Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV

5.7K 523 416
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20.

Sharing the story in tiktok, facebook, or any SocMed platforms is highly appreciated. Thank you!

NAALALA ko pa 'yong mga sinabi sa amin ng mga critics at mga game analyst na we don't stand a chance against Black Dragon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAALALA ko pa 'yong mga sinabi sa amin ng mga critics at mga game analyst na we don't stand a chance against Black Dragon. They keep saying that na hindi matatapatan ng isang rookie group ang well-established career ng Black Dragon sa Hunter Online. But look at Black Dragon now... confused and their confidence slowly shattering dahil naguguluhan sila sa mga nangyayari.

I want to prove to anyone who doubt us na hindi lang kami Callie and friends, hindi lang kami 'yong Rookie group na pinuputakte ng mga issues. Gusto kong ipakita sa lahat na kami 'yong mga players na pinabayaan ng kaniya-kaniya naming team dahil hindi kami magaling, gusto kong ipakita na ang mga members namin ay kahit mga baguhan ay kayang makipagsabayan sa mga beteranong players ng HO basta nabigyan ng sapat at maayos na training.

I want to show to them that at the end of the game, we are the one who will wear the crown and win the title.

[Orient Crown] Shinobi: Skorpion and Rufus, use smoke bomb in 5 seconds. Kapag kumapal na ang usok, move from R3 to UR3, make sure that hindi kayo mapapansin ng kahit sinong Black Dragon.

[Orient Crown] Rufus: Noted, Captain.

I checked the other part of the map. Nakita ko kung paano gumawa ng mataas na wall si Vegas gamit ang mga bato at tinutulungan siya ni LastGuardian na masangga ang bawat atake na binibitawan ng grupo ni Skullex.

As soon as I see na nakatakas na si ShadowChaser ay mabilis na akong nag-command kanila Vegas. We should maintain this momentum, walang nagiging aggressive, walang selfish actions. In this way, we can possibly win against Black Dragon.

"Okay, nakatago na si Juancho." Pagkausap ko sa aking sarili.

[Orient Crown] Shinobi: LastGuardian, gradually move back dahil kalahati na lang ang health bar mo. Vegas, protect for few more seconds then sumunod ka na kay LastGuardian.

[Orient Crown] Shinobi: Rufus and Skorpion from UR3 move to L1. Standby for the meantime and heal yourselves para ma-restore ang buhay sa health bar ninyo.

Malamig ang hangin na tumatama sa akin dahil sa taas ng tore ngunit hindi ko ito alintana. If I can't fight them physically, I will use my brain as our advantage for this match.

I watched them move and follow my instruction. Kinabahan pa ako noong tinamaan si Vegas ng isang skill mula sa mage ng Black Dragon ngunit mabilis naman siyang nakabawi. Mabilis niyang sinangga ang mga sumunod na atake at naglikha ng mataas na stone wall. Napangiti ako sa mabilis na aksyon na ginawa ni Vegas. Nagkapat siya ng maraming smoke bomb upang hindi siya makita ng mga kalaban at tuluyang tumakas.

"Okay." Napangiti ako noong matagumpay namin ma-execute ang plano. They managed to escape the situation. "Dahil nasa M2 ang karamihan ng members ng Black Dragon and their attention is in R3. The safest place will be L1."

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now