Chapter 181: The Brothers and Offer

3.2K 348 109
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciates.

"IKAW naman pala may kasalanan Kuya Brooklyn kung bakit nandito si Milan ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"IKAW naman pala may kasalanan Kuya Brooklyn kung bakit nandito si Milan ngayon." Sa pagkakataong ito ay nabaliktad naman ang sitwasyon at si Kuya London naman ang nagsesermon kay Kuya Brooklyn.

"Sorry na nga." Sagot ni Kuya Brooklyn sa kaniya. "Nakalimutan kong sagutin si Milan na okay ka lang. May online meeting akong kailangang attend-an kanina." Dugtong niyang paliwanag.

Kinain ni Kuya London ang isang ubas na para siyang gangster. "Eh paano gagawin mo niyan, Kuya? Nandito na ngayon si Milan. Sa kuwento mo yata ay parang fifty-fifty na ako at mamamatay na sa ospital. Napauwi tuloy ng Bulacan."

"Sorry na nga 'di ba?!" Reklamo ulit ni Kuya Brooklyn.

"Sorry na nga 'di ba." Kuya London imitated Kuya Brooklyn's voice but in a mocking way.

"Kuya nagagawa mo pang magbiro ng ganyan. Puro ka galos, may cast pa 'yong paa mo. Akala mo ba joke time 'yang sitwasyon mo?" Inis kong tanong at mahina kong hinampas ang kaniyang braso. "Grabe kaya ang pag-aalala ko sa 'yo."

"Okay lang ako. Ako naman din ang may kasalanan kasi bigla akong sumulpot sa kanto kakahabol kay Forest. Ito lang si Kuya Brooklyn ang makulit na ipa-ospital ako at ipa-CT scan." He explained.

"London, hindi ka nga okay physically. Okay nang pina-CT scan ka dahil baka mamaya ay may mga internal damages ka at mangisay ka na lang mag-isa sa bahay pag-uwi." Paliwanag ni Kuya Brooklyn.

"What a joke Kuya." Biglang pinitik ni Kuya Brooklyn and tainga ni Kuya London. "Aray ko! Ang sakit no'n, ah!"

"Gumaganyan ka pa. 'Yong mga meeting mo ang isipan mo ng paraan paano mo magagawa. You can't cancel that lalo na't may pupuntang onshore team sa inyo sa Davao." Sabi ni Kuya Brooklyn kay Kuya London.

Pinanood ko lang silang magbangayan at napangiti. Naputol ang pagtatalo nila noong mapatingin sa direksyon ko. "Ba't parang naiiyak ka riyan?" Natatawang tanong ni Kuya London. "Mukha kang natatae ri—"

Hindi na natapos ni Kuya London ang kaniyang sinasabi dahil mahigpit ko silang niyakap ni Kuya Brooklyn. "I am just glad that you are both okay." Wika ko. I grew up with them and they spoil me so much in different ways.

Both of them smiled and also hugged me.

Naputol na lamang ang drama namin noong nakarinig kami noong tunog ng camera. Paglingon namin ay nakatayo sina Mom and Dad habang nakangiti. "Dapat pala lagi kang naaaksidente London para maging sweet kayong ganiyan." Buro ni Dad na may hawak na basket ng prutas.

"Dad anak mo ko, huy. Baka nakalimutan mo." We burst our laughed. I just missed them.

I had my time with my family at kinausap sila ng ilang minuto. Napag-alaman kong si Kuya London nga ang mali dahil hindi siya tumitingin sa tinatakbuhan niya noong hinahabol niya si Forest kung kaya't nabunggo siya ng kotse.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now