Chapter 36: Announcement

11.6K 1.2K 1.4K
                                    

Thank you twitter pips for this awesome Illustration of Dion!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you twitter pips for this awesome Illustration of Dion!

"SIGURADO ka bang kaya mong gawin 'yong interview?" Tanong ni Dion at iniabot sa akin ang Ibuprofen at isang baso ng tubig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SIGURADO ka bang kaya mong gawin 'yong interview?" Tanong ni Dion at iniabot sa akin ang Ibuprofen at isang baso ng tubig. Alas-otso na pero hindi pa rin ako bumabangon sa kama. Mamayang 10 ay aalis na kami para pumunta sa Stargame at wala pa rin akong nagagawa hanggang ngayon.

"Nakakahiya kay Coach kung bigla akong magba-backout dahil lang masakit ang puson ko." sagot ko kay Dion at ininom ang gamot na ibinigay niya.

Hindi ko siya inistorbo this time dahil kaninang bandang alas-siete ay siya na mismo ang kusang nag-chat sa akin if okay lang daw ba ako at siya rin ang bumili ng gamot sa malapit na Botika.

"Maiintindihan naman ni Coach 'yon,"

"Kaya ko." I seriously said.

"Chill ka lang. Hindi kita inaaway." he seriously said.

Inilagay ko ulit ang hot compressed  sa bandang puson ko. "Sorry. Mamaya kapag umepekto na 'yong gamot ay magiging okay din ako. If ever matarayan kita mamaya o kahit bukas, sorry agad. Ang lakas lang makainit ng ulo nitong period."

"Thank you po for the advance reminder. Bababa na ako. Kung may kailangan ka, chat ka sa akin o kaya kay Oli." Sagot ni Dion sa akin at lumabas ng room.

Hinintay kong maging okay ang pakiramdam ko bago ako gumayak for the interview. Hindi talaga ako nagre-rely sa mga pain reliever medicines pero iba ngayon dahil may kailangan kaming gawin at puntahan. 'De bale, kapag balik na pagbalik namin sa Boothcamp ay matutulog agad ako.

Sinuot ko ang jersey pants ko at inilagay sa duffle bag ang jacket at jersey shirt ko. Magpapalit na lang ako mamaya sa Stargame dahil ang init suotin ng Jersey namin.

Paglabas ko ay bumaba ako sa sala para hintayin sina Coach. Nadatnan ko pa sina Gavin na nanonood ng mga match ng Spark Again.

"Napansin ko madalas silang gumawa ng mga surprise attack habang nagtatago-tago sa mga bahay-bahay." Sabi ni Gavin at nagsulat sa notebook niya.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon