MAG-ISA ako ngayon sa balcony sa 5th floor ng Boothcamp at pinagmamasdan ang mga ilaw dito sa village. Honestly speaking, kahit ilang beses na sabihin nila Dion na wala akong kasalanan kung bakit nagalit si Liu... May part sa akin ang nagi-guilty.
Especially na bago lang ako sa grupo at si Liu at magda-dalawang taon. Para kay Liu ay malaking bagay ang bawat kumpetisyon at feeling ko, in a snapped ay inagawan ko si Liu ng bagay na sobrang importante sa kanya unintentionally.
Matagal din silang nag-usap ni Coach sa Meeting Room, paano ko nalaman? Bumababa kasi si Oli para kunwaring kukuha ng tubig sa kitchen pero ang totoo ay nakikitsismis kung ano ang nangyayari sa Meeting room. Baliw talaga, eh.
Naputol ang aking malalim na pag-iisip noong marinig kong bumukas ang sliding door papasok dito sa balcony. Nakita ko si Liu na may hawak na Stic-O. "Yoh." Sabi niya at itinukod ang kanyang braso sa bakod.
"Liu..." Mahinang tawag ko sa kanya ay bumaling ang tingin ko sa mga sasakyan na dumadaan sa ibaba.
"Sorry." Sabay naming sabi ni Liu. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas mahinang natawa.
"No, it's not your fault." Sabi niya at kumagat sa Stic-O na kanyang hawak. "Bawal ka sa amoy ng yosi kaya pagtitiyagaan ko muna 'tong Stick-O na bigay ni Renshi."
"Sorry." Pag-ulit ko.
"Kulit, amputa." Naiiling niyang sabi.
"No, feeling ko kasi inagawan kita bigla. Ako 'yong ipa-priority na i-sub kahit bago lang ako sa grupo. Feeling ko bigla kong tinapakan 'yong ilang buwan o taon ninyong training." Pag-amin ko.
"Hindi naman ako nagalit sa 'yo. Nagalit ako sa desisyon ng management. Siguro ang pangit lang din nang pagkakasabi ko kanina dala ng galit. Pero sorry." Kumakamot sa ulo na sabi ni Liu.
Tumingala siya at pinagmasdan ang iilang bituin sa kalangitan. "Dumating na ako sa point kanina na kinukuwestiyon ko na 'yong galing ko as a player. Hindi ba ako effective na fighter sa team at hindi ako ipinapasok sa lineup? O kaya naman, baka pangparami lang ako sa Players ng Battle Cry para masabing 20 players ang team, o baka... Sinali lang ako para may maipanlaban sila sa maliliit na kumpetisyon para hindi mapahiya ang mga inaalagaan nilang players."
"Liu... Hindi totoo 'yan,"
"I know." He chuckled. "In-explain na sa akin ni Coach kanina. Tama naman siya, kaya mong mag-shotcall at isa pa, Assassin si Axel kung kaya't mas okay kung Assassin din ang papalit para hindi makalito sa play style." Paliwanag niya.
Tumingin sa akin si Liu. "You know... My thoughts were clouded earlier. Nawalan ako nang pakialam kung may masaktan akong ibang tao dahil nasaktan din ako. Sorry." Sabi niya sa akin.
"Ipapasok ka rin ni Coach sa lineup. Nakasama na kita sa ilang quest at nakita ko ang galing mo as a player, Liu. Makikita rin ng management ang mga bagay na hinahangaan ko sa 'yo." Seryoso kong sabi sa kanya.