Chapter 161: Update and Invitation

4.2K 311 45
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

"OUR Baguio trip will be on 23-27 tapos noon ay bababa na tayo then diretso sa Nueva Ecija

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"OUR Baguio trip will be on 23-27 tapos noon ay bababa na tayo then diretso sa Nueva Ecija." Kuya explained habang nag-aalmusal kami. It will be a 5 days stay there so excited na akong mag-spend ng Christmas doon. I also informed Ianne regarding about this and she said that she will visit me once na matapos na ang renovation sa nabili niyang condo unit.

"Baka naman may itinerary ka na agad, Kuya, dalawang linggo pa bago tayo umakyat." Sabi ni Kuya London at humigop ng kape.

"Actually dapat ay gagawa na ako kagabi pero naisip kong baka may gusto kayong puntahan. Kindly message it me na lang then isasama ko sa gagawin kong itinerary." Kuya Brooklyn said while reading a self-help book. "Milan, inform mo na rin si Dion regarding the dates para makapagplano rin siya."

"Yes, Kuya. Can you include Bencab? Gusto kong makapunta roon." Sabi ko kay Kuya Brooklyn.

"Wew. Kunwari art lover." Pang-aasar ni Kuya London.

"Alam mo, epal mo."

"Talagang epal ako." Sagot sa akin ni Kuya.

"Ano bang klaseng bakasyon ninyo? 'Yong full-pack o chill lang?" Tanong ulit ni Kuya Brooklyn.

"Chill lang." Sabay ulit naming sagot ni Kuya London at nag-apir kaming dalawa. Hindi kasi ako fan ng sunod-sunod ang lugar na pinupuntahan maghapon na para bang may oras kaming hinahabol. Usually gusto ko lang ay dalawang tourist spot lang pinupuntahan within the day tapos okay na. Five days naman din kami roon at karamihan naman din ay napuntahan na namin sa Baguio.

Vacation should be relaxing at hindi dapat ini-i-stress nang siksik na itinerary.

"Okay. Inform ninyo na lang ako." Tumayo si Kuya Brooklyn. "London, sasabay ka ba sa akin papasok."

Mabilis na hinigop ni Kuya London ang natitirang kape niya. "Aray ko puta ang init. Sasabay ako, mahal-mahal ng gas mgayon, eh."

Tumingin sila sa aking dalawa. "10:00AM pa class ko. Mauna na kayo, dadaanan na lang ulit ako ni Clyde." Ito yata 'yong perks na may kaklase na malapit lang sa bahay dahil lagi akong may free ride papasok.

"Crush ka pa rin ba niyan? Tibay." Bahagyang natawa si Kuya London sa kaniyang sinabi.

"Ang issue mo. Si Boy Abunda ka ba? Araw-araw bang kailangan mag-fast talk sa 'yo?" Tanong ko.

"Luh, bakit galit? Jokerist ako, eh." Tumawa si Kuya. "Sige na, pabilin na lang kay Manang Tessa na pakainin 'yong dalawang aso ng lunch." Naglakad na sila papaalis ng bahay.

Hindi na rin pagala-gala sa bahay si Forest at River dahil nandito nga ako. Mayroon silang bahay na kulungan sa garden area. Hindi naman sila minamaltrato dito dahil inilalabas ito ni Kuya London pagkauwi niya pa lamang.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now