Chapter 6: The Kings Arrival

13.3K 1.2K 268
                                    

"MILAN, gumising ka na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"MILAN, gumising ka na. Tapos na ang masasayang araw mo," hindi na kumatok si Kuya London at dire-diretsong pumasok sa kuwarto ko. Nagtalukbong ako ng kumot upang hindi niya ako magulo.

Nabigla na lamang ako noong malakas na hinitak ni Kuya ang kumot dahilan para mawala ang nakatalukbong sa akin. "Ano ba Kuya! Ayoko ngang sumama sa inyo mag-jogging!" Reklamo ko. Kagabi lang nila napag-usapan nila Dad ang tungkol sa exercise na 'yan at hindi ko naman in-expect na tototohanin nila.

Hindi man madalas pumunta gym sina Kuya ay nagho-home workout naman silang dalawa. Ako? Food is life ako, bakit ko papagurin ang sarili ko na mag-exercise? Ang sakit kaya na magkaroon ng muscle pain tuwing pagkatapos ng workout.

Hindi ako pinakinggan ni Kuya London at hinatak niya ang kamay ko para mapaupo ako sa kama. "Kuya, ano ba! Isusumbong kita kanila Mommy."

"Magsumbong ka, samahan pa kita." Nakapikit man ako ay naririnig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya. "Sila Mom nga ang nagsabi na isama ka sa jogging namin."

"Ayoko nga, kuya!" Parang bata kong reklamo.

"Huwag mong hintayin na si Kuya Brooklyn ang tumawag sa 'yo," sa sinabing iyon ni Kuya London ay napadilat na lamang ako. Mabait si Kuya Brooklyn pero ibang klase kapag nagsermon 'yon. "Isipin mo na lang na preparation mo 'to para sa swimming next week. Para naman mayroon kang pang-IG na pictures."

"Pangit ka kumuha." Reklamo ko at pumasok aa banyo para maghilamos.

"Hintayin kita sa baba. Sumunod ka na." Huling sinabi ni Kuya at narinig ko na ang pinto ng kuwarto ko na sumara.

Bakit ba gusto nila Mom na magkaroon kami ng healthy life style? Mas gusto ko pang magbasa ng libro kaysa tumakbo sa buong village, eh.

Ipinusod ko ang aking buhok at nagsuot ng itim na fitted na jogging pants at kinuha ang running shoes ko na nakalagay sa kahon. I just wear a plain white Adidas shirt at iyon na ang outfit ko para sa pagtakbo na gagawin namin nila Kuya.

"Ang bagal mo," reklamo ni Kuya London.

I rolled my eyes. "As if I want to do this, Kuya."

Lumabas kami ng bahay at nagsimulang mag-stretching. I am a morning person pero hindi ko naman in-expect na ganito sila kaaga nag-ja-jogging! Imagine, 6:32 pa lang nang umaga. "Kuya napakaaga naman nito." Reklamo ko.

"May pasok kami parehas ni London ng 8 kung kaya kailangan agahan natin ang exercise." Bilin ni Kuya Brooklyn at wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila.

Noong unang mga minuto nang pagtakbo namin ay okay pa dahil nakakasabay pa ako kanila kuya pero makalipas ang ilang minuto... Hindi ko na maramdaman 'yong binti ko.

"Milan, hindi pa tayo nangangalahati aa village," sabi ni Kuya Brooklyn.

I waved my hand to them. "Mauna na kayo Kuya... Hahabol ako." Uminom ako ng tubig sa tumbler at nagpatuloy na sila sa pagtakbo na dalawa.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now