Chapter 134: Our Card

4.3K 451 271
                                    

"CAPTAIN! Uwian mo ko ng pagkain, ah! Saka chocolate!" Malakas na sigaw ni Noah noong makasakay na sila ng bus

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"CAPTAIN! Uwian mo ko ng pagkain, ah! Saka chocolate!" Malakas na sigaw ni Noah noong makasakay na sila ng bus. Hindi niya talaga alintana kahit pa may mga fans na nandito sa parking para mag-abang sa pag-alis namin.

"Noah, kakain ako kasama ang pamilya ko rito sa MOA, hindi ako mag-a-abroad." I informed him.

"Chocolate lang, Captain." Pagpupumilit niya pa,

"Ang ingay mo." sabi ni Genesis sa kaniyang tabi at isinalpak ang earphone niya sa kaniyang tainga.

"Ang inggitero mo naman bespren. Narinig mo 'yon, Captain? Pati raw si Genesis ay uwian mo!" Noah shouted happily. God, bakit ba sa ganiyang edad ay punong-puno siya ng energy? Noong ganiyang edad ako ay nakakulong lang ako sa kuwarto at nagbabasa ng mga fiction books o 'di kaya naman ay nakikinig ng mga self-improvement podcast.

"Sige na, Milan, pumunta na kayo ni Dion sa mga kuya mo. Tandaan ninyo dapat ay alas-siete ay dapat nasa bootcamp na kayo. Paplanuhin pa natin ang mga gagawin natin para manalo sa Daredevils." Bilin sa amin ni Sir Theo. He tapped the bus. "Mang Ramille, halika na po. Pabalik po sa bootcamp."

Umalis na sila at naiwan kami ni Dion sa parking lot. May ilang fans na naghintay dito na pinaulakan naman namin magpa-picture at noong nakaalis na sila ay nagsuot kami ni Dion ng jacket (to hide our varsity) and a cap para hindi kami takaw-tingin sa mga tao.

"Tara?" Aya ko kay Dion, inilatag ko ang aking kamay.

"Tara." Natatawa niyang sabi at hinawakan ang aking kamay.

We both swayed our hand as we walked towards the seaside of MOA, actually medyo mainit pero nalalabanan naman ito ng malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Also maraming tao sa seaside (as always naman) pero sana gumana itong disguise namin ni Dion.

"Kailan ba tayo ulit nakalabas ng ganito kagaan sa pakiramdam?" Dion asked. "Ang tense mo lagi dahil sa competition, eh."

"Chika mo. Feeling ko naman ay okay ako this week, ah!"

"Luh?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Sa tuwing magkasama tayo ay either pag-uusapan natin ang tournament mismo, ang makakalaban natin na team, mga tactics ng kabilang kalaban, at mga effective battle plans. Purgang-purga ako na pag-usapan ang Hunter Online sa maghapon."

Doon ko na-realize na tama nga si Dion. "Ang weird ba? Am I too focus on the match?"

"Hmm." Dion agreed. "But I really don't mind. Tinutukso lang kita ngayon. Minsan nga kapag napapatingin ako sa 'yo habang nagdi-discuss ng plano ay sa isip-isip ko shet, dine-date ko ba talaga 'tong hanep na babaeng 'to?" Pagbibiro niya habang pinisil ang aking kamay.

"Chika mo!" Mahina kong tinunggo ang kaniyang braso. "Pero actually gusto ko 'yong tension na nararamdaman ko. I don't want to loosen up. I mean, for me, personally ay okay lang na ma-weird-an ang tao sa akin dahil gusto ko 'yong level of focus ko sa matches ngayon. I am the leader at gusto kong maramdaman ng buong team na I am dependable. A week of sacrifice."

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now