Chapter 112: Victorious Moment

7K 746 311
                                    

PAGKATANGGAL ko ng nerve gear ko ay malakas na sigawan ng mga kagrupo ko ang aking narinig sa buong boothcamp

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


PAGKATANGGAL ko ng nerve gear ko ay malakas na sigawan ng mga kagrupo ko ang aking narinig sa buong boothcamp. Hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin ang aking kamay at malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa nangyaring laban kanina.

Lumapit sa akin si Dion at tinulungan akong makatayo mula sa incline chair. "We won... right?" I asked for confirmation.

Dion smiled and ruffled my hair. "Nagawa natin. Nakuha natin ang isang spot para sa Season four tournament."

Mahigpit akong napayakap kay Dion. "Nagawa natin." May mga luha nang bumagsak mula sa aking mga mata. Dito lang tuluyang nag-sink in sa akin na natalo namin ang Battle Cry, we will advance to the actual part of the game.

Masaya ako dahil nagawa namin ni Dion ang matagal na naming mina-manifest. Nasa Battle Cry pa lamang kami ay pangarap na naming makapasok sa Season four tournament, Noong natanggal kami ay ganoon pa rin ang pangarap namin. Ngayon, we just made it. It took us a couple of months, natagalan man pero nagawa naming makapasok sa tournament na matagal na naming gusto.

"Best Captain." Dion said at mas mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.

"Best tank." I answered back at pinunasan ang luha sa aking mata. "Huwag kang chika diyan, hindi ko nakakalimutan 'yong pustahan nating samgyupsal. Ikaw ang na-eliminate sa ating dalawa."

"Awit naman, sakit sa bulsa." Parehas kaming natawa ni Dion.

Lumapit na rin ang iba naming kagrupo sa Battle Cry at gumawa kami ng isang malaking bilog, magkakahawak kami sa balikat at tumatalon papaikot. It's a victorious moment for us. Para kaming mga tanga na umiiyak habang tumatawa, but who cares? This is the fruit of our months training, sa dami nang mabibigat na nangyari, ito kami, hindi pa rin nawawala sa karera papunta sa tropeo na matagal na naming inaasam.

"Be bold!" I shouted.

We stomped our right foot together (puwera kay Noah na kaliwang paa ang ginamit, oh well). "Gold!"
Pumasok sina Sir Theo sa training room at binigyan kami ng mainit na yakap isa-isa. "Good job, team! Good job!" He shouted at kitang-kita sa mata nila ni Coach Russel ang saya para sa amin. "Magbihis kayo, tonight, kakain tayo sa buffet. We will celebrate this win."

Mas lalong lumakas ang sigawan ng lahat.

"'Yong pitong lumaro, may interview kayo in 10 minutes about sa kung anong naramdaman ninyo sa laban. Tandaan ninyo, huwag kayong magmumura o magsasabi ng mga racist words, live 'yon." Paalala sa amin ni Sir Theo. "Especially you, Callie, bawasan mo ang pagiging mahangin mo. At ikaw Noah, huwag mong i-idolize si Callie sa kayabangan."

"Luh?" sabi ni Noah. "Coach, malakas lang talaga kami, hindi mayabang tawag doon. Ang tawag doon ay proud." Pinaganda at ipinaglaban niya pa talaga.
"Okay team, magbihis na kayo!" sigaw ko dahil baka kung saan pa mapunta ang kayabangan nilang dalawa. I can see Noah as the future Callie of the game, magaling pero saksakan ng hangin. "'Yong mga wala sa interview mamaya, magbihis na kayo para sa pag-alis. 'Yong may interview, make your self presentable in front of camera, okay?"

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now