Chapter 79: Be Bold, Gold!

3.9K 252 36
                                    

Accidentally deleted this chapter (pota buti na-retrieve ko pa, kabado bente). gonna reupload lang this chapter today.

BATA pa lamang ako, pangarap ko nang maging isang novel worthy 'yong love confession ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BATA pa lamang ako, pangarap ko nang maging isang novel worthy 'yong love confession ko. Alam ninyo 'yon? 'Yong kapag kinuwento ko sa ibang tao ay kikiligin sila? Kaso... napaamin ako sa gitna ng pagtatalo namin ni Dion!

Hindi man lang sa isang theme park sa tapat ng carousel or habang nakasakay sa Ferris Wheel, hindi man lang sa gitna ng ulan, wala man lang magandang music or scenery. Just a confession in nonsense argument! Bakit ba kasi ang dalas naming magtalo na dalawa?

Pero hindi ako pinatulog noong pagtatalo na iyon. Para bang noong nakahiga ako sa kama ay doon ko lang na-digest ang sinabi ni Dion. He likes me, not as his partner in game, not as a friend... He likes me.

Ginulo ko ang aking buhok habang nasa harap ng hapag-kainan. Nilapag ni Liu ang lugaw na ni-request ko. "Laki ng problema mo, Boss Madam, ah?" he chuckled.

Hindi rin naman kasi nabigyang linaw ang lahat kagabi.

"I like you, Milan, matagal na."

Tuluyan nang nanlambot ang aking mga tuhod at napaupo sa swiver chair. Napahawak ako sa aking dibdib dahil hindi nawawala ang mabilis nitong pagtibok. Pinahid ko ang luha ko.

"P-Pag-usapan natin 'to pagkatapos ng playoffs at tournament. Let's prioritize the team first." I said while avoiding his gaze.

Napakamot si Dion ng kaniyang ulo. "Mukhang hindi nga ito ang perfect timing para umamin. But I am not backing out, I already said the words. I like you, more than as a friend. Susugal na ako." He said at binuksan ang pinto.

Pagkabukas niya ng pinto ay napaayos ng tayo sina Liu at Noah na kanina lamang ay nakatapat ang mga tainga sa pinto. "N-Nagwawalis lang kami. Ang dumi pala dito sa second floor, ngayon ko lang nalaman." Dahilan ni Liu pero wala naman siyang hawak na walis.

Dion sighed and looked into my direction again. "Pag-usapan natin 'to pagkatapos ng tournament at playoffs. Let's quit beating around the bush." he said and I slowly nodded "Sorry rin sa mga nasabi ko kanina. Alam mo naman na kung ano-anong mga salita ang nasasabi ko kapag galit ako."

For the first time! Nawalan ako ng lakas na makipag-argumento kay Dion. I lost for words, daig ko pa ang estudyanteng natawag sa recitation ng walang alam sa topic. "Hmm... Sorry din."

He left the room at doon ako naghabol nang paghinga. Tumingin sa akin sina Liu at Noah. Liu smiled. "Huy batang scammer, matulog ka na para tumangkad-tangkad ka naman." Inangkla ni Liu ang braso niya sa leeg ni Noah at kinaladkad na pababa.

Tumayo ako at isinara ang pinto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at hindi ako nakatulog dahil iniisip ko ang mga sinabi sa akin ni Dion.

"Guys pagkatapos daw kumain ay magpa-practice na ang mga kasali sa tournament bukas!" sigaw ni Robi at doon lang ako nabalik sa huwisyo.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now