Chapter 168: Baguio Trip III

4.1K 303 139
                                    

Twitter: Hashtag #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, Comments, and sharing the story is highly appreciated.

Votes, Comments, and sharing the story is highly appreciated

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NAGDALAWANG sasakyan pa kami papunta sa Bencab. Magkakasama sina Mom, Dad, Kuya London, Kuya Brooklyn, at Ate Princess doon sa kabila. Kami naman nila Sandro, Dion, ako, at Ianne ang magkakasama sa kotse ni Ianne. Trust me! Grabe ang awkward ng sitwasyon lalo na't may past itong dalawang kasama namin.

"Why you guys look so stiffed?" Natatawang sabi ni Ianne habang focus siyang nagda-drive. Ako ang nasa shotgun seat habang nasa back seat sina Dion at Sandro. "We are both okay already. Napag-usapan na namin ni Sandro ang tungkol doon at may closure na rin naman. Right, Sandro?"

"H-Ha?" Napaayos ng upo si Sandro. "Oo, past is past. Nandito lang talaga ako sa Baguio para magbakasyon."

Okay... katahimikan muli ang nanaig sa sasakyan.

"A-Ano, ako na ang pipili ng music," pambasag ko sa katahimikan. "Connect ko sa bluetooth nitong kotse phone ko. Okay lang?"

"Sure, go lang." Ianne said. Grabe, ngayon ko masasabing okay na si Ianne dahil ang cool niya na lang.

I played Promise Sorry Note by Yumi Lacsamana since LSS ako dito lately.

"Yumi?" Ianne asked.

"Kilala mo rin siya?" I amusingly asked.

"Oo, underrated pop artist. She have a good discography, sana lang ay ma-appreciate siya soon." Huminto si Ianne sa stoplight.

Habang naghahanap ako ng sunod na kanta na ipe-play ay naka-receive ako ng chat mula kay Dion.

Dmitribels:
Okay ka lang diyan? 😂

Bogus:
Ramdam ko 'yong awkward atmosphere sa kanilang dalawa.

I don't have any idea on how I will break the ice.

Dmitribels:
Just talk how you usually talk... I guessed?

Pero huwag mo lang sana gawin 'yong ginawa ni Shannah na susubukan na pagbalikin silang dalawa.

Mas awkward lang 'yon.

Bogus:
Hindi pa ako kasing gaga ni Shannah 😂

But, yeah, let us be ourselves. We are here naman para mag-enjoy.

"Ianne, so how's Baguio, so far?" Tanong ko dahil ayon kay waze ay 15 to 20 minutes pa ang biyahe papunta sa bencab.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon