis sa pagkakadangan sa kaniya. "Okay ka lang?" I asked while laughing. I tried to hide the fact that it was my first kiss at big deal iyon sa akin.

Aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin. Hindi agad nakabangon si Dion at nagsimula nang lumapit ang mga baranggay officials. Luckily, walang nakakita sa nangyari dahil na rin sa mga dahon noong nakatumbang puno.

"Huy, okay ka lang ba kako?" Tanong ko ulit sa kaniya. "Thanks for saving me, kung hindi ay baka subsob na ako sa putikan ngayon."

Dion blinked his eyes for a couple of seconds bago napaupo. "Oo, okay lang ako. Okay na ako." he said at napabaling ang tingin niya sa akin. "Ikaw, ayos ka lang? Kulit mo kasi, sabing huwag ka nang pumunta sa side na 'to, eh."

Tumayo ako at napatingin sa kaliwang binti ko. "May gasgas lang ako sa binti pero okay lang, hindi naman siya ganoon ka-big deal. Game pa ako sa clean-up drive." Paliwanag ko sa kaniya at iniabot ang walis na hinihingi niya.

"Anong hindi big deal? Baka mamaya mapasukan ng dumi 'yan." Dion called one of the councilor. "Uhm, Ma'am, puwedeng patawag naman po ng medic na naka-standby. May nasugatan dito." Turo niya at inalalayan niya akong maglakad.

Okay, sabi ko ay hindi siya big deal pero noong inihakbang ko na ang paa ko papalakad ay doon ko naramdaman ang kirot.

"Anong katangahan ang ginawa mo, Milan?" Larkin asked while laughing.

"Epal mo, Oppa." Umupo ako sa isang monoblocks.

"Okay ka lang?" Captain Axel asked.

"Oo, okay lang ako, Captain. Nasalo naman ako agad ni Dion." I explained. Mas mabuti na sigurong wala silang alam sa nangyari dahil paniguradong tutuksuhin lang nila kami.

Nakakahiya lang kay Dion kasi... Nahalikan ko siya pero the way na nakikipag-usap siya kanila Larkin at sa akin ay parang wala lang sa kaniya iyon. Sa bagay, hindi naman big deal sa kaniya lalo na't hindi niya iyon first kiss.

"Ingat next time. Ipahinga mo muna saglit 'yang paa mo. Tapos kapag okay ka na ay saka ka na tumulong ulit." Paliwanag sa akin ni Captain. "Halika na Sandro at Larkin, marami-rami pang lilinisin dito."

Dumating ang naka-standby na medic at ginamot ang binti ko. Luckily, hindi naman na-sprained ang paa ko. Tanging sugat at gasgas lang ang inabot ko. Napatingin ako kay Dion na nakatayo sa gilid ko at puro putik ang likod niya.

"Huy, sorry diyan." sabi ko at itinuro ang marumi niyang likod.

He looked at his back. "Ah, wala 'to. May dala naman akong mga damit noong pumunta tayo rito. Makikiligo na lang ako sa evacuation center mamaya." He smiled pero nakokonsensiya pa rin ako. Ginulo ni Dion ang buhok ko. "Baliw, okay nga lang. Kapag okay na 'yong paa mo, tulong ka na ulit. Sayang outfit mo." sabi niya.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now