Chapter 72: Rookie Tournament

11.2K 1.5K 1.2K
                                    

HINDI pa nagsisimula ang tournament at nasa standby area ang lahat ng team

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI pa nagsisimula ang tournament at nasa standby area ang lahat ng team. Hindi naman sa pagiging judgmental pero hindi ko kilala ang mga team na nandito, definitely, itong competition na ito ay para sa mga Rookie team na gumagawa pa lamang ng pangalan.

Since sa function room gaganapin ang mga match. Hindi muna nagpapapasok ang mga guards ng mga manonood ( 1PM pa ang start ng tournament) so may time pa ang mga players na nandito na mag-usap-usap.

I kinda missed the feeling of the tournament dahil matagal-tagal din kaming napahinga. Na-miss ko ang malakas na sigawan ng mga tao, 'yong pressure, 'yong buong atmosphere.

"I know this is a rookie competition at hindi kayo gaanong kinakabahan pero tandaan ninyo na huwag ninyong lalaru-laruin ang tournament na ito." Napatango-tango kami sa sinasabi ni Coach Russel sa amin. "Tandaan ninyo, baka may potential sponsor ang nanonood ng match ngayon. Play like it's the season 4 tournament."

"Yes, Coach." They answered in unison at muling umupo sa monoblocks.

"Hot topic ngayon sa twitter 'yong tungkol sa Orient Crown." sabi ko kay Dion at ipinakita sa kaniya ang screen  ng cellphone ko. As in napa-wow ako noong makita trending at 15th spot ang Orient Crown, as part of the team... Wow, nakaka-proud and at the same time ay nakaka-pressure na maging parte ng isang malakas na rookie group.

"Iba nga 'yong kaba ko ngayon, eh." sabi ni Dion sa akin. Alam na alam ko kapag kinakabahan si Dion, mabilis pinagpapawisan ang kaniyang noo kahit pa ang lakas naman ng aircon dito. "Alam mo 'yon, Rookie Tournament lang 'tong sasalihan namin pero... Paano kung mag-failed kami? Parang lahat nang pinaghirapan ko for two years ay guguho."

Sa bagay, mahirap para sa mga veteran players ang sumali sa hindi kalakihang tournament. Nakakahiya sa mga new players kung magiging pangit ang laro nila this time.

Binuksan ko ang duffle bag ko (as usual, share kami) at iniabot sa kaniya ang bimpo. "Punasan mo 'yang pawis mo. Tinitingnan ka noong mga players from different teams, oh." Itinuro ko 'yong ibang players and unexpectedly ay mayroong napatingin sa akin kung kaya't kumaway ako sa kanila.

Pinunasan ni Dion ang pawis niya at hinagis sa mukha ko ang bimpo. "Kadiri ka, Dmitri! May pawis mo na 'to." Inis ko siyang tiningnan.

"Lipat kita sa team nila, eh." Reklamo niya.

"Nag-hi lang ako." I rolled my eyes. Dahil nga sa mataray looks ko daw, kailangan ko tuloy maglagay ng extra efforts para ipakita na approachable ako kahit na bitchesa ang face structure ko.

"Gusto ko ulit makain 'yong Ube cake na gawa ni Larkin."

"Huy same!" Pag-agree ko sa kaniya. Alam kong ang gago ng ugali ni Oppa pero the best talaga 'yong binake niya sa amin last week. It served as our celebration cake dahil nakuha namin si Knighmare sa Orient Crown. "Worth it ang pera kapag magpapa-bake ka kay Oppa."

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now