Chapter 32: Striker Class

11.5K 1.2K 781
                                    

"KUYA, mag-iingat ka roon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"KUYA, mag-iingat ka roon." Paalam ko sa kanya habang nasa labas na kami ng NAIA para ihatid si Kuya Brooklyn papunta sa New Zealand.

Honestly, anong oras din kaming nakatulog nila Kuya kagabi dahil sinulit na namin ang natitirang oras kasama si Kuya Brooklyn. We played Tekken, Billiards (kahit hindi ako sanay), tapos ay nagkuwentuhan kami.

We knew, three months lang si Kuya sa New Zealand pero first time namin na may family member na malalayo ng ganoon.

"I will." He said at kinuha ang luggage niyabsa likod ng kotse. "Ikaw ang mag-iingat palagi since pumupunta ka sa Maynila every week days."

Napatingin ako kay Kuya London at mahinang napatawa. "Kuya, naiiyak ka na naman."

"Gago, hindi ako naiiyak. Ang dami lang dumadaan na sasakyan. Mausok." Dahilan niya.

Si Kuya London ang pinakasiga sa aming magkakapatid pero siya naman ang pinakamababaw ang luha. Feeling ko nga siya ang original sad boi, eh.

"Milan, alam kong komportable ka sa Battle Cry pero lagi mo pa rin iingatan ang sarili mo sa Boothcamp. They are all nice and they treat you well pero huwag mong kakalimutan na mag-ingat ka pa rin." Napatango ako sa sinabi ni Kuya Brooklyn. Ginulo ni Kuya ang buhok ko. "Ipanalo ninyo ang Summer Cup, gusto ko ay pagbalik ko ay mapapanood ko na kayo sa Season 4 ng Hunter Online Tournament."

Sunod na kumausap sina Mom kay Kuya. Of course, typical Mom, ang dami niyang binilin kay Kuya na huwag pabayaan ang sarili, kumain sa tamang oras, at siguraduhing makakakuha lagi ng sapat na tulog araw-araw.

"Kuya, anong oras na, pumasok ka na." Sabi ni Kuya London habang nakatingin sa wristwatch niya. "Baka ma-late ka pa sa flight mo, ang dami pa namang process sa loob." Sabi ni Kuya.

Kuya Brooklyn pulled his luggage and ready his ticket for entrance. "See you sa September." Kuya said.

Malungkot na ngumiti sa akin sina Dad. "Halika na," aya nila.

"Dad, hindi po ako sasabay pabalik ng Bulacan ngayon." Paliwanag ko. "Babalik po akong Boothcamp."

"Sunday pa lang, ah." Mom stated.

"Kailangan ko pa pong magsanay para makasabay kanila Oli. Especially ngayon, may tournament ulit next week. Gusto kong maging pulido 'yong laro ko." Paliwanag ko sa kanila.

Mom weakly smiled. "Lumalaki na nga talaga kayo. Mag-iingat ka roon pabalik. Anong sasakyan mo?"

"Magbu-book na lang po ako ng grab." Paliwanag ko.

"Oh sige, mag-chat ka sa amin kapag nakarating ka na sa Boothcamp. Mag-attach ka ng picture para makasigurado kami." Sabi ni Dad sa akin bago sila ulit sumakay sa kotse. Kinuha ko ang maliit kong bag sa kotse na naglalaman ng mga gamit ko at 'yong nerve gear ko na pinakaimportante sa lahat.

"Tangina ninyo, ako na ang batas sa bahay." Nakangising sabi ni Kuya London bago sumakay at napailing na lang ako. Wala si Kuya Brooklyn, malaya niyang mapapakialamanan 'yong mga PS5 games ni Kuya na nasa kuwarto niya.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now