Chapter 196: Reconnect with Friend

8.5K 403 196
                                    

X: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Votes, Comments, and Sharing the story is highly appreciated. Thank you!

MATAPOS ang apat na oras na biyahe namin ay narating na namin ang Changi International Airport sa Singapore

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MATAPOS ang apat na oras na biyahe namin ay narating na namin ang Changi International Airport sa Singapore. Kabi-kabila ang pag-video na ginagawa ng mga ka-team ko especially 'yong mga first time mag-out of the country.

I mean, sino bang hindi ma-a-amaze sa Changi Airport? This is one of the best airport globally. Dito pa lang sa airport ay kitang-kita mo na ang difference sa estado ng Pilipinas at Singapore. Very advance ang technology at infrastructure nila rito. "Iba talaga ang madalas mag-out of the country. Hindi na naninibago sa Airport." Pang-aasar sa akin ni Larkin noong mapansin niyang hindi ako nag-bi-video.

"Chika mo, first flight ko rin 'to this year." I said at kumuha ng ilang litrato ng lugar. Pero honestly tama naman din si Larkin na ilang beses na rin akong nakapunta ng Singapore lalo na't madali lang naman mag-book ng flight dito and nandito ang Universal Studios.

Pagkalabas namin ng terminal at nakarating kami sa mismong lobby ng airport ay tumambad sa amin ang indoor waterfall ng Changi Airport. Of course, mandatory ang selfie rito. Unspoken rule na nga yata 'yon dito.

Ang mas ikinagulat ko ay ang engrandeng salubong sa amin ng tournament organizer. May malakas na musika mula sa live band, may mga nagsasayaw, at habang naglalakad kami ay sinuotan kami ng bulaklak sa leeg as a sign of welcome dito sa Singapore. I video the whole scene dahil first time ko lang maka-experience ng VIP treatment sa ibang bansa.

"Welcome to our country!" Bati noong head organizer. We greeted him at sumunod sa kaniya papalabas ng airport. May mga camera flash sa paligid para kuhanan ang pagdating ng Philippine team sa Singapore. What makes me kilig talaga ay may mga Singaporean na nakakakilala sa akin at binabati ako.

Pero syempre, si Callie pa rin ang bida at kinukuhanan ng mga press dahil sa pagiging competent player niya globally. Masaya ako sa mainit na pagtanggap nila pero at the same time ay umaakyat na rin ang kaba sa akin lalo na't first hand ko nang nae-experience ang lahat ng ito.

Ibig sabihin nito ay malapit na talaga ang tournament. This will be the biggest tournament sa Esport career namin. Mas umingay ang lahat noong may mga grupo ng players muli ang naglalakad sa lobby ng airport. Napasulyap ako kung sino ang mga ito—the China team.

Mas maraming press ang nakasunod sa kanila. Mas marami ang fans na nakapalibot at ramdam mo talaga ang awra ng China team. I mean, kilala naman talaga ang China na dino-dominate ang kahit anong esports tournament sa kahit anong laro.

Sinubukan kong hanapin si Liu kasi sobrang na-miss ko rin naman siya kaso ay hindi na ako naglakas ng loob dahil baka hindi ito ang tamang timing para mag-usap kami. Contact-in ko na lang siya later kung may free time ako.

"Hoy putanginamo Milan!" Isang sigaw ang narinig halos sa buong airport. Napalingon ako kung saan galing ang boses—kay Liu. He smiled the moment he saw that I am looking to him. "Putangina, hindi namamansin, famous ka?"

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now