Chapter 60: Stream for a Cause

9.4K 1.1K 695
                                    

NAKATAMBAY kami ni Dion sa sala ng bahay habang ini-edit ko 'yong gagawin kong pang-promote ko sa page ko at sa page ni Dion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NAKATAMBAY kami ni Dion sa sala ng bahay habang ini-edit ko 'yong gagawin kong pang-promote ko sa page ko at sa page ni Dion. "Usog mo ng kaunti 'yong text," I immediately followed his instruction. "Ayan, okay na."

Mabuti na lang talaga at natuto akong gumamit ng Photoshop back when I was in Senior High. I did enjoy editing pictures that time kung kaya na-master ko ang paggamit ko ng Photoshop. Happy ako kasi nagagamit ko ang skill na 'yon dito.

Dion have more than 120,000 followers sa page niya habang ako naman ay may 24,000 followers. Sana lang talaga ay maging succesful itong pinaplano ko.

"Bakit mo naman naisipan na gumawa ng stream for a cause?" He asked while checking his phone. It's been a day simula noong nanalasa ang Super Typhoon, his family is okay pero iyon nga, grabe ang epekto ng bagyo sa buong Nueva Ecija.

Napatigil ako sa pagpindot sa laptop. "Actually, matagal ko nang gustong mag-manage ng ganitong klaseng event or charity na makatutulong sa maraming tao. Kaso nga lang, dati, wala akong platform, wala akong ganoong voice na mag-i-influence ng maraming tao so sabi ko sa sarili ko na after I graduate ko na lang gagawin. Pero ngayon, I have those things na wala ako noon... Why not help, 'di ba?"

"Puwede ka namang sumali sa mga orgs sa University ninyo naman, ah. Wala ba kayong ganoon?"

"Mayroon, kaso alam mo 'yon... Busy ako sa pag-aaral that time, Computer Science ang course ko. May programming at Math kami so kailangan talaga pagtuunan ng pansin." Napatango-tango si Dion sa sinabi ko. "I really want to help, huwag mo sanang isipin na ginagawa ko pang 'to for your family. Hindi ko talaga gusto 'yong sitwasyon ng Nueva Ecija ngayon."

He chuckled and ruffle my hair. "Baliw, hindi ko naman iniisip iyon. Thankful nga ako kasi ginamit mo ang haming bilang platform para tumulong. Hindi lahat ng gamers ay maiisip ang ganitong bagay." paliwanag niya.

"Alam mo," I removed his hand on my hair. "Ang hilig mong guluhin ang buhok ko. I know maiksi siya pero ang hirap kaya ayusin niyan kapag nagugulo."

Natawa si Dion. "Sorry na." Siya ang nag-ayos ng buhok ko kaya nag-focus na ako sa pag-e-edit.

"Sa tingin mo, okay 'tong tagline na 'Pagkakaisa para sa Nueva Ecija' o medyo off siya pakinggan?" tanong ko kay Dion.

"Okay naman, cool nga, eh. Lagyan mo na lang na maliit na text sa ibaba na 'Stream for a cause by Gamers.'" Nag-apir kami ni Dion dahil sa idea.

"Hanep ah, parang hindi nag-away kahapon." Bumaba si Kuya London habang may hawak na mga balat ng tsitsirya. "Sarap ninyong ibaon ng buhay kahapon."

"Kuya! Tingnan mo 'to!" tawag ko kay Kuya London since siya ang graduate ng Marketing sa aming tatlo. "I need your feedback."

Lumapit si Kuya at tiningnan ang poster na ginagawa ko. "Palitan mo ang kulay nito, hindi nag-blend sa pula." Turo niya sa screen. "Nice. Inform Mom and Dad sa binabalak mo. Hindi biro ang mag-manage ng mga ganiyan especially may involve na pera." he said.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon