Chapter 8: Game Plan

12.7K 1.2K 327
                                    

"KUYA, puwede bang huwag muna akong sumama ngayon?" Pakiusap ko kay Kuya London habang hinahatak niya ako pabangon sa kama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"KUYA, puwede bang huwag muna akong sumama ngayon?" Pakiusap ko kay Kuya London habang hinahatak niya ako pabangon sa kama. I thought gusto lang nila ako isama sa jogging nila kahapon for siblings bonding pero hindi ko inasahan na aaraw-arawin talaga namin ito.

"Kailangan nang exercise ng katawan mo, Milan. Especially that you are playing Hunter Online, ang tagal mong nakahiga sa kama." Sermon niya sa akin.

"Pero Kuya, ang sakit pa ng binti ko." Napaupo na ako sa kama at kinusot ang aking mata. "Anong oras din ako nakatulog kagabi kasi in-annalyze ko 'yong map and strategies ninyo kagabi."

"Mawawala rin 'yang sakit ng katawa mo kapag inaraw-araw mo. Sumunod ka na sa baba." He said at naglakad na papunta sa pintuan. "Sumunod ka na, kung hindi ay si Kuya Brooklyn ang tatawag sa 'yo. Iyak kang bata ka panigurado."

Padabog kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin at narinig ko pa ang tawa ni Kuya London. Lagi niya talagang panakot si Kuya Brooklyn sa akin.

Panganay kasi si Kuya Brooklynand trust me! Mas OA pa siyang magsermon kaysa kanila Mommy at Daddy.

Nagpalit na ako ng workout clothes ko at sumunod sa kanila sa baba. Naghilamos lang ako at after jog na lang ako maliligo.

Nasa tapat kami ng bahay at nag-i-stretching. Grabe, nanghihina talaga ang binti ko dahil sa sakit. Ganito pala 'yong feeling na nag-exercise ka after a long time, no? Feeling ko baldado ang binti ko ngayon.

"Nakakuha ka ba ng informations sa stream ko kahapon?" Tanong ni Kuya London habang nagja-jumping jacks sila ni Kuya Brooklyn. Hindi nila ako mapapaganoon, sakit kaya ng paa ko!

Nakaupo lang ako sa kalsada habang hinihintay silang matapos. "Oo sinend ko kanila Clyde 'yong mga sinulat ko sa notebook. Well, kahit papaano ay naaral ko 'yong map and alam ko na 'yong mga spot na hindi naman ganoon kaimportante sa quest."

"Kung balak ninyong makakuha ng mga items at lumevel up ng mabilis. I suggest na libutin ninyo 'yong map. Pero kung balak ninyong talunin 'yong record ng Battle Cry ay bilisan ninyo na lang ang pagpatay sa mga monsters. More on objectives." Payo sa akin ni Kuya London.

Nagsimula na kaming tumakbo, and as usual, nagrereklamo sila kasi ang bagal ko daw. Pero nakakatuwa ngayon dahil parang ang dami na naming bagay na napag-uusapan nila Kuya.

I mean, close naman kami dati pa pero noong naglaro ako ng Hunter Online ay lagi nilang kinukumusta patungkol sa paglalaro ko. And then ngayon, nagja-jogging din kami ng magkakasama.

Pagkaliko namin sa isang kanto ay nakita ni Kuya Brooklyn si Clyde na nagja-jogging din. He's wearing a White Adidas sport shirt and a black jogging pants. May earpods din sa kanyang tainga na tinanggal niya lang noong nakita niya kami.

Naunang tumakbo si Kuya Brooklyn para sabayan si Clyde. Napatingin ako kay Kuya London at may malaking ngisi sa kanyang mukha.

"Kuya, ayan na naman 'yong ma-issue mong ngiti. Umagang-umaga, ha!"

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now