Chapter 150: Before the War

5.4K 437 137
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

MALAYO pa kami sa MOA arena ngunit ang dami ko nang nakikita na mga tao na tumutungo sa venue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MALAYO pa kami sa MOA arena ngunit ang dami ko nang nakikita na mga tao na tumutungo sa venue. Some are wearing a Black shirt to support Black Dragon, gray for Phantom Knights, while Yellow for Orient Crown. Mas magarbo rin ang disenyo ng buong mall dahil grand finals na ngayong araw. May mga banners na mukha naming players, may mga lobo, may light stick pa nga na para bang kpop group ang panonoorin nila.

Pinakakinilig ako noong makita ang tarpaulin naming Orient Crown na kung saan nakalagay ang mga mukha namin. Pinicture-an ko nga ito at in-IG story ko lang na may caption na 'Grandfinals day!' Wala pang ilang segundo ay inulan na ako ng good luck messages from fans.

Habang umiikot na kami para makapunta sa likod na bahagi ng arena ay napakahaba na ng pila papasok sa entrance. Mula sa silhouette ng kurtina ng bus ay nakita kong kumaway ang ibang mga tao noong makita ang sinasakyan namin. Gusto kong mag-hi back pero utos ni Sir Theo na huwag daw kaming mag-e-entertain ng mga tao sa pila. Baka raw magkaroon ng stampede dahil sa biglaang kumpulan which is naintindihan ko naman dahil ang lala talaga ng dami ng tao.

May mga media rin na nagre-report para sa mga morning news nila.

"Ganito ba talaga ka-big deal ang Grand finals?" Tanong ko sa sarili ko. I mean napanood ko naman 'yong season 3 sa TV pero ibang level 'yong hype niya sa actual.

"Ito ang pinakamalaking esports game sa Pinas ngayon. Talagang maraming pupunta." sabi ni Dion sa tabi ko.

Pumoposisyon na 'yong bus para makadaan kami sa backstage. Kahit sa backstage ay may mga nakaabang na fans.

Nagsitayuan na kami para kuhanin ang mga gamit namin. "Ilapag ninyo lang muna 'yong gamit ninyo sa assigned room sa atin tapos dumiretso na kayo sa rehearsal para sa opening." sabi ni Sir Theo. "Milan, any words for your team mates?"

"Oo nga, Captain, motivate mo naman kami!" sumbat pa ni Larkin.

"Tse!" natawa sila sa reaksiyon ko. Huminto sila sa mga ginagawa nila. "Oh my God, naghihintay talaga kayo ng speech?"

"Ay wala na akong gana maglaro, 'di ako minotivate ni Milan." Epal ni Kaizer.

"Buwisit." I sighed. "Pero gusto ko lang din magpasalamat sa inyong lahat dahil sa friendship na build up natin. I know, hindi naman ito ang huling tournament na magkakasama tayo pero masaya ako sa layo ng narating natin. We reached this far already, ano ba naman 'yong extra push sa mga sarili natin para makamit ang championship, hindi ba?" Hindi ko nga alam kung namo-motivate sila sa sinasabi ko dahil feeling ko ang sabaw ng lumalabas sa bibig ko (nahahawa na ako kay Dion na lutang sa umaga).

"Basta sa mga match na natitira ngayong araw. Ibigay na natin lahat. Proud ako sa inyo, always." They all smiled at inilatag ko ang kamay ko. "Be bold,"

Ipinatong nila ang kamay nila. "Gold!" We shouted at malakas na tumawa.

Nakangiti lang si Coach at Sir Theo sa amin. "Naaalala ko 'yong kabataan namin sa inyo."

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon